Bittersweet

3338 Words
"Hindi kita maintindihan lola. Bakit naman po kayo ganun kay Ryan? Ano po ba ang ginawa ng pamilya nya sa inyo?!" Napataas ang boses ko habang umiiyak. "Apo, pasensya ka na. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko alam na magkakaganito. Kung alam ko lang ay hindi na sana kita iniwan dito sa Maynila." Umiiyak na sambit ng aking lola habang hawak ang aking mga balikat. "La, bakit nga po ganun na lang ang galit nyo kay Ryan? Wala po kaming masamang ginagawa. Bakit ganun nyo na lang po sya ipagtabuyan, la! Mahal na mahal ko po sya." "Mamahalin mo pa din kaya sya kapag nalaman mo ang totoo, apo? Sabihin na nating oo, e si Ryan kaya, kapag nalaman nya ang totoo mamahalin ka pa din kaya nya?" "La, naguguluhan na po ako. Ano po bang katotohanan ang sinasabi nyo?!" "Apo, makinig ka. Ang mama ni Ryan.." "Ano po ang meron sa mama ni Ryan, la?" "Si Michaela. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo." Hindi. Hindi maaari! "Nakiapid sya sa papa mo. Natuklasan ito ng mama mo sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nung araw na umalis sila bago ang aksidente, kung naaalala mo pa apo, ay pinag uusapan na nila ng papa mo ang paghihiwalay. Iiwanan nya kayo ng mama mo at ipagpapalit para lang sa babaeng yun. Ipinagpalit nya ang anak ko para lang sa babaeng yon!" Napasigaw si lola at ang ilang taong sikreto na kanyang kinukubli sa likod ng kanyang malungkot na mga mata tungkol sa aming pamilya ay bigla na lang sumabog. Masamang panaginip lang ang lahat. Bangungot lang ito. Maya maya maririnig ko na ang alarm ng aking cellphone. Magigising din ako. Halos hindi ako makahinga at para bang umikot ang buong paligid ko sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon sa amin ng aking ama at ng mama ni Ryan. "..hindi sinasadyang nakita mo sila apo. Galing kayo ng mama mo sa daycare ngunit sarado ito nung araw na iyon kaya umuwi kayo ng maaga. Nakakadiri sila. Napakababoy. At sa harap pa ng limang taong gulang na bata. Hindi na sila nahiya. Dito pa mismo sa sariling pamamahay ng nanay mo, apo. Sa sarili nilang kwarto..." Hindi ko na kayang makinig pa. Tinakpan ko ang aking tenga at tumayo sa aking kinauupuan. "Patawarin mo ako apo, hindi ko ginustong itago sa iyo lahat ng ito. Ngunit nangako si Michaela sa akin na lalayo sila sa ating pamilya kapalit ng pera at aking katahimikan. Hindi ko alam kung paano kita bubuhayin apo kaya tinanggap ko ang pera kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko akalain na magbabalik ang anak nila. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari." All this time! Akala ko namumuhay kami sa pensyon at insurance ng aking magulang! Hindi ito maaari! Hindi totoo ang lahat ng narinig ko! Alam kaya ni Ryan ang tungkol dito? Imposibleng alam nya ito. Hindi sya gagawa ng bagay na alam nyang makakasakit ng iba. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng iyon sa pagitan ng aming mga magulang. Kaya ba sila umalis ng Pilipinas? Marami pang tanong sa isipan ko pero gulong gulo na din ako sa mga nalaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Halos pagod na ang utak ko. Pumasok ako sa aking kwarto. Napasalampak ako sa likod ng pintuan. Hindi ko namalayan kung ilang oras ang lumipas. Nakatulala ako sa kawalan habang hindi ko na maramdaman ang aking luha. Hindi ko na din maramdaman ang aking sarili. Para bang unti unti akong natutunaw sa kawalan. Sinilip ko ang aking cellphone.You have 1 unread message. Ryan:"I'm so sorry, Ria." Nireplyan ko naman sya agad."Did you know?" "Yes." "Since when?" Tanong ko sa kanya. "I'm so sorry. I never meant to hurt you. Please believe me. "I love you, Ria." Naramdaman ko na lang na para bang niyuyugyog ang aking katawan kasabay ng paghikbi ng aking bibig. Hindi ko alam kung kaya kong malimutan ang lahat ng natuklasan ko. Walang kasalanan si Ryan pero hindi ko matanggap na mama nya ang dahilan kung bakit ako naulila. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Ryan. Nagdaan ang ilang araw at hindi nagpakita si Ryan. Nung una, akala ko ay binibigyan nya lang ako ng sapat na panahon para pag nagkaharap kami ay mas madali nang pag usapan ang mga bagay bagay. Akala ko ay binibigyan nya lang ako ng espasyo. Ng panahon para kolektahin ko ang aking sarili. Ngunit ang mga araw ay nasundan ng ilang linggo. Isang araw napansin ko na lang na hindi na tinatawag ng mga professors ang kanyang pangalan sa klase. "Prof Mayumi? Pwede pong magtanong. Sorry to bother you after class, pero pansin ko po hindi na kasama sa attendance si Mr. Kim?" "Ay wala na sya. He dropped out last week. Nagulat nga ako eh kasi parang may something urgent daw sa family niya sa States." "Ay ganun po ba. Salamat po." Nagpasya akong puntahan ang kanyang café pagtapos ng klase. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang bukas pa ito. Pumasok ako at nagtanong sa isang staff. "Excuse me, miss? Can I speak to your Manager?" "Ay sorry po, ma'am, on break pa po sya. Fifteen minutes pa po bago sya bumalik. Can I get you anything, po?" "It's okay, I'll wait here. Thank you." Maya maya ay isang lalaking nasa mid 30's ang pumasok sa café. "Sir, may nag aantay po sa inyo." Sabay turo sa akin ng staff na babae. "Can I help you with something, miss?" Nasan na si Ryan?! Iniwan nya na ba ako ng ganun ganun na lang?! Wala manlang pasabi?! "No. I'm sorry. Thanks." Nagmamadali akong lumabas ng café. Hinabol ko ang aking hininga. Para bang may kung anong bagay na bigla na lang humiwa sa dibdib ko. Pumara ako ng taxi at pumunta sa kanyang Hotel na tinutuluyan. Pagdating sa may lounge ay nakita ko ang isang matandang couple na nag aayos ng mga gamit sa labas ng kanilang suite malapit sa elevator. Bumati sila at binati ko din. Pumasok ako sa loob ng suite ni Ryan gamit ang kanyang passcode. Walang tao. Nilibot ko at pinasok isa isa ang mga kwarto na para bang ineexpect na bigla na lang susulpot sa aking harap si Ryan kahit deep inside alam kong wala na sya dito sa Pilipinas. I had to see it with my own eyes. Bakit ganun? Bakit walang paalam? Hindi ko ba deserve ang kahit isang explanation manlang? Hindi ba ako naging importante sa kanya? Tinignan ko muli ang aking cellphone. No new messages from Ryan. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig at sinampal ng reyalidad. Atleast, now you know where you stand, girl. Tama si lola.  Nakauwi ako ng bahay na para bang lutang pa din ang pakiramdam. Para bang manhid na manhid ang buo kong katawan at walang maramdaman. Wala na naman akong kasama. Si lola naman ay umuwi na muli ng probinsya. Gusto nya na sumama na ako ngunit hindi ko pwedeng basta itigil ang pag aaral ko dahil isang taon na lang ay magtatapos na ako ng pag aaral. Nangako ako sa kanya na bibisita tuwing bakasyon. Ping! "Besh, kamusta ka na? Nag aalala na talaga ako sayo. Anu na bang balita?" "Umalis na ba talaga sya?" "Besh, alam mo nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap." Ilang linggo na din kaming hindi nakakapagusap ng maayos ni Tracy. Huli naming paguusap ay nung sinamahan nila akong ihatid si lola sa bus station. Hindi ko masyadong nachecheck ang messages sa aking cellphone. Nitong mga nakaraan ay halos bahay eskwelanlang ako. Hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid. Sinubsob ko ang aking atensyon sa pag aaral. "Okay lang ako, besh." Reply ko sa kanya. "Sigurado ka ba, besh? Punta ako jan ngayon gusto mo? Para may kasama ka. Tska pinagbilin ka samin ni kuya ni Lola Karing." "I'm fine, besh, don't worry." "Besh? Kilala kita. Wala kang maitatago sakin. Puntahan kita ngayon. Bibili lang ako ng snacks. Wait mo ko. Okay?" "Wag na, besh, okay lang ako. Ako na lang ang pupunta sa inyo." Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin ang kalat ng aking bahay. Nakakahiya naman kung pupunta si Tracy ng ganito. "Okay, sige, para makalabas ka din. Nagkululong ka na lang maghapon sa inyo eh. Antayin mo na lang ako sa kwarto, bukas naman ang pintuan ng bahay. May dadaanan lang din ako saglit. May gusto ka ba ipasabay bilhin?" "Kahit ano lang, besh. Dapat pala sinamahan na kita bumili." "Okay, sige. Nakalabas na kasi ako nung nagreply ka eh. Antayin ko lang si Mark kasi may iaabot sya sakin. Magkikita lang kami saglit sa 7/12." "Oy, baka naaabala ko ang lakad nyo, besh ah." "Besh, anu ka ba? Kahit kelan hindi ka abala noh!" "Okay sige sige, punta na ko sa inyo." Tahimik ang bahay nila Tracy. Nakakapanibago pag wala siya sa loob. Boses nya ang nagbibigay buhay sa kanilang bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay nila na wala sya. Umakyat ako sa kwarto nya at isinara ng marahan ang pintuan niya. Humiga ako sa kanyang kama at napabuntong hininga. Halos mapasigaw ako sa tunog ng kanyang pintuan na unti unting bumukas. Parang yung sa mga horror at slasher films na may serial killer sa likod ng pinto na dahan dahan ang pagbuka. Pagtingin ko ay si Stefan lang pala. Nakatapis lang ng tuwalya sa kanyang baywang habang nagpupunas ng handtowel sa ulo para magpatuyo ng buhok at mukang bagong ligo. "Trace! Anu ba naman yung mga buhok mo sa drain!!--" Natigilan sya at nanlaki ang mga mata ng makita ako. Nalaglag ang towel na nakatapis aa kanyang baywang at napatakip sya sa kanyang alaga. Isinara nya agad ang pintuan at nagmadali sa kanyang kwarto sa kabila. Hindi ko mapigilang bumulalas ng tawa sa nasaksihan ko. Tumawa at humalakhak ako ng hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na maaalala kung kelan pa ako huling humalakhak ng ganito. Napatingin ako sa orasan. Mga ten minutes na ata akong nag aantay. Lumabas ako saglit ng kwarto ni Tracy at nagpunta sa kanilang terrace para magpahangin. Kinuha ko ang folding fan ni Tracy sa mesa at nagpaypay. Dumidilim na ang paligid dahil palubog na ang araw. Nakita ko ang mga chismosa kong kapitbahay sa tindahan ni Aling Marites mga anim na bahay lang na pagitan mula sa bahay nila Tracy. Mukang may pagtitipon na naman ang mga kurimaw. Overtime na naman sila. Ano na naman kaya ang bagong ulam nila at napapasarap ang pagkuto ni Aling Chabelita sa kanyang anak? Kung bayad na trabaho lang ang pagtsismis baka mayaman na sila sa sipag nila mag overtime. Nasan na kaya si Tracy. Antagal naman niya. Mukang nag enjoy na ata kasama si Mark at nakalimutan na nagaantay ako. "Kamusta ka, Maria?" Nagulat ako sa boses sa aking likuran. Humarap ako at nakita si Stefan. Nakatitig sya sa akin at ramdam ko ang awa sa kanyang mga mata. Marahil naikwento na ni Tracy sa kanya ang nangyari. Di ko maiwasan mailang sa kanyang titig. Hindi ako sanay ng ganito. Yung kinakaawaan ako. Hindi komportable sa pakiramdam. "Okay lang ako, Stefan. Ikaw? Kamusta ka?" Sagot ko ng nakangiti sa kanya. Pilit kong itinatago ang poot na nararamdaman ko. "Sigurado ka? Parang iiyak ka na oh! Naku magkakauhog ka na naman niyan, uhugin!" Loko niya sa akin. Balik na ulit kami sa dating lokohan. "Sira! Ikaw kaya yun! Onse nga tawag sayo dati diba? Pano tulo sipon mong ma-green green pa jan sa dalawang butas ng ilong mo! Onse!" Asar ko din sa kanya. Naihampas ko sa kanyang dibdib ang folding fan at nagkatitigan kami. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ngunit bigla niyang hinawakan ang galanggalangan at hinatak ako papalapit. "Nandito lang ako, Maria." Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nagpumiglas ako pero lalo nya akong ikinulong sa mahigpit nyang yakap.Unti unting lumuwag ang kanyang yakap at naramdaman kong tumutulo ang aking luha. "Maria, please wag kang umiyak. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan." Hinawakan nya ang aking mukha sa magkabilang kamay at itinuon ang ulo nya sa noo ko. "Kung pwede lang makapatay talagang papatayin ko yung hayop na yon!" Sigaw ni Stefan habang pinupunasan nya ng kanyang palad ang aking pisngi. "Shh! Sira! Wag ka nang maingay! Baka isipin pa ng mga chismosa jan may LQ tayo." Sabay turo sa tapat ng tindahan ni Aling Marites. Iniba ko ang usapan at parehas kaming napatawa ni Stefan. "Miss na kita, Maria." Nagulat ako sa sinabi ni Stefan. Napatingin ako sa kanya at para bang nagkailangan na naman kaming dalawa. Nang hindi ako nakapagsalitaay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Naiwan akong mag isa sa terrace. Hindi ko alam kung bubuksan ko pa bang muli ang puso ko. Ni wala kaming maayos na closure ni Ryan. Gusto ko syang makausap muli pero ayokong maunang magreach out dahil natatakot ako.Natatakot ako na baka hindi ko magustuhanang kanyang sasabihin. Pero mas natatakot ako na hindi niya na ako tuluyang pansinin at kausapin. E ghorl sino bang niloloko mo? Umalis nga ng walang pasabi eh diba? Ni ha ni ho wala. Malamang kahit magmessage ka pa baka iseen zone ka lang or worst baka deactivated na ang Facelog nya. Chineck ko ang aking phone at sinearch ang profile nya sa Facelog. Lumalabas pa din ito at walang bagong posts. Chineck ko muli ang aking messenger at sakto namang nagchat si Tracy. "Hala besh! Sorry natagalan ako, antagal kasi ni Mark kanina inantay ko pa. Pauwi na ko lapit na ko sa labas ng Village naten. Antayin mo ko ah, wag ka muna uuwi!" "Ahahaha akala ko kung anu na nangyari sayo. K lang. Kala mo naman napakalayo ng bahay ko." Maya maya lang ay narinig ko ng bumukas ang gate at nakitang papasok na si Tracy. Bumaba ako para salubungin sya. Napakarami nyang bitbitin. May mga groceries at snacks, pulutang manok at meron ding hard liquor. "Besh, anlakiii! Yung totoo? Dalawa lang tayo, ghorl. Di mo naman sinabi walwalan pala tayo!" Nanlaki ang mata ko habang inilabas ang isang litro ng Empilights at Pulang Kabayo sa loob ng ecobag. "Ay sorry naman besh, soju lang talaga sana bibilhin ko eh kaso ubos na stock sa 7/12. Pupunta sana ako sa AsianMart kaso baka magkasalisi kami ni Mark. Puro hard na lang kaya yan na lang ang binili ko." "Ano ba iaabot nya sayo besh at ba't natagalan ata siya?" Tanong ko sa kanya. "Shhh. Wag ka maingay ah..." Bulong sakin ni Tracy sabay tingin sa paligid. Nang makitang wala ang kuya nya ay binuksan nya ang kanyang bag at ipinakita sa akin ang isang box na may pink na translucent na bagay na hugis ari ng lalaki. At isa pang box na may laman na maliit na parang lipstick na may intsik na label. "Gaga ka talaga!" Sabay hampas sa braso ni Tracy. "Gusto mo sayo na lang yung isa. Regalo sakin ni Mark kasi monthsary namin sa Lunes kaso di kami makakapagdate kasi anjan ang parents niya at may family dinner sila." Sabay abot sakin ng box ng lipstick na may intsik na label. "Oh eh ba't di ka inaya sa family dinner? Legal naman kayo ah!" Tinanong ko sya habang binubuksan ang box na binigay nya. "Inaya naman kaso nahihiya ako kila Tito at Tita. Naiilang ako na ewan." Sabi nya habang kumukuha ng plato at shotglass sa kanilang kusina. Inilabas ko ang lipstick sa loob ng kahon at binuklat. Pagtingin ko ay plastic lang ang laman at de pindot sa ilalim. Nagulat ako ng bigla itong tumunog. Bzzzzzzzz bzzzzzz bzzzzzz... Pinindot kong muli pero nag iba ang vibrations nito. Bzz bzz bzz bzzzzzzz bzz bzz bzz bzzzzz... "Trace! Anu ba yan akala ko naman lipstick talaga to!" Binaklas ko ang pinakailalim nito at nkita ang isang triple A na battery. Maya maya pagtapos ng ilang pindot ay namatay din ito ng kusa. "Shhh! Gaga wag ka maingay! Baka marinig tayo!" Nanlaki ang kanyang mata sabay senyas sa taas. Tinabi kong muli ito sa box at isinilid sa aking bulsa at tinulungan syang magbitbit ng aming inumin at pulutan sa kwarto. "Uyy, mukhang may ganap kayo ah." Bati ng kanyang kuya ng mapadaan kami sa labas ng kanyang kwarto. Nakahubad ng damit si Stefan at di inaalis ang kanyang mata sa screen habang naglalaro sa kanyang computer. "Tara kuya!" Aya ni Tracy. "San tayo, Trace? Sa kwarto mo ba?" Tanong ko habang nasa harap ng kwarto nya. "Gusto mo sa terrace na lang para mahangin din." "Okay lang sakin." Sabay diretso sa yerrace nila at lapag ng mga platito at pulutan sa bilog na stainless nilang mesa. "Tara na kuya! Ikaw ang tanggero namin! Wag mo kalimutan mag alay ah! Baka malasing kami nyan." Sigaw ni Tracy. Maya maya lang ay nagumpisa na kami. Nakaupo kami sa stainless stool at ramdam ko ang lamig ng hangin sa aking balat habang nakasandal sa malamig na bakal na frame ng kanilang terrace dahil sa suot kong red spaghetti strap top at maong na short shorts. Napansin ito ni Stefan at pumasok sa kwarto. Maya maya ay inabutan nya ako ng kanyang University jacket na kulay dilaw at itim. "Oh, suot mo at baka mamaya sipunin ka pa!" "Salamat." Sinuot ko naman agad ang jacket nyang amoy fabcon. "Wow kuya! Sana all pinapahiram ng jacket! Pag ako, ang hirap hirap mo hiraman eh!" "Tse! Di ako nagpapahiram sa panget!" Sagot ni Stefan sa kanyang kapatid. "Wow kuya hiyang hiya naman ako sayo di ba? Ang gwapo mo eh!" "Maliit na bagay, Trace. Wag ka maingay baka madaming makarinig, pagkaguluhan pa ko." "Iba ka din kuya! Di ko alam saan ka humuhigoy ng lakas ng loob!" Patuloy na nag asaran ang magkapatid habang patuloy din ang pag ikot ng alak saming tatlo. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng init at hinubad na ang University jacket at ipinatong ito sa aking legs. Nahilo ako ng kaunti at napasandal sa may bakal na frame sa aking likuran. Habang and dalawa naman ay busy pa din sa pagtatalo sa mga bagay bagay. Parehas ng namumula ang mukha ng magkapatid. Ramdam ko na din ang pag init at konting pamamanhid sa aking pisngi. Makailang oras pa ay halos ubos na namin ang alak. Si Tracy naman ay muntik nang malaglag sa kinauupuan dahil sa kalasingan. Sabay naming nasalo si Tracy at pinagtulungan ng dalhin ito sa kwarto nya. Inayos ko ang higa nya at maya maya pa ay naghihilik na ito. Inayos naman namin ni Stefan ang mga pinagkainan sa mesa. Hindi kami nag iimikan sa terrace hanggang makababa sa kusina. Inalok ko sya na ako na ang maghugas ng plato ngunit kinuha nya sa akin ang ispongha at sinimulan hugasan ang mga kinainan namin. Tinulungan ko naman sya sa pagbanlaw at pag taob ng mga ito at madali namin itong natapos. Binalikan ko ang terrace upang ibaba ang mga pulutan na hindi naubos at nakita ko ang kanyang jacket. Kinuha ko ito at ibinalik ko sa kanya. "Pakisuyo na lang ilagay sa kwarto ko. Salamat." Kinuha nya ang mga hawak kong tirang pagkain at ibinaba nya sa kusina. "Naku nakakahiya, lalabahan ko na lang muna pala!" "Wag na. Okay lang, di mo naman masyadong naisuot eh. Bagong laba lang din naman yan." Sabi nya sakin. "Okay sige, sabi mo eh." Pumasok ako sa kwarto nya. Ngayon lang din ako nakapasok sa kwarto ni Stefan. Puro poster ng mga laro na hindi ako pamliyar at may pin up calendar poster din ng isang sexy na babae na may hawak na isang brand ng kilalang alak. May mga picture din ng kabataan nya, picture ng pamilya nila at picture naming tatlo. Kinuha ko ito at tinignan. Hindi ko namalayan na nasa kwarto na din siya kung di ko pa narinig ang pagsara ng kanyang pinto. "Pwede na ba tayong mag usap ngayon, Maria?" Tanong nya sa akin. Abangan ang susunod na kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD