Zia Sa tatlong buwan niyang pagtatrabaho kay Wayne ay Wayne na raw ang itawag niya rito. Ewan ba niya, parang may sayad ang lalaking iyon. Minsan mabait, minsan naman masungit, minsan maloko at saka may pagkamanyak. Mas tamang sabihin sobrang manyak. Bigla na lang manghahalik, nakakaramdam na nga ang ibang katrabaho niya sa mga kinikilos nilang dalawa. Kung bakit daw palagi silang magkasama. Lingid sa kaalaman nila na P.A at secretary siya kay Wayne. Kaya lang palagi raw dikit ng dikit ang CEO sa kanya. Ewan niya sa lalaking iyon, dikit ng dikit. Sinasabihan na niyang tumigil ito sa pinaggagawa nito, pero hindi pa rin nakikinig. Mas lalo pa ngang sutil ang lalaki na ikinairita niya. Sabi nga nila o narinig na lang niya na malandi daw siya o baka daw inaakit niya daw si Wayne. Minsan nga,

