Chapter18 Nang gabing iyon ay nagtaka si Snow dahil ang inaakala niyang pagdadalhan sa kanya ni Miya ay sa condo nito.Ngunit sa ibang direksiyon nagtungo ang kanilang sinasasakyan. Malayo sa mga kabahayanan. Mukhang isang subdivision ang lugar na malayo sa naturang kalsada kung saan maraming mga sasakyang dumaraan. "Saan tayo?" ani Snow.Kinampante ang sarili at pag-iisip.Kinikutuban na may kakaibang ikinikilos ang kaibigan.Malakas ang sense niya sa gano'ng mga aksiyon ng isang tao. "Dito muna tayo magpapalipas nang gabi sa isang bahay ko," aniya. "Dito hindi nila tayo matutunton." Tumango lang si Snow.Nakiramdam sa kilos nito.Hindi siya nagpahalata kay Miya.Hindi puwedeng maisahan siya nito.Kung may binabalak man n masama ang kaibigan sa kanya ay uunahan na niya.Bumababa sila at nagl

