Meron pa ba? Excited akong pumasok dahil makikita ko na naman siya. Pati nga sa nagdaan na mga subject ay panay lingon ko sa wallclock na halos sundan ko na ang kamay nito at sabayan ito sa pagbibilang. Pang ilang beses akong napabuntong ng hininga. Parang ang bagal kasi ng takbo ng oras. Masyadong matagal. Nang maglunch ay ang bilis ko na namang lumamon. Lumabas agad ako ng classroom para hanapin siya nang makasalubong ko itong si Stolich. Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sakin. Na para bang alam niya kung sino ang pupuntahan ko. "Phoebe. San ka pupunta?" tanong niya sakin na ikinatigil ko. "Uh... ano kasi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya eh halata namang may ediya siya. At alam kong papunta siya ngayon kay Yui. Kukulitin niya na naman 'yon. Tuwing recess

