Totoo nga ang sinabi ni Wayne sa kanya na araw-arawin siyang liligawan nito na walang mintis. Ang ibang mga empleyado nga ay nakakahalata na. Pagdating pa lang nila sa kompanya ay may ibang naiinggit. Iba namang kinikilig sa kanilang dalawa at may masamang tingin din ang pinupukol ng mga ito sa kanya na pinabayaan na lang niya. Wala siyang pakialam sa opinyon ng iba, ang sa kanya lang ay masaya siya kasama si Wayne. Pagdating nila sa floor nito ay dumiretso siya kaagad sa mesa niya at inayos ang mga papeles pagkatapos umupo na siya sa swivel chair. Kumunot ang noo niya nang naaninag pa rin niya ang bulto ni Wayne sa harapan niya. Napaangat siya ng tingin dito. "Ano pa ang hinihintay mo? Pumasok ka na sa loob para magsimula na sa trabaho." Lumukot ang mukha nito sa sinabi niya. "Wala ka

