I was soon discharged in the hospital. Sinamahan pa ko ni Keira hanggang sa makauwi ako sa bahay ni Kervy pero hindi na siya nagtagal doon dahil siya muna ang sumalo ng trabaho ni Kervy habang hinahanap nito ang anak ko. I felt shy all of a sudden because of the burden I was giving to him and his family. Hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad kila Keira pero ganito na naman ang binibigay ko sa kanila. Dinadamay ko na naman sila sa sarili kong problema when in fact, labas naman dapat sila dito dahil sa pagitan namin iyon ni Bench. Bawat araw na lumilipas na umuuwi si Kervy para ibalita na hindi pa rin nahahagilap si Bench ay lalong bumibigat ang loob ko. Pinipilit kong huwag ma-stress pero hindi ko maiwasan na isipin ang kalagayan ng anak ko. Umiiyak kaya siya? Ginugutom ba siya ng demon

