chapter 11

1629 Words
Maganda nga ang bar na pinuntahan nila ni Erwin Anito ang nakita niyang pangalan sa labas. "Wait lang, ipapakilala kita sa pinsan ko." Sabi ni Erwin sa kanya, nagpalit din ito ng damit katulad niya. She was expecting a guy with a body built like Erwin, pero mukhang sumobra yata ang kanyang pagiging judgemental, kasunod kasi ni Erwin ay isang matipunong lalake na maraming tattoo sa magkabilang braso. "Kuya Doha, siya si Venee, Venee siya ang kuya Doha ko." Inabot nito ang kamay kaya namam kinuha niya rin iyon. "So ikaw pala ang first love ng payatot na ito?" panunukso pa nito kay Erwin na nag -aalalang nakatingin sa kanya. She bet maraming nakwento si Erwin dito, kasama na roon ang kanyang mga kalokohan. "Kuya, kaibigan ko siya allright." "Sabi mo eh, okay you can have anything you want, it's on me, enjoy the night." Iyon lamang at umalis na ito. "Pasensya ka na sa kuya ko." sabi ni Erwin habang sinasamahan siya sa kanilang magiging pwesto, katulad ito ng mga clubs na pinupuntahan nila ni Mariella sa States, may naka set up din na mga instruments for live bands. They also play good music, unti-unti nang dumarami ang mga tao. Lumapit ang waiter para kunin ang kanilang order. "Ate, do you always party abroad?" sinimsim niya muna ang laman ng kanyang baso bago sinagot si Erwin. "Not always, kapag lamang na tripan ni Mariella." "Sino si Mariella? Must be your friend, siguro magkasundong-magkasundo kayo, nakakainggit naman." "Yeah, I miss that bitch." She said, Mariella is her confidante, ito lamang yata ang malungkot nang umalis siya at bumalik sa Pilipinas, sa sobrang pagkamiss nito sa kanya ay gusto ngang sumunod, yun nga lamang ay start na din ng semester nito. Ininom niya ang tequila na binigay sa kanya ng waiter, nagpaalam siya kay Erwin para sumayaw. She closed her eyes as she dance to the fast beat of the music. .... He's more than frustrated, mula tanghali ay tinatawagan niya na si Venee pero pinatayan siya nito. Hindi talaga ito sumunod sa sinabi niya na sabay silang kakin ng lunch. He went to checked her after that only to found out that she ditched her class. Sinabi sa kanya ni Antonette ang pag-alis nito, kung hindi lamang siya kinausap ang kanyang professor sa isang subject ay napuntahan na sana niya si Venee ng maaga. May nakapagsabi sa kanya na nakita daw ito kasama si Erwin, iyon ang lalake an tumulong dito sa party. It turned out na kababata pala nito ang lalake na iyon. "Nasaan ka na ba?" napasabunot siya sa kanyang buhok. Gabi na ngunit wala pa rin ito. Ang mas kinababahala niya pa ay wala itong sasakyan, paano na lamang kung mag commute ito at mabastos? Alam niyang matapang si Venee pero marami sa panahon ngayon ang hangal ang kaluluwa. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magagawa kung sakaling mangyari iyon. Kaya naman nagdesisyon siya na hanapin si Venee, he texted all his friends to inquire whether they see Venee somewhere. "Saan ka pupunta?" tanong ng kanyang mommy. "Hahanapin ko si Venee." Sagot nya dito. "Nasaan ba siya?" "I don't know mom." "You're dad is on his way-" hindi niya na inintindi pa ang sasabihin nito. Tiyak naman na hindi magugustuhan ng kanyang tito kapag nalaman nito na hindi pa umuuwi si Venee. Hindi niya nga lamang inaasahan na madatnan niya sa labas ang nakaparadang kotse ni Antonette. Naudlot ang plano niya na umalis dahil bumaba ito at lumapit sa kanya. "Why are you here?" nagtatakang tanong niya dito. Sinabi nga pala nito kanina noong hinahanap niya si Venee na gusto siyang makausap nito, he said later because he was busy. Hindi naman na ngayon ang ibig niyang sabihin. He needs to find Venee before anyone could. "Roose, I really want to talk to you." Napakagat ito sa labi at halatang kinakabahan. He hates to cut her of kaya lamang ay kinakain siya ng kaba ng posibleng mangyari kay Venee kapag hindi siya umalis. "Sorry Antonette," he tapped her shoulder para pandagdag sa kanyang pagpapaumanhin," But I really need to go." Binuksan niya na ang pinto ng driver seat ngunit pinigil siya ng kamay ni Antonette na nasa kanyang braso. Pinipigilan niya ng kamay nito na pumasok at umalis. "Venee is a strong woman...hindi niya kailangan ng magtatanggol sa kanya," nakayuko ito , hindi niya masigurado kung ano ang emosyon nito ngunit hindi niya gusto ang sinasabi nito tungkol kay Venee. She never knew Venee then, mukha lamang itong malakas, mukha lamang itong hindi nangangailangan nga pag-aalaga but for him she is one fragile woman. "Please hear me out Roose, huwag kang umalis, makinig ka sasasabihin ko...natatakot na ako." Tumingala ito at sinalubong siya ng luha nito , Antonette's crying for some reasons, her tears makes him worried and care for her. Napahinto siya para pahirin ang luha nito. "Hey, bakit anong problema, why are you crying, nag-aalala niyang tanong dito. " mas sumidhi ang pag iyak nito at yumakap sa kanya. Napakahigpit. Hinimas niya ang buhok nito para pakalmahin, tiyak na aawayin siya ng mga kaibigan kapag nalaman nila na umiyak sa kanyang harapan si Antonette most specially si Hel. "Tahan na." "Natatakot ako na mawala ka sa akin." He heared her whisper..."Mahal kita Roose, mahal na mahal, naiintindihan mo?" he stopped caressing her hair. Mali ito, hindi dapat siya mahalin ni Antonette dahil bukod sa pagmamahal bilang kaibigan at kapatid, wala na siyang kayang ibigay na higit pa... mula noong bata pa siya nakuha na ng isang masungit at suplada ngunit matapang na babae ang kanyang puso at hindi niya nakakalimutan na kailangan niya siyang hanapin ngayon. ... "Tignan mo nga naman, ang anak ni Satanas nandito pala." Kapag minamalas ka nga naman. Sa isip ni Hel, paanong hindi niya maiisip iyon, sa dami ba naman ng makakasalubong niya ngayong gabi ay mga mortal niya pang kaaway. "Who are you again?" pangbubuska niya dito, he remembered calling him Tisoy, taliwas sa talagang kulay nito. He just want to annoy him more, nagtagumpay naman siya dahil halatang nainis ito, napakatagal na panahon na ang pinaghuhugutan ng galit nito sa kanya, high school, dati kasing ito ang kinakatakutan noon , nang dumating siya ay natalo niya ito sa duelo kaya naman siya ang pumalit sa pwesto nito. Ilan pang sagupaan ang nangyari noon bago ito napatalsik sa school, dahil sa maimplwensya ang kanyang pamilya ay naipasok siya sa paaralan kung saan niya naman nakilala ang grupo nina Roose. "Mayabang ka pa rin." "Gwapo kasi ako." He even chuckle, mukhang hindi maiiwasan na mapaaway siya ngayong gabi. "Tignan natin kung gwapo ka pa rin pagkatapos nitong gabi." Mayabang na sabi nito... hindi niya inaasahan na may ilan pang kalalakihan ang lumabas mula sa dilim, kung bakit kasi naisipan niya na gumimik mag isa at sa madilim na parte pa iparada ang kanyang kotse, ang pagsisisi talaga, madalas nasa huli. Kulang sa 20 ang kasama ngayon ni Tisoy, kaya ang lapad ng ngisi ng loko. "Ano hindi ka na makapagyabang? Puro ka kasi satsat." Hindi niya na ang kanyang sarili...mapapalaban siya ng matindi ngayon. Mukhang naging propesyunal na gangster na ang loko kaya marami ng tauhan. "Anong pang ginagawa nyo, lumpuhin nyo na ang mayabang na iyan!" utos nito sa mga kasama, humanda na si Hel sa bawat pagsugod sa kanya, suntok, iwas, sipa ang kanyang ginawa sa mga ito. Ang isa'y hinawakan siya sa likod. Sinakal siya nito, itinaas niya ang kanyang paa para sinapin ang sumusugod sa kanyang harapan. Tumba na ang ilan ngunit bumabangon pa rin , siya naman ay patuloy sa pakikipagsagupaan. Alam niyang may nakakakita ngunit pinipili ng mga ito na huwag makelam. He'll be realistic, sa dami ng mga ito ay hindi niya kakayanin na mag-isa, lalo na at tinatamaan na rin siya sa sabay sabay na tira ng mga ito, kaya naman ng makakuha ng tyempo ay nagdesisyon siya na tumakbo. Hinabol naman siya ng mga ito. Lumiko siya sa bawat kanto, nakasunod pa rin ang mga ito sa kanya, mabuti at nagawa niyang iligaw ang ilan. "What the f**k!" nagulat siya ng makilala ang taong kanyang nabunggo, nabuwal ito at mabilis na tumayo siya naman ay ganoon din. "Venee, itago mo ako, may mga gagong humahabol sa akin." Sabi niya dito, nang marinig ang boses ng mga ito ay nagpunta siya sa gilid para magkubli, si Venee naman ay nakatayo pa rin doon. It was so stupid of him dapat hinila niya na rin ito para magtago, pero huli na dahil palapit na ang mga humahabol sa kanya. "Miss." Humihingal na tawag nito kay Venee. "Hindi ka naming idadamay kung sasabihin mo kung saan nagpunta ang lalakeng hinahabol naming, dito siya sa daan na ito tumuloy. "That jerk? Nandoon siya nagtatago." Turo sa kanya ni Venee. Napamura na lamang siya ng mahina. "Salamat Ms, hindi ka lamang maganda, mabait at masunurin ka rin." Ilang sandali pa at nasa harap niya na ang ilan sa mga humahabol sa kanya , nasa pito sila na muli siyang pinagtulungan, lumaban siya hanggang sa kanyang makakaya. Pero sa huli natalo siya ng mga ito, nakahandusay na siya sa lupa ngunit sinisipa pa rin siya nga mga ito. Pawala na ang kanyang malay ng marinig niya na may sumisigaw ng pulis, nagsitakas ang mga bumugbog sa kanya, kasunod noon ay amoy ng isang babae. Hindi siya maaring magkamali, alam na ng ilong niya ang amoy nito. Kahit papikit na ang kanyang mata ay dinungaw niya pa rin ito... "You really wanted me dead huh?" sumbat niya dito dahil talagang tinuro siya. "Not really...I just got even." Parang wala lamang na sabi nito. Naramdaman niya lamang na may umaangat sa kanya bago siya nawalan ng malay. Paggising niya talaga....makikita nitong babae na ito... *** rcdMl+KMkس
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD