Akala ko pagkatapos na may mangyari ulit sa amin ni Kervy ay kahit papaano mag-i-improve ang oras niya sa akin pero ganoon pa rin pala. Mas lumala pa nga dahil late na naman siya ulit umuuwi. Halos madaling araw na. Minsan nga ay hindi ko na maiwasang magduda. Ang tagal ng oras na nilalaan niya sa trabaho at hindi ko na sigurado kung iyon pa rin ba ang pinagkakaabalahan niya o ibang bagay na. Pwede naman niyang ituloy dito sa condo ang trabaho niya but he was so persistent on finishing everything in his office to the point that he was not already aware of the time he was consuming there. Isang beses pagka-out ko ng trabaho ay dumiretso ako sa office niya. Just wanted to see him working really hard at para na rin makasiguro ako na wala siyang kalokohan na ginagawa. Mahirap na, kung wal

