Nalaman ko na lang sa mga maids na umalis si Kervy. He didn’t bring anything with him. Umalis lang daw ito at gabi na ngayon pero wala pa rin siya. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit narinig ko lang ang kanyang phone na nag-iingay sa loob ng kwarto niya. Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan niyon. I saw his phone on the bedside table. Tadtad sa messages iyon at calls iyon hindi lang mula sa akin kundi maging sa mga pamilya niya. I didn’t bother to look more into it dahil wala naman akong karapatan. I checked his walk-in closet at nakita ko ngang halos lahat ng damit niya ay naroon. Nakita ko rin ang iilang sapatos niya roon. Naagaw ang pansin ko sa isang kahon na naroon sa pinakadulo. Something in me became very curious about it at tila may humihila sa akin na kung ano para tignan iyon

