CHAPTER 3

1695 Words
Nakangiting nakatitig si Meiya sa picture ni Ouyang na nasa phone niya nang nagkaroon sila ng break sa kanilang tapping. "One of these days, you will become my boyfriend," bulong ng kanyang utak habang hindi niya maalis-alis ang kanyang mga mata sa mukha nito. Talagang inin-stalk niya ang binata para lang makakuha siya nang maraming information tungkol dito para kung sakaling muli silang magkakaharap ay kilala na niya ito at hindi na siya mag-aalangan pa. Inalam niya ang favorite foods nito. Ang mga bagay na gusto at ayaw nito. Siyempre, hindi rin nakaligtas sa kanya ang kagustuhan na malaman kung may nobya ba ito o ilan na ang naging girlfriend nito at napangiti na lamang siya nang wala siyang nahagip kahit isang babaeng nagkaroon ng link sa binata kaya sigurado siya sa kanyang sarili na ito na nga ang lalaking hinihintay niya at hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataong ito. Gagawin niya ang lahat, makuha lamang niya ang puso ng binata kahit ano pang sasabihin ng ibang tao sa kanya. "Kanina ka pa nakatitig diyan," sabi ni Moona nang pumasok ito sa dressing room kung nasaan siya. "Moona, naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong niya rito at napaisip naman ang kanyang manager. "Maybe, yes. Maybe, no," hindi nito siguradong sagot. "Ano ka ba?" "Eh, hindi ko naman naranasan 'yan," maagap nitong sagot sa kanya. "Basta ako, naniniwala ako sa love at first sight," aniya habang muli na namang nagde-daydreaming nang muli niyang tinitigan ang mukha ni Ouyang na nasa phone niya. Bahagya pa niyang dinama ang ilonh nito habang nakangiti. Napailing na lamang si Moona sa kanyang inasal pero atleast, masaya na rin ang kanyang manager sa kanya dahil sa wakas, natutunan na rin niyang magkagusto. Habang abala si Ouyang sa pag-aasikaso ng mga documents na nasa ibabaw ng kanyang mesa nang araw na 'yon ay napatingin siya sa kanyang phone nang may natanggap siyang isang text message. Hi. Napakunot ang kanyang noo sa kanyang nabasa at lalong napakunot ang noo niya nang hindi niya kilala kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing phone number dahil unregistered ito sa kanyang phone. Napaisip siya kung sino kaya ang posibleng nagmamay-ari ng phone number na 'yon at kung paano nito nakuha ang kanyang phone number. Pero, imbes na sagutin niya ang message na kanyang natanggap ay mas pinili na lamang niyang ibalik sa kung saan niya dati inilagay ang kanyang phone saka niya muling ibinalik ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa pero makalipas lang ang ilang sandali ay muli na namang nag-vibrate ang kanyang phone at nang tingnan niya ay the same phone number pa rin ang nag-send ng message sa kanya. Mag-reply ka naman para malaman ko kung natanggap mo ang message ko. Lalo siyang napapaisip kung sino nga ba ang nagte-text sa kanya ngayon dahil feeling close ito sa kanya. Napaka-demanding pa nito na siyang ikinainis niya kaya muli na naman niyang ibinalik ang kanyang phone sa kanyang pinaglagyan kanina pero napapikit na lamang siya nang muli na namang nag-vibrate ang kanyang phone at lalo siyang nainis nang makita niyang iisang phone number lamang ang nangingistorbo sa kanya pero hinayaan pa rin niya ito at wala siyang balak na sagutin ang text messages nito kung sino man ang makulit na nagmamay-ari ng phone number na 'yon. Pero, habang pilit niyang binabalewala ang nagte-text sa kanya ay lalo lamang itong nagiging makulit kaya mas minabuti na lamang niyang i-off ang kanyang phone upang hindi na ito magba-vibrate minu-minuto at du'n na lamang siya nakaramdam ng kapayapaan. Samantala, sa kabilang banda naman ay inis na inilapag ni Meiya ang kanyang phone sa ibabaw ng upuan na nasa tabi niya nang wala siyang tugon na natanggap mula sa isang lalaking kanina pa niya tini-text. Si Ouyang! Yes! It was her! Talagang kinapalan niya ang kanyang mukha para hingin kay Daniel ang phone number ng kaibigan nitong si Ouyang para lang magkaroon siya ng kontak sa binata pero mukhang hindi naman naging epektibo ang kanyang plano. Lalo lamang siyang nainis nang sinubukan niya itong tawagan pero hindi niya ito makuntak. Naka-off na kasi ang phone ng binata. Nakasimangot na napatingin na lamang siya sa kanyang mg kasamahan sa set habang nagte-tapping ang mga ito ng eksena kung saan, hindi siya kasali. At kahit na nakatingin siya sa mga ito, ang isipan naman niya ay patuloy na lumilipad patungo sa binatang hindi naman siya pinansin kahit sa text lamang. Kahit blangkong reply lang sana mula rito pero, wala talaga siyang natanggap. Ganu'n nga ba talaga siya ka-invisible para rito? Hindi siya papayag na babalewalain na lamang ni Ouyang ang beauty niya. Maraming lalaking naghahabol sa kanya kaya hindi siya papayag na sa isang katulad ni Ouyang siya mababalewala. "Anong binabalak mo?" curious na tanong ni Moona nang sabihin niya rito ang kanyang ginawang paghingi ng phone number ni Ouyang mula kay Daniel. "Hindi ako susuko," sabi pa niya sa boses na puno ng determinasyon. "Paano nga kung ayaw talaga niya sa'yo?" Tiningnan niya ng masama ang kanyang manager. "Wala ka na bang bilib sa akin?" "Meiya, maraming lalaking naghahabol sa'yo kagaya ni Dave, bakit du'n ka pa sa isang lalaking nambabalewala sa'yo?" "Exciting kaya kapag ganu'n," nakangiti pa niyang saad, "Alam ko naman na magkakagusto rin siya sa akin. Hindi niya matatanggihan ang ganda ko," dagdag pa niya na siyang ikinabahala ni Moona. Sana nga lang, hindi ito gagawa ng isang bagay na maaari nitong ikasisira. "Nice shot!" nakangiting saad ni Daniel matapos i-shoot ni Ouyang ang bola ng golf. Nagtapikan silang magkakaibigan saka sila naglakad papunta sa area kung saan may mesa at upuan na nakatayo. Nang nakaupo na sila nang maayos ay binigyan agad sila ng mainom ng alalay ni Daniel habang sila naman ay patuloy sa pagkukwentuhan. "I really missed this moment. Matagal-tagal na rin pala tayong hindi nakapaglaro dahil sa pagiging abala natin sa kanya-kanya nating trabaho," saad ni Daniel habang nakatuon ang mga mata nito sa lawak ng field. Gawain na kasi nilang magkakaibigan na maglaro ng golf kapag nagkakaroon sila ng panahon para sa ganitong bagay. Isa rin kasi ito sa paraan para naman mas tumitibay ang kanilang pagkakaibigan. Dito na rin sila makapagkwentuhan nang maayos dahil malayo sa mga tao at tahimik ang paligid. Makaka-relax din sila pareho kapag nandito sila. "Mabuti naman at naisipan mong yayain ako ngayon," wika ni Ouyang saka uminom ng tubig sa mineral na ibinigay sa kanila. "No matter how busy we are, we should give ourselves a shot para naman habang palago nang palago ang kompanya natin, nae-enjoy naman natin ang buhay natin." Napangiti si Ouyang sa naging pahayag ng kanyang kaibigan at kagaya nito ay itinuon na rin niya ang kanyang atensiyon sa lawak ng field na 'yon. "Oh, by the way. Did Ms. Morales contacted you?" Napakunot ang noong napatingin siya sa kanyang kaibigan sa naging tanong nito sa kanya. "Well, she asked me for your phone number earlier," paliwanag nito at bahagya naman siyang napaisip. Naaalala niya ang phone number na text nang text sa kanya kanina, hindi kaya si Meiya 'yon? "Dude, babae na 'yong naghahanap ng paraan para magkaroon ng connection sa'yo, don't let her slip away. Sunggaban mo na ang pagkakataon. Isa pa, Ms. Morales is a beautiful woman tapos milyon-milyon ang tagahanga niya and I'm pretty much sure na maraming lalaki rin ang humahabol sa kanya at maswerte ka kung siya na ang naghahabol sa'yo." Napailing na lamang si Ouyang sa kanyang mga narinig galing sa kanyang kaibigan. "I don't have much time for that," matabang niyang saad. "Ano? May balak ka bang tatandang binata?" "Kilala mo 'ko, I'm so much busy with my company at kaya wala na akong oras para sa bagay na 'yon and one more thing, that is not important right now." Napailing na lamang si Daniel dahil sa prinsipyo ng kanyang kaibigan na magmula pa noon magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Ano nga ba ang maaari niyang magagawa para naman mabago niya ang takbo ng isipan nito? "Ikaw din. That is your life," aniya saka siya napatingin sa ibang side ng field, "Balita ko, manliligaw daw ni Ms. Morales si Mr. Gatchalian, do you still remember him during the charity dinner?" Nag-flashback sa isipan ni Ouyang ang nangyari sa nasabing dinner at muli rin niyang naaalala ang mukha ni Dave Gatchalian at ang pagiging clingy nito ng gabing 'yon kay Meiya. Napailing na lamang siya nang maaalala niya ang lahat nang nu'n. "Well, they are both artists. They are in the same field at araw-araw silang nagkikita at nagkakasama. May mga pagkakataon ding magkatambal sila sa iisang drama, sa isang pelikula..." pahayag ni Daniel habang pinagmamasdan niya ang magiging reaksiyon ng kanyang kaibigan. Pero, mukhang wala siyang mapapala dahil wala namang nag-iba sa facial expressions nito. Hindi niya masabi kung ano na kaya ang tumatakbo sa utak nito ngayon. "He's not that handsome as you but he's not that ugly, too kaya hindi na rin imposible kung one of these days, kakalat na sa buong mundo na magsyota na pala ang dalawang 'yon." Wala pa ring imik ang kanyang kaibigan pero alam niyang nag-iisip na rin ito. Sana nga lang ay napag-isipan nito ang kanyang mga sinabi dahil sayang naman kung hahayaan na lamang nito ang oportunidad na kusa nang lumapit rito. Nang nakauwi na si Ouyang sa kanyang condo unit ay agad siyang sumalampak sa ibabaw ng kanyang sofa at nang naalala niya ang sinabi sa kanya ni Daniel tungkol kay Meiya ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa ng suot niyang tuxedo at ini-on niya ang power nu'n at makalipas lang ang ilang sandali ay sunod-sunod na nagsipagsulputan ang mga text messages sa kanya ng phone number na nagte-text sa kanya kanina. Binasa niya ang laman ng ibang messages at nang mabasa niya ang pangalan ni Meiya dahil nagpakilala ito ay saka lang niya napagtantong hindi nga gawa-gawa lang ni Daniel ang mga sinabi nito sa kanya. Pero, kahit na ganu'n ay pilit pa rin niyang binalewala iyon habang si Meiya naman sa kabilang banda ay nakaabang sa magiging reply sa kanya ni Ouyang pero ginabi na lamang ay wala pa rin siyang natanggap mula rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD