Accidents

3234 Words
Kalma, ghorl! Kumalma ka! Wala pa tayong nacoconfirm. Wag kang magbreakdown dito. Nakakahiya. "Sis! Ano nangyari? Namumutla ka. Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Tracy. "Ah..huh?" "Tinatanong kita kung nakapag-try ka na ng bagong brand nito." Sabay abot sakin ng bagong sanitary pads. "Uhm..hindi pa sis. Sige ita-try ko din." Kinuha ko sa kanya ito at nagmadaling maglakad. Natapos kaming mag ikot. Paminsan minsan akong tumatango at umooo sa sinasabi ni Tracy kahit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya. Ayokong mahalata nya na may pinoproblema ako. Hindi nya ako titigilan hanggat di ko ito sinasabi kaya naman nag iingat ako sa ikinikilos ko. Nang makalabas kami ng AsianMart ay nagpaalam ako sa kanya na bibili ng gamot sa may Venus Pharmacy. Inantay naman nya ako sa labas. Hay buti na lang at di sya sumama sa loob kundi maiilang akong bilhin ito. Bumili ako ng Ibuprofen at dalawang pregnancy test kit. Nagmadali naman akong itago ito sa aking bag pagtapos kong bayaran at niyakag na si Tracy na umuwi. "Sis, alam mo may sasabihin ako sayo." Seryosong tono ni Tracy. "Anu yun sis?" "Alam mo, feeling ko, nafafall out of love na ko kay Mark. Ewan ko ba. Parang nawawalan na kami ng spark. Parang iba na. I mean, wala namang iba, walang third party, pero parang lately parang routine na lang ang ginagawa namin. Alam mo yun? Paulit ulit na lang. Medyo nakakasawa na." "Sis, ganun talaga kasi matagal na kayo di ba? Ilang taon na kayo? Almost three years na din di ba? Isipin mo, kung mawawala ba sya sa buhay mo kakayanin mo? "Di ba sabi nga 'No one falls in love by choice, it is by chance. No one stays in love by chance, it is by work. And no one falls out of love by chance, it is by choice.'" "Naks naman sissy! May pa-quotes quotes ka na ngayon. Ano bang ipinakain sayo ng kapatid ko ha?" Biro ni Tracy sabay tawa. Yung jumbo hotdog nya sizt! "Kung anu man yan sis, palagay ko naman malalampasan niyo ni Mark yan. Kayo pa ba? Ang solid niyo kaya. Wag lang sya magloloko!" Sabi ko kay Tracy. Nakarating kami sa aming bahay. Nagpaalam naman ako na uuwi na at gusto nang magpahinga. Pinilit ako ni Tracy na dun na maghapunan sa kanila ngunit nagdahilan ako na may assignment na gagawin. Nagmadali akong pumasok at inilock ang pintuan. Dumiretso agad ako sa banyo at kinuha ang dalawang pregnancy test kit. Binasa ko ang instructions sa likod at sinunod ito. Ganun din ang ginawa ko sa ikalawang kit. Pumikit ako. Parang tumigil ang oras habang inaantay ko ang resulta ng dalawang pregnancy test. Tapos na ang tatlong minuto at dahan dahan kong minulat ang aking mata. Please. Negative please. Negative please. Malinaw na malinaw ang dalawang guhit sa dalawang pregnancy test kits. Positive. Nanghina ako at napaupo sa malamig na tiles ng aking banyo. Napatakip ako ng aking muka at maliliit na hikbi ang lumabas sa aking labi. Hindi pwede 'to. Paano ko sasabihin kay Stefan. Paano na? Anong gagawin ko? Walang mangyayari kung iiyak ako dito. Gusto kong sabihin ito kay Tracy kaso hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. At ayoko din malaman ni Stefan ito lalo nag uumpisa pa lang kami. Pero unfair din naman sa kanya. Palagay ko dapat niya itong malaman. Ping! "Ano kayang ginagawa ng mahal ko?" Chat ni Stefan sa akin. Hindi ko alam kung anung dapat kong gagawin. Natatakot ako. Wala akong ibang mapagsabihan. Tatanggapin pa din kaya ako ni Stefan at ni Tracy pag nalaman nila?Huminga ako ng malalim at pinilit buhatin ang aking nanghihinang katawan. Naisip ko si Tracy. Palagay ko naman maiintindihan niya ako. Oo tama. Parehas kayong babae at kapatid na ang turingan niyong dalawa sa isa't isa kaya imposibleng hindi ka niya maintindihan. Ping! "May ginagawa ka ba, Maria? Pwede ba kita puntahan?" Chat ni Stefan ng hindi ako makapagreply kaagad sa kanya kanina. "Ay oo, pasensya na di ko nasabi. Nagrereview kasi ako para sa exams bukas." "Awts. Sige, mag aral ka na dyan para sa kinabukasan natin. Hehe. I love you. Wag papalipas ng gutom ah. Muah! :-*" "I love you too." Reply ko sa kanya. Maya maya ay napagpasyahan kong ichat si Tracy. "Sis, SOS" "Sissy! Bakit??! What happened?" "Sis, alam kong mapagkakatiwalaan kita kaya sayo ako lalapit. Pwede mo ba ako samahan bukas?" "Sissy naman! Kinakabahan naman ako sayo! Oo naman! Kahit sang lupalop pa ng impyerno pa yan, basta ikaw, sasamahan kita. San ba tayo pupunta?" "Basta sis, bukas ko na lang din sasabihin kung san tayo pupunta. Wag ka na lang maingay kay Stefan." "Ay, okay okay, no problem sissy! My lips are sealed." "Okay, salamat sis. Alam kong maaasahan kita sa ganitong mga bagay." "Naku, ako pa ba sissy! Kahit magnakaw pa tayo sa bangko, gora lang. What time ba tayo bukas?" "Sa umaga sana? Pwede ka ba bukas o may pasok ka ng maaga?" "Meron ako ng 8 am pero minor subject lang naman. Skip ko na lang sissy." "Hala, wag na sis, hapon na lang kaya?" "Ay sa hapon kasi puro major subject ko na kaya mejo alanganin sissy." "Okay sis, umaga na lang. Salamat ulit. Pasensya ka na ah." "Nu ka ba parang ibang tao ka naman nyan." "Sensya na sis. Love you :-x salamat talaga!" Kinaumagahan ay nag ayos na ako ng mga kailangan ko at nagpasyang magpasama kay Tracy sa hospital na mayroong OB-Gynecologist. Nang makita ni Tracy ang signboard sa labas ng pintuan ay nanlaki ang kanyang mata na para bang excited. "Sis! Don't tell me nabuntis ka agad ni Kuya Steph??!" "Sis, I'm sorry. Sana nga kay Stefan na lang. Pero sis dalawang bwan na din akong late. Two months. Yun yung huli kong kasama si Ryan." Napaiyak ako habang inamin ko kay Tracy ang bigat ng aking dinadala. Napatakip sya ng kanyang bibig at halatang gulat din sa nalaman. Niyakap naman niya ako agad. "Sis, it's okay. Hindi kita jinajudge. Andito lang ako." Niyakap ako ng mahigpit ni Tracy habang nasa waiting room at nag aantay dumating ang doktora na titingin sa akin. "Ms. Maria? Pa fill up na lang po ako ng form tapos paantay na lang po matawag ang pangalan ninyo." Sabi sakin ng isang nurse. "Sis, kaya mo ba? Gusto mo ako na mag fill up ng form mo." Alok ni Tracy sa akin. "Okay lang ako sis, salamat ha." Pinunasan ko ang luha saking mga mata at kinuha kay Tracy ang form at finill-upan ito. "Sis, anong balak mo ngayon?" Tanong sakin ni Tracy. "Sis, hindi ko din alam. Pero pagtapos ng araw na ito baka sabihin ko din ang totoo sa kuya mo. Deserve niya malaman ang katotohanan. Hindi ko siya kayang lokohin." Sabi ko kay Tracy. "Sige sis, kung anong desisyon mo susuportahan kita. Alam mong andito lang ako para sayo." Sabay tapik sa aking balikat. Salamat po at pinagpala niyo ako ng ganitong klaseng kaibigan. Maya maya ay ipinasa na ni Tracy ang form sa nurse at dinala naman ito sa loob ng consultation room. "Ms. Maria? Tawag na po kayo ni Doktora Cruz." Sabi ng nurse "Okay. Thank you po. Tara Trace?" "Ay ma'am pasensya na po, pasyente lang po ang pwede sa loob." Paalala ng nurse. "Ay ganun po ba, sige po." "Sis, antayin na lang kita dito sa labas. Go lang. Andito lang ako. Antayin kita." Sabi ni Tracy. "Okay sis. Saglit lang ako." Pumasok ako sa loob ng consultation room at nakita ang isang nasa late 30's na doktora. Pinaupo niya ako sa upuan sa kanyang harapan. "Good morning, Ms. Maria? Anong ipapacheck up natin?" Tanong ng doktora sa akin. "Doc, good morning din po." Inilabas ko ang dalawang pregnancy test sa aking bag at ipinakita sa doktora. "Congratulations, Ms. Maria! Naaalala mo ba kung kailang ang last menstrual period mo?" "Two months ago doc. Akala ko delayed lang ako pero kahapon naramdaman ko po na makirot ang dibdib ko. Bigla kong naalala hindi pa ako dinadatnan kaya nagtake ako ng pregnancy test. Ayan nga po ang resulta." "Regular naman ang periods mo before? Sexually active ka ba iha? Don't worry, routine questions lang ito and I need you to be completely honest with me. Lahat naman ng sasabihin mo is strictly confidential." Paalala sakin ng doktora. "Yes doc. Regular naman po and yes, sexually active din po." "How many partners have you had in the past six months?" "Tatlo po pero yung isa isang beses lang at di na naulit." "Okay, we need to do series of test tska ultrasound na din para malaman kung ilang weeks na si baby. Alam na ba ng father?" "Hindi pa po and it doesn't matter." "Okay, pwede ko nang ischedule ang blood work up at urinalysis mo. Yung radtech namin naka off kaya kailangan mong bumalik ng Thursday para sa ultrasound." Ibinigay nya sa akin ang lab requests na kailangan kong gawin. "Pagtapos mo, balik ka sa akin kasama ng resulta, okay?" " Yes doc, salamat po." Lumabas ako ng consultation room at nakitang matyagang nag aantay si Tracy. "Sis ano na, kamusta na daw?" "Eto sis, kailangan ko muna magpa labs tapos babalik pa daw ako ng thursday para sa ultrasound." "Tara, bayaran na natin tapos pakuha ka na ng dugo." Nakapagbayad ako sa cashier at binigyan naman ako ng maliit na cup para maihian.Nagpunta kami ni Tracy sa banyo. Ako naman ay umihi sa maliit na cup. Binalot ko ito ng tissue at dinala sa labs. Kinuhaan na din ako ng dugo at naupo sa labas ng labs habang nag aantay ng resulta. Tahimik kaming dalawa ni Tracy. "Hindi ko akalaing mangyayari to sakin sis. Ang tanga tanga ko." Naiiyak kong sambit kay Tracy. "Naku sis, wag kang ganyan, every baby is a blessing. Palagay ko naman tatanggapin ka pa din ni kuya kahit malaman niya yan. Mahal na mahal ka noon. Kung aayaw sya eh di bahala siya sa buhay niya. Kawalan niya yun." Pinapagaan niya ang loob ko sa kanyang mga sinasabi. "Maiba ako sis, sasabihin mo ba kay Ryan ito?" Tanong ni Tracy. "Hindi ko din alam, Trace. Hindi ko alam kung mas makabubuti ba na wala na kaming ugnayan sa isa't isa." "Hindi na ba talaga siya nagparamdam sayo sis?" "Simula nung pag alis niya, ni ha ni ho wala. Hindi din siya nag uupdate sa Facelog pero naalala ko kasi banned daw sa kanila yun kaya siguro. Pero may email naman. I mean, kung gusto may paraan naman di ba? Kaya alam na." "Aba'y gago pala talaga yun ah! Ibang klase din! Akala ko napakatino niyang lalaki. Tama lang yan sis! Siguro mas mainam na wag na niya malaman. Tama na yung pasakit niya sa inyo ni Lola Karing." "Ms. Maria? Eto na po ang resulta niyo. Pakidala na lang po kay doktora." Sabay abot sakin ang isang maliit na brown envelope. Bumalik kami sa may consultation room at muli akong inantay ni Tracy sa waiting area. Pumasok ako at ibinigay ang brown envelope sa doktora. "So far, okay naman ang dugo mo. Mejo mababa lang ng kaunti kaya reresetahan kita ng prenatal vitamins. Itake mo once, daily. May mild UTI ka din pero maganda kung daanin mo sa water therapy. Iwas muna sa mga softdrinks at maaalat. More on fruits ka na lang. Balik ka ulit sakin sa Thursday, okay? Para sa Transvaginal ultrasound mo." "Okay po, doc. Salamat po ulit." Pagtapos ay pumunta kami sa pharmacy ni Tracy at binili lahat ng kailangan kong gamot. Nanakit naman ng kaunti ang aking puson. Naalala ko ang sabi ng doktora na may mild UTI ako. Ininom ko kaagad ang nireseta sakin na vitamins at uminom ng maraming tubig. "Sis ano, kaya mo naman ba?" Tanong sa akin ni Tracy. "Oo sis, salamat ulit sa pagsama mo sakin ah. Una ka na sa school mo. Ako din papasok na. Salamat ulit ah." Sabi ko sa kanya. Naghiwalay kami sa sakayan at para bang lutang ang ulo ko habang pasakay sa loob ng isang taxi. Nag drive ang manong at namalayan ko na lang na papalapit na kami ng mapadaan kami malapit sa café ni Ryan. Napatulala ako sa labas at nakita kong may isang babae ang lumabas. Pamilyar ang mukha ng babae. Si Diana! Nanlamig ang aking balat ng makitang lumabas si Ryan sa kanyang café at sumunod kay Diana. Andito siya? Ni hindi niya nagawang kamustahin manlang ako? Tapos makikita kong nandito na pala siya! Hayop ka Ryan! Hayop ka! Mamatay ka na! Ambigat ng pakiramdam ko at pigil na pigil ang pagbagsak ng luha ko sa aking nasaksihan habang papalayo ang taxi na sinasakyan ko. Nakarating ako sa klase at halos naging mabagal ang pagtakbo ng oras. Napapansin ni Janus na napapadalas ang pagtulala ko. "Teh? Okay ka lang ba? Kanina ka pa maputla. Hatid kita sa clinic?" Alok ni Janus. "Okay lang ako. Salamat." Ramdam kong unti-unti na namang pinagpipipiraso ang puso ko na unti-unti naming binubuo ni Stefan. Hindi ko matanggap ang nakita ko kanina. Wala manlang explanation? Ryan? Tapos babalik ka na naman? Okay na ko eh. Unti-unti nang nakakabalik sa dati tapos ano?Makikita kita kasama si Diana? Sana hindi ka na lang bumalik! Naramdaman ko na naman ang sakit sa aking puson. Natapos ang buong klase at halos paika ika ako maglakad. Ping! "Kamusta, mahal ko?" "Okay naman ako, pauwi na. Wala ang prof namin sa huling subject." "Ingat ka pauwi. Hindi pa tapos ang klase namin. Baka gabihin pa kami." "Okay, love you :-*" "Mag cut na lang kaya ako. Miss na kita eh. Date tayo?" "Naku, sira! Wag na. Gusto ko din magpahinga. Medyo masakit katawan ko eh." "Lalo ko tuloy gustong umuwi. Massage ko buong katawan mo, mahal ko." "Wag na, Stefan. Ipapahinga ko lang to saglit. Mag aral ka ng mabuti dyan." Nakarating ako sa bahay at agad ng nagpalit ng bihisan. Nananakit pa din ang puson ko. Nakita ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Maputla ang aking balat at labi. Ganito ba talaga dapat? Parang kakaiba na yung sakit ng puson ko. Nahiga ako saglit sa aking kwarto at nagpahinga. Maya maya ay may kumatok sa aking pintuan. Naku mukang nagcutting class talaga ang mokong na yun! Bang bang bang!! "Sandali lang, eto na lalabas na." Pinilit kong bumangon kahit masama ang aking pakiramdam.Binuksan ko ang aking gate at hindi makapaniwala sa aking nakita. "Anong ginagawa mo dito, Ryan?!" Nakatayo sya sa harap ng aking gate at naramdaman kong nahilo ako bigla. Lahat ng sama ng loob na idinulot ng pag alis niya ay bigla na lang lumabas. Bumigat lalo ang aking pakiramdam na para bang aatakihin ako sa puso. "I'm sorry, Maria. I know it's too late for me to explain everything. Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko. I know walang kapatawaran ang biglaang pag alis ko pero sana bigyan mo ako ng chance makapag explain." "Wala ka ng dapat iexplain sakin. Naging malinaw naman ang lahat sa akin, Ryan. At least alam ko na kung ano lang ang halaga ko sa buhay mo. Ngayon kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na." "Namatay ang mama ko, Ria. Nung gabing huli tayong magkasama bago ako umalis ng bahay niyo. Alam kong dapat nagpaalam ako pero hindi ko alam kung gugustuhin mo pa bang makipag usap sa akin matapos ang lahat." Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi pa din rason iyon para tuluyan na lang syang maglaho ng parang bula sa buhay ko. "Two weeks after, hindi kinaya ng dad ko at sumunod na sya. Ako ang naiwang tagapag-mana ng lahat ng shares niya sa kompanya kaya ako na ang nagmamay ari ng business niya. Hindi ko ito maiiwan ng basta basta dahil may ilang daang tao din ang umaasa sa trabaho nila." "So ganun na lang? Valid reason kasi namatayan ka ng magulang? I'm so sorry for your loss pero halos pinatay mo na din ako nung iniwan mo ako dito. Ni wala ka manlang paramdam. Alam mo ba kung gano kasakit iyon, Ryan? Sorry din pero mas maganda kung hindi na tayo magkikitang muli!" Sabay talikod sa kanya. "What can I do to make things right, Ria? Please tell me. Alam kong mahal mo pa din ako. Mahal pa din kita. Please." "Dyan ka nagkakamali, Ryan. I'm seeing someone else now. Si Stefan. He stayed with me even if I was a mess. He picked up the broken pieces you left. He made me whole again!" Naramdaman ko namang muling sumakit ang aking puson at this time sobrang kirot nito na halos pakiramdam kong parang pinupunit ang muscle at bituka ko sa loob. "Ahh!..." Napaupo ako sa sahig. Dumilim ang paningin ko at para bang nanghina ako bigla. "Ria! Okay ka lang?" Nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Ryan at inalalayan ako. "Ria! You're bleeding! Wag kang matulog! Stay with me!" Nararamdaman kong inaalog ako ni Ryan. Parang bigla akong inantok. Ramdam kong binuhat niya ako papasok ng kotse. Nakita ko si Stefan na naglalakad papasok ng Village. Tumatakbo siya papalapit sa sasakyan ni Ryan na agad naman niyang pinaandar. "Maria!" Narinig ko ang boses ni Stefan habang humahabol sa kotse ni Ryan. Maya maya ay tuluyan akong nawala sa ulirat. Pag gising ko ay nasa loob ako ng malaking kwarto ng isang ospital. May swero sa aking kaliwang kamay at nakita kong natutulog si Ryan sa may tabi ng kama. "Anong nangyari? Ang baby ko?" Napabangon ako at kinapa ko ang aking puson na medyo makirot pa. "Oh my god! I'm so sorry, Ria!" Napabangon si Ryan sa kanyang pagkakaupo at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap ng mahigpit. "Wag mo kong hawakan! Anong nangyari, Ryan? Ang baby ko? Sabihin mo sakin! Nasan si Stefan?" "I'm so sorry, Ria. We lost the baby. Hindi ko alam. Nagsisisi ako ng sobra!" Hindi! Hindi maari! Ang baby ko! "Lahat na lang kinuha mo sakin, Ryan! Pati ba naman ang anak natin?! Hinding hindi kita mapapatawad!" "Anak natin?.." nagulat si Ryan. Bigla naman bumukas ang pintuan. Pumasok si Tracy at nagulat ako ng bigla niyang inatake si Ryan. Pinaulanan nya ng sampal at suntok sa muka si Ryan. "Hayop ka! Lumayas ka dito! Wala kang puwang sa buhay ni Maria! Lumayas ka! Puro problema na lang ang dala mo!" Sigaw ni Tracy kay Ryan. Gusto ko siyang patigilin ngunit wala akong lakas para pigilan ang pagwawala ni Tracy. Lumabas si Ryan at naiwan kami ni Tracy sa loob. Namumugto ang mga mata niya kakaiyak. "Sis. Wala na ang baby." Napaiyak ako ng sinabi sa kanya. "I'm so sorry, sis. Pero may kailangan ka ding malaman. Inooperahan ngayon si kuya dahil naaksidente ang sinasakyan niyang taxi kanina. Bumangga daw sa jeep dahil sa bilis ng takbo ng taxi nila. Mejo matindi daw ang tama niya sa ulo." Humahagulgol na sabi ni Tracy. Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkabigla sa narinig ko. "Kamusta na si Stefan ngayon sis? Nasan siya? Kailangan niya ako ngayon." Bumangon ako sa aking pagkakahiga at pinilit maglakad. "Inooperahan pa siya sis. Mahiga ka muna at ipagdasal natin na maging ligtas sya." Wakas. Ano na ang mangyayari sa buhay ni Maria matapos ang sunod-sunod na trahedya? Makaligtas kaya si Stefan sa bingit ng kamatayan?Ano naman ang maidudulot ng muling pagbalik ni Ryan sa buhay ni Maria?  Abangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD