Binayaran ni Kervy ang ticket para sa pagsakay sa ferris wheel ng Sky Ranch, Tagaytay. Nang matapos ay pinapasok na kami ng staff at naghintay na makasakay. Mabagal lang ang pag-andar niyon. Binuksan ng staff ang pinto ng sasakyan namin. Naunang sumakay si Kervy saka niya ako inalalayan para makapasok. Aircon ang loob at kahit papaano ay medyo malawak. Hindi ko mapigilang ma-excite habang dahan-dahan na itong gumagalaw palayo sa lupa. Nilingon ko si Kervy at nakitang nakangiti itong nakatingin sa akin. “This is my first time riding a ferris wheel, Kervy. I’m excited and nervous at the same time,” wika ko sa kanya. He chuckled and held my hand. “Bakit ka naman kinakabahan?” kuryosong tanong nito. “Eh siyempre. Nakakatakot baka may kung anong aberya ang mangyari. ‘Yung mala-final desti

