What's yours "Kolette, pasok muna kayong dalawa ni Phoebe sa kwarto." sabi ni kuya Sylver kaya tumango naman agad si Kolette. Ang lapad ng ngiti niya. Ewan ko bakit. "God Nikolette Jana. May asawa na yan kung makangiti ka." sabi ng kuya niya na ikinatawa lang ni Nikolette. Na kahit si Ate Abbegail ay natawa narin. "Ngumiti lang ako binibigyan mo agad ng meaning. I was so immature that time. 'Tsaka silang pito naman talaga yung crush ko noong bata pa ako. Si Kuya Sylver lang talaga yung pinagpapantasyahan kong pakakasalan ko. Tapos hindi ako makapaniwalang yung meaning pala ng ikakama--"Oh shut up. Pasok na." putol sa kanya ng kuya niya na sinapawan agad ng boses nito ang huling sinabi ni Nikolette tapos si Ate Abbegail tawang tawa na. Na pati itong si Nikolette ay ngumingisi na. Huh?

