Kabanata 75

1658 Words

“Samira! Lumapit ka nga rito!” sigaw ko sa aking anak. Malalaki ang ngiti nitong tumakbo papalapit sa akin. Ang init ng ulo na nararamdaman ko sa kanya dahil sa kalat na ginawa niya sa labas ay napalitan ng tuwa dahil sa sobrang pagiging cute nito. Tama nga talaga ang sinabi nila Mama. Kahit na tatlong taon pa lamang ito ay talagang mahahalata na ang pagiging magkamukha naming dalawa. She’s like a mini version of me. Nakakamangha na kahit saang anggulo ng mukha niya ay wala siyang nakuha mula sa ama. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi na muli pang nagtanong sila Papa tungkol sa totoong ama ni Samira. Niyakap ni Samira ang binti ko at ngumisi nang malaki sa akin. Doon ko nakita kung ano ang namana ng anak ko sa tatay niya. Kay liit-liit niya pa lang pero napakakulit niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD