CHAPTER 14

1067 Words

Tahimik na naglalakad si Zia patungong opisina ng binata. Mag-isa lang siyang pumasok sa trabaho ngayon dahil may pupuntahan si Wayne. Sinabihan naman siya nito na may kakausapin itong importanteng tao. Hindi na siya nagtanong, kung sino ang importanteng tao na iyon basta tumango na lang siya rito. Hindi niya naman alam kung saan ito pupunta dahil ayaw naman niyang tanungin ito kahit boyfriend pa niya ang lalaki. Ayaw niyang maging mahigpit baka masakal ito sa kanilang relasyon. Malaya ito kung saan ito pupunta basta huwag lang sa ikasisira ng relasyon nila. Pagkapasok pa lang niya sa kompanya ay samut-sari ang narinig niya sa kanyang mga katrabaho. Mga bulung-bulongan na sila lang ang nakakaintindi at nagkukumpulan pa ang iba. Nang papalapit na siya sa kinaroroonan ng mga ito ay narinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD