"A promised is a promise!" paulit-ulit na sinabi ni Roose kahit hindi naman niya sinabing nangangako siya. She knew what will happen after today but she refuse to worry about that. That girl deserved it. Nagpigil pa nga siya sa lagay na iyon, dahil kung hindi, hindi lamang simpleng sampal ang nakuha nito sa kanya.
"Don't think much about it. Ako na ang bahala doon." Sabi nito habang hila hila ang kanyang kamay papunta sa escalator. Mukha ba siyang nag-aalala?
"I was not worried about the circumstances. I wished I did more than just a slap. Damn, my hands yearning for more." Napatingin naman siya sa kanyang kamay na kanina pa pala hawak nito, she tried to pull her hands but Roose held it even more tightly. "Let go of my hand." Inis na utos niya dito.
"No Venee, ang hirap mo pa namang mahuli." Magsasalita pa sana siya kaya lamang ay naputol ang kanyang sasabihin sa tawanan sa kanila mga gilid. Some teens are walking along with them, nakatingin sa kanila ang mga ito at nagbubulungan. They were giggling like crazy as they pointed at them, especially Roose.
"Ticket for two." Sabi ni Roose sa cashier. Namili rin ito kung saang seat sila. He chose a Disney movie. She chose not to argue with him, gusto niya na lamang matapos ang araw na ito na kasama ang baliw na si Roose.
"Let's go, mga thirty minutes pa bago matapos ang last show." Niyaya naman siya nito sa waiting area, pinauna siyang maupo nito. At last binitawan na nito ang kamay niya. "I hate to let go of your hand but I need to buy our snack. Just stay here, I will watch you from there." She rolled her eyes at him. Ngingiti ngiti naman itong naglalakad patalikod, ang lapit lang naman ng bibilhan nito. As if she will pull that stunt, Roose will still see her anyway. Hindi na lamang siya gagawa ng eksena at patatapusin na lamang ang oras ng kabaliwan ni Roose. Wala siyang mapapaglibangan dahil naiwan ang kanyang phone sa kanyang bag na nasa kotse nito, kaya naman ginala niya na lamang ang kanyang paningin sa paligid. Nakita niya ang dalawang cute na batang babae na naka gown na kulay dilaw, just like the lead actress in the movie. Mayroon din na batang lalake na nasa two years old na yata ang naka-suit naman, karga ito ng mommy nito, habang ang dalawang babae naman ay nakakapit sa magkabilang kamay ng kanilang ama. A picture of a happy family, huh? She can't recall a same scene like that from her childhood. She can't remember anything of that sort. Is her memory a failure o sadya lamang talagang walang ganoon na ka alaalala. Sino nga pala ang niloloko niya?
Sa tabi niya naman ay may mag-asawang naupo, a couple in their sixty, she guess, may mga teenagers na kasama ang mga ito. A man asked his wife, nagtataka kung bakit na ka gown daw ang mga batang iyon, she heard the woman answering gusto nila. Napangiti siya habang nakatingin sa reasksyon ng matandang lalaki. Hindi niya namalayan na nakatayo na pala si Roose sa kanyang harapan.
He looks so amuse.
"What makes you smile? "Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi , kasing bilis nang pagpuna nito. Umusod siya nang umupo ito sa kanyang gilid, she pushed away the tacos that he is giving. Kinuha niya ang mineral water na nasa kabilang kamay nito, binuksan at ininom. "Sa bagay, you're not my Venee if you told me everything, mas pinipili mo na maging puzzle na palagi kong si-nosolved."
She looks at him sideways.
"Sometimes, I like you talking harsh than being so quiet like this while throwing daggers at me."
"Wala akong sasabihin."
"Alam kong meron." He even tapped her head. "Ayaw mo lamang magsalita, maybe because you treat me as your enemy Venee, well I am not. I am Roose; I'm more than willing to be your slave." Lalo siyang napipi sa kaseryosohan nito. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa bawat sinasabi nito o ano. What does he wants from her? Her mother gave up her rights before...she doesn't like his games o kung ano man ang tawag nito sa laro nito ngayon.
"Kailan ka mapapagod sa laro na ito?" ito naman ang natigil sa kanyang naging sagot. Naging seryoso muna ang mukha nito bago ngumiti saka sumagot pabalik.
"The problem with you...hindi ka naniniwala sa kung anumang sinasabi...kaya nga madalas dinadaan ko na lamang sa gawa .Tara na pumasok na tayo sa loob." Kinuha nito ang kanyang kanang kamay saka hinila papasok sa loob ng sinehan. Malapit sa aisle naupo si Roose, pero nang may makatabi siyang lalake ay inutusan siya nito na magpalit sila ng pwesto. Tumayo na lamang siya at sinunod ang gusto nito. Few trailers were shown before the actual movie. The movie was so good, yun nga lamang ay myay batang umiiyak kaya medyo nawawala sa konsentrasyon ang kanilang panonood, ito yung batang naka suit na nakita niya sa labas kanina.
Niyaya naman siya nitong kumain matapos ang palabas, kahit gusto niya nang umuwi at takasan ito kaya lang ay wala siyang dalang kahit piso sa kanyang bulsa. Next time she will carry cash in her pocket, nakakainis lamang na ito ang nasusunod sa lahat. Matapos kumain ay nagyaya na siyang umuwi, pakanta kanta pa si Roose habang nagmamaneho, siya naman ay mistulang walang pakealam habang nakatingin sa labas. She didn't bother to check her phone even though it keeps on vibrating. She just wants to go to bed and call it a day. Pagka-park pa lamang ni Roose ay mabilis na siyang lumabas. Her angry father welcomes her. Pagkakita pa lamang sa kanya sa pinto ay mabilis na itong tumayo.
"Where have you been?" hindi pa man siya nakakasagot ay sinundan na nito agad ng tanong." How did your mother raise you? Hindi ka talaga niya napatino ano? Kung gaano ka pangit ang attitude mo noon mas lumalala ka pa ngayon! And because she can't handle you anymore, tinapon ka niya dito sa poder ko!" ang malakas na boses nito ay dinig sa buong bahay, katabi nito ang mommy ni Roose na pilit itong hinahawakan sa braso.
"You should've given me back." Sa pagsagot niyang iyon ay nakatikim siya ng malakas na sampal mula dito. Hindi nagustuhan ang kanyang tapat na sagot. Those words runs in her mind from the very beginning , kung humindi na lamang ito sa sinabi ng kanyang mommy ay wala sana siya dito sa Pilipinas ngayon...but he didn't , and now the old man's acting like it was her fault.
"Wala kang utang na loob!"
"I hate you." She answered back with a fire in her eyes. Napaawang ang bibig ng kanyang ama, umigkas muli ang kamay nito para sampalin siya muli kaya lamang ay humarang si Roose, sa pisngi ng binata napunta ang sampal na para muli sa kanya. Sumigaw naman ang mommy ni Roose dahil sa kapangahasan ng anak.
"Get out Roose!" utos nito kay Roose na mas pinili na itago siya sa likod nito.
"Tito please, huwag na po kayong magalit kay Venee. She didn't started it, those girls did. She was provoked, pinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili. "Roose explained, nakakatawa na ang paliwanag nito ang siyang pinapakinggan ng daddy niya, samantalang siya, hindi man lamang binigyan nang pagkakataon na magpaliwanag.
The old man calmed down because of Roose. Roose told her to go to her room, sa unang pagkakataon ay sumasang-ayon siya sa utos nito sa kanya. She walked pass them, pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay ni-lock niya ito kaagad saka sumalampak sa kanyang kama. She buried her face in her pillow as she shouts all her frustrations out. Gaanon siya katagal magtitiis? Alam niya nang hindi magwo-work out ang plano ng kanyang mommy. Bumangon siyang muli para kuhanin ang kanyang bag, she will call her mother. Sasabihin niya na hindi na siya magtitiis pa at uuwi na lamang sa kanilang bahay. Iyon nga lamang ay kabiguan ang sumalubong sa kanya nang hindi niya ma contact ang cellphone nito. Maging ang telephone sa kanilang bahay ay walang sumasagot.
Tinatamad sana siyang pumasok kinabukasan, kaya lamang lalabas na guilty siya kapag hindi siya nagpakita. Pagkababa niya ay nasa living room ang kanyang daddy, nagbabasa ng dyaryo... ang asawa nito ay lumabas galing sa kusina para tawagin sa almusal. Nakita siya ng kanyang ama.
"Let's eat." Sabi lamang nito bago siya dinaanan. Hindi naman siya sumagot at tuluyan nang lumabas ng bahay, hindi naman siya nito tinawag. Mabuti at okay na rin ang kanyang sasakyan kaya naman magagamit na niya ito sa kanyang pagpasok. Nilabas nya na ang kanyang sasakyan sa garahe , kaya lamang ay napapreno siya ng mamataana ang isang sakit sa mata na nakatayo sa gitna ng kalsada.
Si Hel na bagamat naka-saklay ay nagawa pang mag ngiting-aso sa kanya.
Ano na naman ang kailangan ng isang ito? Inis na sabi niya sa sarili bago sunod-sunod na binubusinahan ito. Mabagal itong lumakad papunta sa kanyang gilid, kinatok siya ng kinatok, hindi tumitigil hangga't hindi niya binuksan ang pinto... may kotse sa kabilang kalsada, alam niyang doon ito galing.
"What do you want, Lucifer's son?" inis na sabi niya dito.
"Good morning too, since you're the sole responsible of my worst state...I'll make you responsible for all my needs." Mayabang na sabi nito. Napaarko naman pataas ang kanyang kilay sa kalokohan na narinig niya mula rito.
"Baliw ka ba? Umalis ka nga baka sagasaaan pa kita."
"What, gahasain? Wag muna ngayon, I'm still injured." Sinamaan niya ito nang tingin bago sinara ang bintana... pakealam niya ba kung umaaray ito dahil naiipit sa kanyang ginagawa...nang pulang pula na ang mukha nito sa sakit ay saka niya niluwagan para maiaalis ang kamay.
"f**k , you broke my fingers!" singal nito.
"Well, Good morning too." Sagot niya saka ito iniwan doon na patuloy siyang minumura, siguro.