Malabong maging akin Pumasok narin ako sa loob ng school. Nasa hallway na ako ng bawat classroom nang may biglang humila sa akin. Sa sobrang lakas nun ay natangay nalang ako at napapasok sa isang classroom na walang tao. Isinara niya yung pinto at idinikit niya ako doon. Ang gulat kong mukha ay unti unti ring napakurap nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Seth. "Where have you been Phoebe?" may diin niyang bulong sakin. "S-Sa condo ni Kent." Parang sumakabilang buhay na itong kaluluwa ko nang makita ang mas lalong pag-igting ng panga niya at pagtalim ng tingin niya sakin. Galit na galit ang buo niyang mukha. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya. Dahil ba sumama ako kay Kent? Pero may girlfriend na siya. Ayokong mag-assume na nagseselos siya pero may parte sakin ang nan

