Masaya na ako "Did you cry last night Phoebe? Namimiss mo na naman ba si Seth?" Namungay ang mga mata ni Yui habang nakatitig sa mga mata kong namumugto pagkagising naming dalawa. Mukhang kailangan ko itong lagyan ng makapal na concealer para hindi mahalata. "Mahal ko kasi." Ngumiti ako kahit peke iyon. Hindi ko magawang ngumiti ng matamis. Ang tabang ng pagkakasabi ko na mahal ko siya kahit na kagabi lang ay rinig na rinig ko ang paglalandian nilang dalawa ng girlfriend niya na nasa kwarto pa niya. Ang sabi niya pa sakin sa oras na pumasok ako sa kwarto niya bubuntisin niya ako. Ibig ba nitong sabihin binuntis niya na si Nikolette nang oras na 'yon? "Tinutorture mo yung heart mo. Siguro kung nakakapagsalita yan sinigawan kana niyan." Niyakap ako ni Yui ng mahigpit. Hindi na ako umimik

