Ilang araw na lang graduation na namin. Honestly, I don't feel excited at all, kasi parang ritual na lang yung graduation sakin, graduate na ako, kaartehan na lang yun. Si Dion naman, 3 days after ng aming "honeymoon" pumunta sa Europe, ewan ko kung saang banda dun, di ko na tinanong kasi di ko naman sya susundan. Babalik daw sya bago mag-graduation kaya gawin ko na daw lahat ng gusto kong gawin habang wala sya kasi daw pagdating nya sila na lang daw ni Dylan ang aasikasuhin ko. Kaya heto ako ngayon, nakikipagdate sa hangin dahil napilit ako ni Lily na pumunta sa graduation ball namin. Kairita eh, ang alam ko pagkatapos ng graduation ang ball, pero tong abnormal naming school inuna yung ball sa graduation, ano pa bang aasahan ko eh abnormal din yung may ari ng school, tss. "may

