Chapter 7: Coincidence or Destiny? Nagising ako at agad pumukaw ng pansin ko ang lalaking titig na titig sa akin. I looked at him confusedly. "Why are you staring at me? Nasaan ako?" Magkasunod kong tanong sa kaniya pero hindi man lang siya sumagot. I waved my hands in front of him pero wala man lang akong nakuhang kahit anong reaksyon. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa buong kwarto at napag-alaman na nasa clinic ako ng university. But I still couldn't remember why I am here. Sa pagkakatanda ko, hinahanap ko si Casimir pero hanggang doon na lang iyon. Wait...why I suddenly thought of a door all of a sudden? Anong meron sa isang pinto? Umiling-iling na lamang ako para maalis iyon sa isipan ko. Binalik ko ang tingin kay Darien but still, nakatulala pa rin siya. Is he deaf? Bl

