Paano? Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas nang hapong iyon. Basta ang alam ko lang ay nakauwi ako na nasa akin parin ang sarili kong katinuan na kamuntik nang mawala sakin nang oras na 'yon. Kailangan ko atang ipadlock sa loob ko para hindi maisipang lasayan ako ano mang oras. Ayokong matulad kay Yui. Sunod lang ako nang sunod kay Seth dito sa school. Takang taka na nga yung ibang mga estudyante. May narinig pa akong bulung-bulungan na nilalapit ko lang daw ang sarili ko sa kapahamakan. Yung iba naman ay malandi daw ako. Hindi ko nalang pinapansin. Nasanay narin ako nitong mga nakaraang araw. Kailangan kong makahanap ng kahit isang kumbinsidong dahilan na may kabaitan sa kanya. Pero ang kapalit nun ay magugustuhan niya rin ako pabalik. Hindi ko alam pero naeexcite ako. Parang ang

