Chapter26 Sa pagkakahimbing ng tulog ni Snow ay tila naging isang masamang bangungot ang napanaginipin niya. "Jeff ano 'to? Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong ni Snow sa lalaki. "Kabayaran sa ginawa mo sa akin at sa pagpatay mo kay Samuel!" "Jeff, please. Nagmamakaawa ako saiyo! Don't do this!" ani Snow.Itinali ang dalawa niyang mga kamay patalikod pati ang mga paa.Habang nakasalampak sa sahig. "Bakit naman ako maawa sa'yo?Sino ka ba sa tingin mo?" ani Jeff sa kanya.Ngumisi nang nakakaloko. Wala siyang maalala na kahit ano.Kung bakit siya napunta sa kamay ni Jeff.Ang alam lang niya ay nakatulog siya sa bahay ni Ricky.Ang sabi pa nito sa kanya ay safe siya doon.Paano ba talaga ito nangyari? Bakit kasama na niya ang demonyong si Jeff?Nasaan na si Ricky?Nasaan rin siya? "Magdasal kana S

