Ng buo kong pagkatao "Nagparty kayong tatlo kagabi nang hindi nagpapaalam?" Tumaas ang kilay ni Kuya Sylver umagang umaga nakatikim na ako ng pangaral. Pumayag siya! At nagpaalam kami! "Natutulog ka nun Puti. Tinanong ka ni Kolette kung pwede ba silang magparty tapos dumaing ka. Ayun. Ibig sabihin pumayag ka." sabi ni Ate Snow habang naghahanda ng magiging breakfast namin. "Pumayag ako? Tulog nga diba nyebe. Paano ako sasagot nun?" Iritadong sabi ni Kuya. Ako na nga lang itong nag-iiwas ng tingin sa kanya. "Wala namang nangyaring masama eh. They're safe there. Nagmamatyag nga siguro sa kanila yung bouncer doon eh." Ngumiti ng matamis si Ate at hinalikan ito sa pisngi saka niya inilapag ang plato na may breakfast ni Kuya. May smiley doon gawa ng egg at bacon tapos may plating na hear

