...
Maingay na naman sa mansyon ng mga Lazarte, buti at sana’y na ang mga kasambahay na kasama ni Antonette, wala ang mga magulang nito, abala sa negosyo, kaya naman malugod ang mag-asawa na may nakakasama ang kanilang prinsesa. Sa katunayan, malaking bagay para sa mag-asawa na kasundo ng kanilang unica hija ang apat na lalaki na sa hinaharap ay magiging malaking pangalan sa mundo ng negosyo. A union between their clan and any of them will surely benefit both parties.
...
Roose
“She asked for my number after we did it in her car.” Jei laughed like a maniac, nagkukuwento na naman ito tungkol sa mga escapade nito kasama ang isang babae na nakilala lamang sa club. Sa tagal nilang magkakaibigan ay sanay na halos ang bawat isa sa kamanyakan nito. Si Surao lang naman talaga ang laging pumapatol sa kabalbalan nito sa buhay.
“Mahiya ka, may kaibigan tayong babae.” Binato ito ni Surao ng unan, he’s half japanese kaya ganoon ang kanyang pangalan, ang mother nito ang siyang Filipino.
“Wala naman si Antonette dito nasa kusina.” Napatingin ang iba sa kusina kung nasaaan si Antonette, ang nag-iisang babae sa kanilang limang magkakaibigan. Nandito sila sa bahay nina Antonette sa mansyon ng mga Lazarte , paborito nilang tambayan. Magkakalapit lang naman ang bahay nila dito. Ilang block lamang ang pagitan.
“Roose, matunaw si Antonette.” Tukso sa kanya ni Jei Gibson, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ni Herculess, o Hel for short. Basta’t si Antonette ang pinag-uusapan ay napaka sensitibo nito. Ganito ito mula noon hanggang ngayon, walang pinagbago.
“Tumahimik ka nga Jei!” nakatikim sa kanya ng batok si Jei dahil katabi niya lamang ito sa upuan. Tumawa lamang ang loko at si Surao naman na abala sa sarili nitong laptop ang inabala nito.
“Magpahinga ka naman diyan, mayaman ka na, ako naman ang payamanin mo.” Ingos ni Jei kay Surao, abala na naman kasi ito sa galaw ng mga stocks nito, money freak ang loko. Ganoon din naman sila pero pinakamalala talaga si Surao, parehas silang apat na kumukuha ng Business Administration, third year na silang lahat, kailangan iyon sa pagdating ng panahon na sila na ang hahawak ng negosyo ng kani kanilang pamilya.Si Antonette naman ay B.S. in Accountancy, easy lamang dito ang masalimuot na mundo ng Accounting.
“Boys, lunch is ready!” masayang tawag sa kanila ni Antonette. Suot pa nga nito ang apron na pink.” I cooked kare -kare and lumpiyang sariwa.” Masayang balita nito. Amoy na amoy na nga nila ang masarap na amoy ng ulam, busog na busog kasi talaga sila kapag nasa bahay ng mga Lazarte, mahilig sa mga gawaing pang kusina si Antonette kaya hinding hindi sila magugutom.
“Bakit paborito lamang nina Roose at Hel ang niluto mo? Paano naman yung paborito namin ni Surao na bulalo at sisig?” si Jei na nananaghili, pero tiyak naman na marami din itong makakain mamaya.
“Sorry ka na lamang.” nakangising sabi ni Hel tumayo ito at umakbay kay Antonette.” Mas mahal ako ni Antonette kaysa sa inyo.” Natawa lamang si Antonette Roon, bumaling naman si Tonette sa kanya dahil siya lamang ang hindi tumatayo para magpunta sa kusina.
He looked at his watch. Kailangan niya ng umalis dahil baka nakarating na ang eroplano na sinasakyan ng anak ng kanyang step dad. Mahirap na kung paghihintayin niya ito, bukod sa nakakahiya sa kanyang step dad kung magkaganoon.
“Ikaw Roose?”
“Sorry, maybe next time, aalis ako susunduin ko si Venee sa airport.” Nawala ang ngiti sa labi ni Antonette pagkabanggit niya sa pangalan ng kanyang step sister. Nalakipan iyon ng takot, bakit hindi? Naging biktima si Antonette ng pambubully noon ni Venee, kahit nga siya na lalaki ay nakatikim din. Idagdag pa na nagpakasal ang mommy niya at ang daddy ni Venee,mas lumalala ang galit nito sa kanya. But that was all in the past, umaasa siyang nagbago na ito ngayon sa kanilang muling pagkikita. Lalo na at dito magpapatuloy ng pag-aaral si Venne, sabi ng kanyang step dad, Accountancy din ang kinukuha nito.
“What the hell? Darating talaga ang babaeng iyon? Baka naman nagjojoke ka lang? Aba masamang biro yan Roose!” napasigaw si Jei, lahat sila ay may masamang ala-ala kay Venee, maliban kay Hel, napasama sa kanilang grupo si Hel ilang araw bago umalis pa- Amerika si Venee. Hindi niya maiwasang isipin kung ano kaya ang nangyari kung sakaling nag krus ang landas ng isang bad boy at isang bad girl? Sa tingin ni Roose ay matino lamang si Hel dahil malaki ang utang na loob nito kay Antonette, kung hindi , isa ito siguro sa nagpapasakit ng kanilang ulo.
“Oo, and that’s today, kaya sa bahay ako mag lulunch, sorry guys. And please give her a chance, baka nagbago na yung tao.” Roose reasoned out, pamilya nya rin si Venee, hindi naman niya kasi ito tinuturing na iba. Ito lang naman talaga ang ayaw sa kanilang mag-ina. Mang-aagaw ng pamilya ang tawag nito sa kanila.
“No way in hell.” Sagot ni Surao.
“Tinatawag mo ako?” sabat ni Hel. Umingos lamang si Surao.
“Hindi siya nagbago , according to my cousin who goes to the same university as her, pain in the a*s pa rin daw ito, maging sa mga teacher, hindi lamang mapatalsik dahil malakas ang kapit at matalino.”
Tama si Surao. Venee’s a genius, laging una sa klase, yun nga lang kalakip noon ang pagiging matalino sa kalokohan.
“I need to go.” Paalam niya saka muling sinulyapan ang bawat isa, parang binibigyan siya ng goodluck gift. Totoo nga naman , makakasama niya sa bahay ang babaeng iyon, hindi niya pa rin makalimutan ang una nilang pagkikita. That girl called him basura, dahil daw gusot ang suot niyang damit. Mabilis itong mag judge, higit sa lahat matindi ang galit nito sa kanyang mommy. Iyon ang bagay na hindi niya mapapalampas, babantayan niya ang kilos nito, hindi siya papayag na bastusin nito ang kanyang mommy.
“Take care Roose.” Sabi ni Antonette. Kung hindi pa ito hinila ni Hel ay hindi pa ito aalis papunta sa kusina. Lumabas na rin siya ng mansyon para tumungo sa kaniyang kotse. Hiniling ng kanyang tito na siya na daw ang sumundo kay Veene, hindi naman niya magawang humindi dahil mabuti ang ama amahan sa kanya. Anak talaga ang turing nito sa kanya, siguro dahil wala talaga itong anak na lalake at ang nag –iisa nitong anak na babae ay nasa poder ng dating asawa. Kung wala sila ay malungkot ang buhay ng tito Vermie nya.
...
Venee
She removed her earphone, hindi matalo ng musika ang likot at ingay ng kanyang katabing bata, nasa tabi siya ng bintana , nasa gitna ito, ang mommy o guardian naman nito ay nasa gilid. Tulog. Napakunot ang noo niya, paano nito magawang matulog sa ingay at likot ng katabi. Tinanggal niya ang kanyang sunglass at tinignan ito, hinintay niyang mapansin siya ng batang lalake. Hindi naman nagtagal ay napatingin ito sa kanya, nang makuha niya ang atensyon nito ay pinandilatan niya ang mata nito. Noong bata si Simon kapag ginagawa niya at agad itong tumitigil. Iba daw kasi siya tumingin, matalim at talagang nakakatakot. Hindi naman siya binigo, bigla itong tumigil sa paglikot at sumiksik sa braso ng mommy nito. Nagtago mula sa kanyang tingin, siya naman ay sinuot na muli ang salamun at napatawa sa sarili. Ilang minuto lamang ay ini-anounce na ang paglapag ng eroplano, ang sakit ng kanyang katawan, ng kaniyang p***t. Noong pumunta sila ng Amerika, silang dalawang mag-ina ang magkasama, ngayong pabalik sa Pilipinas mag-isa na lamang siya. Wala naman siya planong magtagal, babalik siya sa Amerika at susuko ang kanyang daddy sa kanya. Kalilimutan niya ang binilin sa kanya ng ina, hindi niya na iyon gagawin, hindi niya na ipapaalam pa.
Palingon -lingon siya sa arrival area, hindi daw ang daddy niya ang susundo, ano pa bang inaasahan nya? Ang step brother niya daw at ang kaniyang yaya noong bata ang susundo sa kanya.
“Beney!” matinis na sigaw ang pumailanlang, kung pwede lamang lumubog. Lumapit siya sa kasambahay na may dala pang cartolina na nakasulat ang kanyang pangalan. Tama naman ang espeling ng pagkakasulat, yung pagkabigkas lamang talaga ang hindi tumama kahit saang banda.
“Yaying.” She called. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang yaya Lena, mas lalo yatang lumaki ang mata nito, but still, she’s her favorite, lagi niya itong kasama noon. Tinignan siya ng yaya mula ulo hanggang paa,maging siya ay napatingin sa sarili. What’s wrong, tight jeans partnered with boots and crop top. “What?” she asked sarcastically. Naging bola ang mata nito at nagtitili.
“Ang ganda ganda mo Beney, parang dyusa ba! Subra!” niyakap siya nito, gumanti na rin siya ng yakap, pero ng masakal ay inalis niya na ito. Wala pa ring planong binatawan siya.
“Yaying it’s Venee, not Beney.” Turo niya.
“Hay, ganoon din yun, Beney at Beney parehas lang.” She rolled her eyes, talagang parehas dahil parehas lamang ang binigkas nito.
“Rus kuhanin mo na ang gamit ni Beney,” utos nito sa lalaki sa gilid, saka niya lamang napansin na may kasama pala ito. She eyed him from head to toe. Ang Rus ba na ito ang Roose na anak ng asawa ng daddy niya? Matangkad ito at medyo malaki built ng katawan, malayo sa patpating bata noon na mukhang basura ang suot.
“Dalhin mo ang mga gamit ko, make it fast, gusto ko nang magpahinga.” Utos niya saka binalingan ang kanyang yaya. “Let’s go Yaying.”
“Si-sige.” Mukhang nagulat pa ito sa sinabi niya pero walang nagawa ang mga ito kung hindi sumunod sa kanya maging ang lalaking si Roose. Nahagip niya pa ang masamang tingin nito sa kanya. Don’t worry step bro, this will not be the last.