Chapter14 Pagkaharurot ng kanyang motorsiklo ay alam niyang nagkagulo na sa bar na kanyang pinaggalingan kahit hindi niya lingunin ang lugar.Alam niyang natataranta na ang grupo ni Jeff sa nasaksihang eksena.Natatandan niyang sa kaliwang tuhod niya nabaril ang kanyang stepbro.May konting kagalakan siyang naramdaman.Hindi man niya napatay ang hayop na 'yon ay nakapaghiganti naman siya.At may bago siyang plano ngayon ang sakyan ang panunuyo sa kanya ni Jeff. "That idiot!" Gigil niyang sambit.Dumiretso muna si Snow sa bahay nila para ibalik ang kanyang motor at ang ginamit na baril.Naligo na rin siya at nag-bihis para hindi siya mahalata nang asawa pagka-uwi. Alam niyang hindi rin iyon pai-imbistigahan ng mga hayop dahil mainit pa ang mata sa kanila ng mga ka-pulisan.Iiwas muna ang mga it

