Chapter 4

1606 Words
No,  not once,  not ever,  Jimuelle, lalaki lang yan, chill. "Are you his dad? " tanong ko.  Nakatitig lang kasi sya sa akin as if his blue eyes can see the depths of my soul at naiilang na ako. Tumango lang sya.  Ibababa ko na sana si Dylan pero ayaw naman nya. "Can we sit first? He don't want to walk yet" sabi ko,  hindi ko na sya hinintay sumagot at naglakad na ako papunta sa table nya kanina. "Jim,  alis muna ako, bibili lang ako ng damit" sabi ni Lily,  sinamaan ko ng tingin pero nginisihan lang ako. "By the way, my name is Lily, pakitignan na lang si Jim ha,  baka biglang magwala eh" sabi nya dun sa herodes, the guy just smirked and nodded, at nilayasan na kami. Umupo na lang ako at pagkatapos pinapababa ko si Dylan pero ayaw nya talaga,  nakakapit lang sya ng mahigpit. "King Dylan, you sit at the chair! " puno ng authority na sabi nung herodes,  naramdaman ko naman ang paghikbi ni Dylan pero sumunod naman sya. I glared at the guy,  ganito nya ba kausapin ang anak nya?  it seems like he is talking to his servants than to his son. "Now,  what are staring at? " galit na tanong nito,  eto nga yung walang breeding kong kausap kanina,  peste,  first time kong magwapuhan sa lalaking hindi Hollywood actor kaya lang wala namang modo,  ang sama pa ng ugali. "Is that how you talk to your son everyday? It's like your talking to your freaking servant than to your son,  no wonder he doesn't want me to give him to you" I said calmly,  baka di ako makapagpigil ihampas ko na lang sa kanya yung upuan sayang naman ang mukha. "Wala kang pake kung paano ko kausapin ang anak ko, ganun ko sya kausapin para malaman kung paano rumespeto at sumunod sa instructions" madiin nyang sabi na parang nagpipigil din,  huh,  nagtagalog din sya para hindi maintindihan ng anak nya ang sinasabi nya,  wow,  I am talking to a moron and I am hating it. "Mr. Whoever you are, hindi mo makukuha ang respeto ng anak mo sa pananakot, tinuturuan mo lang syang katakutan ka at hindi respetuhin,  magkaiba yun, o baka gusto mong i elaborate ko pa sayo ang meaning nun? " sabi ko. Ayaw ko talaga ng gulo pero tong lalaking to ata naghahanap nun. "Ano bang alam mo sa pagpapalaki ng anak ha? May anak ka na ba para pagsalitaan ako kung paano ko kausapin ang anak ko? " nanggigigil na sabi nya,  oh,  natakot ako,  note the sarcasm please. "Alam mo lalake,  hindi ko kailangan ng anak para malaman kung paano kausapin ang isang 3 years old na bata na nawala sa poder ng magulang nya ng isang gabi,  ano ba naman yung itanong mo sa kanya kung ayos lang ba sya? Or kung inalagaan sya nung nakakita sa kanya? Instead ipinapakita mo sa kanya wala kang pake kung anong pinagdaanan nya the whole day ang mahalaga mapagalitan mo sya" gigil ko ring sabi.  Pesteng to. Tinignan ko si Dylan at nakita kong umiiyak na sya pero pinipigil nya yung sounds ng iyak nya. Pinunasan ko nalang yung luha nya gamit yung face towel na dinala ko para sana sa likod nya. Hinarap ko na lang yung lalaki at pagharap ko nakatingin lang sya sa amin ng anak nya. "Tss, why did you left your nanny at the park? "Tanong ni herodes sa anak nya " I*huk*I didn't left her,  she *huk* left me near the cr,  *huk*" humikbing sagot ni Dylan. "Don't lie,  your nanny said you run away" sabi naman nung herodes, gago ba to,  nagtatanong pero di naniniwala? "*huk* but it's true, *huk*she left me*huk*" giit ni Dylan "That's bullshit Dylan, you just left for a night and you became a liar" singhal ng impakto,  hindi ako magsasawang bigyan to ng mga pang demonyong pangalan. Anong ibig nyang sabihin tinuruan ko si Dylan na magsinungaling? Letse to ah! "Hoy lalaking walang utak,  anong ibig mong sabihin,  tinuruan ko syang magsinungaling? Kung naniniwala ka na dun sa sinabi ng nanny nya edi sana di mo na tinanong si Dylan, hindi mo rin naman pala papaniwalaan yung side nya, pesteng to! ". Pasigaw kong sabi,  sagad na pasensya ko. " Sinong tinawag mong peste? " singhal nya. Gwapo sana tanga lang. "Ikaw,  peste ka tanga pa,  wala kang karapatang magtanong kung hindi ka maniniwala" sabi ko,  medyo pinagtitinginan na kami dito. I need to go, baka mawalan na ako ng breeding at kung ano pa ang masabi ko. "Baby,  I need to go, baka mapatay ko pa yang ama mo eh" sabi ko kay Dylan. Tinignan naman ako ng masama nung tatay nya "No! I'll go with you!" Sabi ni Dylan yumakap sya sa akin at tuluyan na syang humagulgol.  COA na kami dito ah. I looked at his father pero nakangisi lang ang gago,  parang hinihintay nya kung anong gagawin ko. "Wag kang ngumising peste ka! Lumabas na tayo dito!" Pagkasabi nun lumabas na kami ni Dylan at iniwan sya. "Hoy babae, saan mo dadalhin ang anak ko? " sigaw nya habang hinahabol kami. "Hoy lalaking walang manners, wala akong planong kidnappin ang anak mo, patutulugin ko muna sya pagkatapos iuwi mo na" sabi ko nung makalapit sya. "Aah,  sumama ka na lang muna pauwi sa amin,  may ugali kasi sya na kung sino ang nagpatulog sa kanya habang buhat sya yun din dapat ang maglàlagày sa kanya sa kama kung hindi magwawala sya" sabi nya.  Pwede rin naman pala syang maging mahinahon eh. "Okay" simpleng sagot ko "Wala kang violent reaction? " takang tanong nya. "What for? Gusto ko ring malaman kung saan nakatira si Dylan para mabisita ko sya minsan" I said,  di naman masama kung bibisitahin ko sya di ba? "Ah,  okay" sagot naman nya,  nauna syang naglakad papunta sa kotse nya. Akmang bubuksan ko yung backseat ng biglang may pumigil sa kamay,  para naman akong nakuryenteng ewan,  ano to? May sparks kami? Tinignan ko naman yung pumigil sa kamay ko. "Alam mo,  sa gwapo kong to,  hindi ako papasang driver mo kaya kung ako sayo pumunta ka na sa may passenger seat okay? " sabi ni herodes,  what? Di ko alam pangalan eh nakalimutan ko na. Sumunod na lang ako para walang gulo. At dahil nakayakap pa rin sa akin si Dylan hindi ko maayos yung seatbelt namin, nung mapansin ni herodes sya na ang nag ayos, shet, bakit ang bango nya? Nakakailang. "Masyado ba akong gwapo at di mo kinaya kaya napapikit ka o akala mo hahalikan kita? " he said with amusement on his voice,  patayin ko na kaya to, masyadong feeler eh. "Alam mo para kang Frisbee disc" sabi ko. "Kasi gusto mo akong habulin? Mahilig ka pa lang bumanat ha? " nang aasar nyang sabi "Hindi,  kasi ang sarap mong ihagis na letse ka,  di ba pwedeng ang sakit ng ulo ko kaya ako napapikit, ugh,  conceited jerk" sagot ko, bwisit na to! "Kunyari ka pa,  if I know,  type mo ako kaya sumama ka sa amin" sabi na naman nya. Nek nek nyang umamin ako hmp. "Saan mo napupulot yang tigas ng mukha mo,  makikipulot nga rin ako,  ugh,  Jimuelle,  wag mo na kasing patulan! " pabulong kong sabi. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa may bintana, baka nga maging kriminal ako gawa ng kumag na to. "So, Jimuelle ang pangalan mo,  nice name, I'm Dion by the way,  Rex Dion La-" "Mag ka AIDS na nagtanong" I cut between his sentence "You know what? "Herodes/Dion "No,  I don't"-me "Alam mo kanina ka pa,  pwedeng patapusin mo akong mag salita? "Herodes/Dion "Whatever"-me " as I was saying,  you are not my type but I'm beginning to like your attitude"-Dion "Should I be flattered or insulted? Anyway,  the feeling is almost mutual,  you are also not my type and I definitely hate your attitude,  don't talk to me, tulog na yung anak mo baka magising pa sa kadaldalan mo" I said and closed my eyes, ang sakit kaya, sa pangang makipag away. "Let's see about that" he said smirking. Hindi kami nag usap hanggang makarating kami sa isang mansyon,  shet, mukhang mayaman si Dion-monyo. The gate automatically opened when we arrived. Tinulungan naman ako nung peste na tanggalin ang seatbelt ko pagkatapos nagmamadaling lumabas at binuksan yung pintuan sa side ko, well, may capacity rin pala syang maging gentleman. He guided me inside the house, nakaalalay lang sya sa likod ko, ayokong mag assume pero feel ko tsinatsansingan na ko neto eh, hindi ko na lang pinansin at baka sabihing assumera ako. Pumasok kami sa isang kwarto sa first floor na puno ng toy cars at robots karamihan nasa kahon pa, ilan lang ang nasa sahig.  Eto siguro ang kwarto ni Dylan, at sa tingin ko,  hindi nya gaanong bet ang mga laruan nya kasi halos hindi pa ata nagagamit maski yung nasa sahig eh. Inilapag ko na lang sya sa kama pero bago pa sya tuluyang makahiga yumakap ulit sya sa leeg ko. "Mommy, don't leave" sabi nya. "Mommy? " takang tanong ng ama nya. "Trust me,  hindi ko rin alam kung bakit ipinipilit nyang mommy nya ako, pagkakita ko sa kanya kahapon tinawag nya na lang akong mommy" defensive kong sabi, conceited tong kausap ko baka ano pang maisip nya. "Mommy, don't leave" ulit ni Dylan,  no choice,  hindi ko rin maatim na iwan sya. Tinanggal ko na lang ang sapatos ko at tumabi sa kanya. "Shh,  baby, let's sleep together okay? " sabi ko kay Dylan, di ko na pinansin yung ama nyang malandi bahala sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD