Hindi ko mapigilan na magduda kay Bench. Halos lahat ng detalye sa flight namin ay pareho ng sa kanya. Same plane and same time! I was actually thinking that he knew everything even though I didn’t tell him anything about it. Pagkapasok namin sa eroplano ay marami pang bakante na mga upuan. Nakasunod ako kila Tita Kia habang hinahanap nila kung saan ang upuan namin. Bench was silently walking behind me at hindi ako mapakali. Pigil na pigil akong lumingon sa kanya kahit gustong-gusto ko na siyang sabunutan dahil sa nangyayari. Kung wala lang siguro rito sila Lola ay baka kanina pa ako nagwala sa kanya. Nahanap nila Lola ang seat namin at kaagad kaming dumiretso doon. Diretso ang lakad ni Bench bago ito naupo sa pwesto niya. He was two rows away from us at kahit papaano ay nakahinga ako na

