Like a magnet Pinaliguan ni Seth ng suntok si Kent. Itong si Kent naman ay hindi ko alam kung hindi ba makalaban o sadyang hindi gustong lumaban. "Sa lahat ng babaeng isasali mo diyan sa kalandian mo yung akin pa. Binalaan na kitang layuan mo siya." may diin na sabi ni Seth. "Tama na!" Inawat ko si Seth kaso hindi ko siya matigil. Ang tunog ng pito ng guard ang narinig ko na sumunod pero hindi parin naawat si Seth. Mabilis siyang inilayo sa ibabaw ni Kent. Ako naman itong mabilis na nilapitan si Kent at tinulungang makatayo. Nangingilid sa mga mata ko ang luha. Awang awa ako sa sinapit ni Kent pero nakuha parin nitong ngumiti. Hindi siya lumaban. Bakit? Napatingin ako kay Seth na marahas na tinatabig ang paghawak sa kanya ng guard kaya hindi na siya nito hinahawakan. Nagtagpo ang mg

