Stay away Palakad lakad ulit ako dito sa buong eskwelahan. Nakakabisado ko na ata ang buong lugar dito. Pero parang may lungga si Seth dito na hindi ko lubos mahanap. Kung bakit nakakalabas pasok siya sa school. Eh bawal namang lumabas ang estudyante. Kung hindi ko kilala si Yui hindi ako makikilala ng guards dito. Si Yui rin kasi may sabi na hayaan akong labas pasok sa school. Simula nung makauwi si ate sa bahay ang naging gawain ko na tuwing lunch time ko ay hanapin si Seth. Nakasanayan ko narin siyang kasama eh. Kinakakatakutan siya ng lahat dito pero hindi ko makita kay Seth ang tinutukoy nila. Hindi ko parin makumbinsi ang sarili kong masama siya. Handa na sana akong lumabas nang maalala ko ang sinabi niya. Napalingon ako sa likod ko at doon ko natagpuan ang imahe niyang nakatayo

