Hindi naging madali ang pagbubuntis ko. Habang nakikita ko ang unti-unting paglaki ng tiyan ko ay lalo kong napagtanto na totoo ang lahat ng nangyayari. I was wishing for all of this to become a dream, a nightmare at tila gusto ko ng magising sa lahat ng ito. I was living an almost perfect life. Halos wala na akong mahiling noon but it felt like in just a blink of an eye, nabaliktad lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sobrang daming nangyari na talaga namang pinagsisihan ko. Pinutol ko nang tuluyan ang koneksyon ko mula kay Kervy. Sinabihan ko rin sila Mama na huwag nang banggitin pa sa akin si Kervy. Huling narinig ko mula sa kanya ay patuloy pa rin daw itong nagpupunta sa bahay namin sa Cebu at nagmamakaawa na makita ako. Wala akong idea kung ano ang sinasabi nila Papa sa kanya. Literal

