Wala akong karapatan "Phoebe!" Halos mapapitlag ako dito sa kinauupuan ko nang sinundot ako bigla dito ni Yui. Tapos siya naman itong tawang tawa na. Paano ba naman kasi, nasa bintana lang yung tingin ko. Ang rami kong iniisip. Ang raming tumatakbo sa utak ko. Isa na doon yung napag-usapan namin si Kent. "Bakit?" sabi ko sa kanya. "Lunch na. Mauna na ako sayo. Kanina pa kita kinakausap di ka pala nakikinig. Yang utak mo umabot na naman siguro sa Canada. Magmove-on kana kaya?" Hindi ako umimik sa sinabi ni Yui. Hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanya na nandito na si Seth. Alam ko kasing aawayin niya 'yon. Lalo na pag sinabi ko sa kanyang girlfriend nito ang tinititigan kong blonde girl na babae. "Mauna na nga ako. Ikaw saan ka?" Iniligpit niya narin ang gamit niya. "Sa library." Tu

