•SECOND CHAPTER•

2828 Words
*NECKLACE* Elise's P.O.V Holy maderpaker s**t. Naalala ko nanaman. Naalala ko nanaman ang mga alaala na hindi ko naman naranasan. Kalahati ng sarili ko na gusto ko syang yakapin. Pero may bahagi padin sakin ang nagtataka. Bakit parang pakiramdam ko kilala ko sya?. Pakiramdam ko malapit na malapit sya sakin, kahit hindi ko pa naman sya nakikilala, pakiramdam ko kilala ko na sya. Sa pagtiitigan naming dalawa. Hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa kanang bahagi ng mata ko. Kahit sya tumulo na din ang luha nyang nagbabadya sa mata nya. Sa tuwing hahawakan ko sya may pag-aalinlangan akong nararamdaman. Siguro dala lang to ng emosyon dahil may kamuka ako. O baka naman may nawawala akong kakambal, at sya yon. Hindi na maalis sa utak ko ang pangyayari ngayon. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang nasa mundo at wala nang iba pa. "Elise" tawag ng kung sino mula sa likod ko. Agad ko syang hinarap. At nakita ko ang nag aalalang muka ni lola. Hindi ko na namalayang nakaalis na yung babaeng kamuka ko. Balak ko pa namang ipagsabi sa kanya na may kamuka ako. "Saan ka ba nagpupunta apo, kanina pa ako naghahanap saiyo." Pagtatanong ni lola habang niyayakap ako. Kumalas ako sa pagkayakap at hinarap sya " Wala po lola may tiningnan lang ako saglit" pag aalinlangan kong sagot. Siguro wag ko munang sabihin sa kanila yung nakita ko kanina. Hayaan ko na ako ang makaalam kung sino nga yung babaeng yon. "Hali ka na at uuwi na tayo." Hinawakan ni lola yung braso ko "tayo'y kakain na, dahil wala pa tayong almusal" Pag aya ni lola. Tumango lang ako bilang sagot. Si lola naman pumara ng tricycle. At sumakay na kami pauwi sa bahay. Wala kaming kibuan sa byahe. Nang may maalala na naman ako na hindi naman nangyari sa tanang buhay ko. Isang boses ng babaeng nakangiti at nakaharap sakin ang agad na pumasok sa isip ko. "Elisa" Boses na galing sa isip ko. At ang babaeng nasa utak ko kung hindi ako nagkakamali ay kamuka ko sya. Kaso kulay brown ang mga mata nya na kagaya nung babaeng kamuka ko. Antagal nang panahon nung una kong maalaala ang mga pangyayaring ito na hindi naman nangyari sakin. Pitong taong gulang pa ako non at kapag nalulungkot ako lagi nalang pumapasok sa isipan ko yon. Dalawang batang babaeng kambal na naglalaro ang pumapasok sa isipan ko tuwing naalala ko yon nung bata pa ako. Nung unang sinabi ko yon sa mga kaibigan at mama ko pinagkamalan pa nila akong baliw dahil don. Pero hindi ko na masyadong pinapansin ngayon ang mga pangyayaring iyon. Hanggang sa makita ko ang babaeng kamuka ko at kung hindi ako nagkakamali sya at ako ang laging nasa alaala ko na hindi naman talaga nangyari sakin. Magtatanghali na nung makarating kami sa bahay. Si mama kaagad ang bungad sa sala nung pagkapasok ko ng pinto. "Kumain na kayo ina at Elise. Nagluto ako ng adobong manok dyan " Pag aya ni mama. "Wait lang bihis lang ako" tanging sagot ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila kaya umakyat na agad ako sa taas para magbihis. Pag akyat ko sa taas pumasok kaagad ako sa kwarto ko. Balak ko pa nga palang linisin to kaso mamaya na lang pag katapos kong kumain. Kumuha ako ng damit na casual lang sa maleta dahil hindi ko pa rin nalalagay ang mga damit ko sa aparador kasi nga maalikabok pa. Tinignan ko ang sarili ko sa full body na salamin na nandito sa kwarto ko. Naalala ko nanaman yung babaeng kamuka ko. Sana makita ko ulit sya. Pagkabihis, bumaba kaagad ako. Papasok na sana ako ng kusina nang makarinig ako ng nagtatalo sa loob ng kusina. Si mama yon at si lola. Pero bakit? Nagtago ako sa gilid ng papasok papuntang kusina at nakinig. "Kailangan nang malaman ni Elise ang totoo Karen!" Sabi ni lola na parang naiinis na. "Hindi pa pwede ina." Sagot ni mama. Hindi ko sila nakikita pero naririnig ko sila mula dito sa pader papasok ng kusina. Pero anong totoo?.. Ampon ba ako? O baka may kambal ako at yun yung babaeng nakaharap ko kanina. Hindi na ako nagtagal sa tinataguan ko at pumasok na sa loob ng kusina. Tinignan nila ako ng puno ng pagtataka. Napahinto sa pagaayos ng pinggan si mama, habang si lola naman ang nagpupunas ng lababo. "Kanina ka pa ba dyan Elise?" Tanong ni mama habang naka kunot ang noo. "Kakapasok ko pa lang diba?" Pilosopo ko namang sagot at dumiretso na ako sa pakay ko. Ang pagkain.. Hindi na sila sumagot pa at nagtinginan sila sa isa't isa. Ayoko din namang malaman yung sikreto nila. Wala ako sa mood maki chismis Tinapos ko ang pagkain ko at umakyat sa taas. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag para magpa music. Dahil ako ngayon ay maglilinis ng kwarto. Nilinis ko yung nasa loob ng aparador. At tinanggal ko naman yung lumang kurtinang puti at papalitan ng bago. Pinalitan ko na din yung bedsheet ng kama medyo marumi na rin kase. Siguro hindi ginagalaw ni lola tong kwarto na to. Kaya pala andaming agiw kulang na lang tirhan na ng mga multo para nakakatakot na. Balak ko naman ngayong ilagay ang mga damit ko sa aparador. Habang nilalagay ko yung mga panty at b*a sa maliit na drawer sa baba. May nakita akong necklace na kulay ginto at hugis heart. May nakasulat na pangalan sa magkabilang bahagi ng heart. Celina at Elisa ang nakasulat sa magkabilaan May nakita akong hati sa gilid ng heart at napagtanto kong nabubuksan pala ang necklace na to Binuksan ko yon at saktong pagbukas ko may bumungad saking litrato ng dalawang babae. Nagulat ako dahil sa mga nakita ko. Dalawang babae na mukang magkambal dahil hindi nahihiwalay ang muka nila sa isa't isa. Narealize kong kamuka ko yung dalawang babae sa litrato. Yung May pangalang Elisa yung pinaka kamuka ko na May nunal din si mismong gitna ng ilong. Samantala yung Celina naman ay kahawig ng babaeng nakita ko kanina. Ang bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko may mapait na nangyari sa buhay ko na hindi ko naman alam. Hanggang sa marinig ko ang mga boses na hindi ko alam kung saan galing. "Kasama ka hanggang kamatayan" Tinig ng isang babaeng umiiyak. Naguguluhan na ako ngayon palang. Gusto kong magmura ng pinakamalutong yung tipong lahat ng tao ay magagalit at isusumpa ako. Naguguluhan na talaga ako. Simula nung lumipat kami dito sa bahay ni lola naaalala ko nanaman ulit yung mga alaalang hindi naman talaga nangyari sakin. Tangina lang.. Pero kung sino man yung babae kanina salamat sakanya dahil nakita ko sya, at mukang may mauungkat na nakaraan. Nakakaputangina. Nawiwirdohan na ako sa sarili ko. Sa mga letseng alaalang hindi naman talaga sakin nangyari. O baka naman nababaliw na ako?. Pero wala naman akong nararamdaman na katulad ng ganito nung dati akong tumira rito. Erase na nga think positive na lang ako ngayon. Lalo na't naguguluhan padin ako. Pero dahil maganda ang pendant ng necklace na to, ay napagdesisyunan kong suotin ng walang paalam sa may ari. Kahit hindi naman si lola ang may ari nito siyempre magagalit padin yun sakin pag nakita nyang suot ko ang kwintas na to. Kaya naman tinago ko na lang sa loob ng shirt ko yung pendant. Halos Kalahating oras din nang matapos akong maglinis ng kwarto. Ang hirap nga pala talagang maglinis ng kwarto hindi ko kasi naranasan ang paglilinis ng kwarto nung nasa Maynila pa kami. Si mama kasi kadalasan ang naglilinis ng kwarto ko. Pero ngayon nakakahiya naman kung si mama padin ang maglilinis ng kwarto ko baka mapagalitan pa ako ni lola kung nagkataon. Ayoko namang humantong pa sa away ang kakapalan ng pagmumukha ko. Napahiga na lang ako sa kama ko ng ilang minuto. Napagdesisyunan kong kumain muna sa baba bago matulog. Matutulog ako ng maaga para makapag-enroll sa eskwelahan. Hindi ko na din kasi natapos yung school year ko don sa Maynila. Lumipat kasi kami dito ng mas maaga pa sa inaakala ko. Minamadali na din kasi kami ng May ari ng paupahan na inuupahan namin ni mama. Akala mo naman hindi kami nagbabayad ng maayos. Oo gipit kami pero nakakabayad pa rin naman kami ng maayos sa upa ng bahay. Bumangon na ako sa kama at bababa na para kumain. Pagkatapos kumain gusto ko munang magpalipas ng ilang minuto para makapagpatunaw ng pagkain na kinain ko kanina. Hindi ko kasabay sina mama at lola dahil mas nauna pa silang kumain kesa sakin at nagpunta na sa kaniya kaniyang kwarto. Paglabas ng bahay pumunta ako sa katapat na maliit na garden sa bakuran ng bahay. Uupo na sana ako nang May umagaw ng atensyon ko mula sa harapan ko. Yung bike na regalo sakin ni tito Jun. Mountain bike yon at May plastic lang nakabalot. Hindi ko kasi nagamit yung bike na yan kaya wala pang gamit. Bata pa kasi ako nung niregalo sakin ni tito Jun yung bike na yan. Alangang si lola ang gumamit. Naglakad ako papunta sa bike tiningnan ko ng maayos. Wala pa pala talagang kupas parang bago padin. Itong bike na lang ang gagamitin ko bukas pagpasok sa eskwelahan. Ang lupit nga ng eskwelahan dito saamin eh pagkaenroll pasok kagad. Di ba nakakapunyetangina. Wala man lang pahinga ng ilang araw o Linggo. Tinanggal ko yung plastic na nakabalot sa bike. Susubukan ko muna kung umaandar pa yung bike. Gumagana pa naman yung gulong hindi pa naman flat. Napapalakpak na lang ako at naglulundag na para bang bata. "AYOS PA, AYOS PA!" masayang sigaw ko habang naglulundag. Hindi na alintana kung marinig pa nila mama at lola ang pinagsisigaw ko basta masaya ako. Tinginan ko yung oras sa cellphone na dala ko . 7:37 pa naman eh ang aga aga pa para matulog. Kaya susubukan kong munang mag-bike. Hindi na ako magpapaalam kila mama dahil tulog na din sila. Ang aga aga nilang natutulog. Bumalik muna ako sa taas para magpalit ng damit. Kumuha ako ng black na hoodie jacket sa aparador at bumaba na. Kumuha na din ako ng pera galing sa ipon ko. Baka sakaling magutom ako sa daan para bibili nalang ako sa malapit na 7-11. Paglabas ng bahay kinuha ko na yung bike para umalis. Sinara ko yung gate paglabas ko. Nakita ko pa yung iilang taong nasa labas. Hindi na ako magtataka pa kung bakit walang masyadong tao sa labas. Syempre probinsya to eh. Ang aga aga nilang natutulog. Daig pa kuwago. Nagsimula na akong magpidal. Pidal lang ng Pidal. Balak kong pumunta ng bayan. Naroon kasi ang 7-11 na pupuntahan ko. May nadaan pa akong mga binatang mga nakatambay sa labas ng bahay nila. Yung iba naman mga grupo ng kabataan na naglalakad. Kaliliko ko lang sa kanto. Napapansin kong may sumusunod sakin. Kanina ko pa to nakikita tong lalaking to na naka-bike rin. Sinilip ko sya mula sa side. Nakakatakot pala talagang mag-gala sa probinsya tuwing gabi. Tangina nitong lalaking to. Nakasunod parin sakin. Tangina anong gagawin ko?. Ambilis ng t***k ng puso ko. Para bang may mangyayaring masama. Wag naman sana!. Dahil kinukutuban na ako sa pwedeng gawin sakin ng punyetang lalaking to. Huminto muna ako sa pagpipidal ng bike. Para malaman ko na sinundan ba talaga ako nitong gunggong na to. Pagkahinto ko ng bike ay sya ring hinto at tumama yung bike nung lalaki sa gulong ng bike ko sa likod. Tangina lang Problema ba nitong lalaking to?. Nakakapunyetangina naman oh. Ansakit ng pwet ko. Tangina lang. Gusto kong umiyak "PUTANGINA , ANSAKIT" Anlakas kaya ng tama nung bike nya sa bike ko. Syempre palampasin ko ba to? Malamang hindi. Ano ako tanga?. Agad agad akong bumaba ng bike para harapin yung Hudas na lalaking to. Pagkaharap na pagkaharap ko. Imbes na manghingi ng tawad o sorry manlang, etong putanginang lalaking to tumatawa pa sa lagay ko. "Happy kang tangina ka? Gusto mong paliparin ko utak mo sa kalawakan?" "Eh sinong tangang huminto? Diba ikaw?" Dipensa nya. Lumapit ako sa kanya para sana masapak. Eh kung mamalas malasin ka nga talaga oh. Namukaan ko yung lalaki. Tangina nito, eto yung sumipa sakin kanina sa simbahan eh. Huminto sya sa pagtawa at hinarap ako. " Oh!, Yung babae kanina sa church, hello baby!" Sabi nya nakangiti pa ang Hudas at tumataas baba ang kilay "Oo kaya ihanda mo pang-opera mo. Dahil uuwi ka ng basag ang bungo." Paghahamon ko sa kanya, nagkukuyom na kamao ko. Ngumiti lang sya, na kinaiinisan ko naman. Sige ngiti lang mamaya mapapalitan ng basag na muka yang maganda mong ngiti. Hindi pa ako nakaamba ng may sumigaw mula sa likuran ko. "HOY DABID MATAPANG KA DIBA? LABANAN MO KAMI NGAYON!." sigaw ng kung sino mula sa likuran ko. Lumingon pa ako saglit sa likod. Andaming kalalakihan na naghahamon sa hudlong na lalaking to. Hindi pa nakakalapit samin yung mga lalaki, sinigawan na ako ng lalaking kaaway ko kanina. "Hoy tara na. Sumakay ka na sa bike mo!!" sabi nya at dali-daling sumakay sa bike nya. Naguguluhan man ako, sempre sumunod na lang ako. Baka mamaya ako pagdiskitahan ng mga lalaking yon eh. Ambilis ng Pidal ng bike namin kaya hindi na kami nasusundan ng ibang kalalakihan. Lumiko kami sa kalye kung saan ako nakatira. Nakarating kami sa tapat ng bahay namin. At binuksan ko yung gate. "Hoy! Dito, dito muna!" sigaw ko dun sa lalaking hudlong na walang magawa sa buhay tapos eto hinahabol pa ng ng mga lalaki. Pumasok kami ng gate ng bahay at tinabi muna yung bike. Medyo hingal ako sa pagpipidal ng bike kanina. Kasama ko din yung hudlong na sumusunod at sumipa ng likod ko kanina. Pasalamat sya naawa ako. Andami kayang lalaking naghahabol samin kanina. Umupo kami sa tapat ng pintuan ng bahay. At eto hingal na hingal padin ang lola nyo. "Sino ka ba ha? At sino yung mga lalaking yon?" Inis na tanong ko sa lalaking dinaig pa adik sa kakangiti. Oo tama nakangiti sya simula pa kanina. "I'm David De la fuente, but you can also call me Dabid. Kagaya nung tinawag sakin kanina nung mga lalaki" pakilala nya at pilit inaabot yung kamay ko para makipag handshake. Napansin nya siguro na hindi ako interesadong makipag-handshake sakanya, kaya binaba nya na yung kamay nya. "And, you are?" balik nyang tanong. "Ako si Elise. Elise De muerte" pagpapakilala ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Yung mga lalaking yon kanina, wag mo nang pansinin yung mag yon. Nakaaway ko lang yon nung nakaraan." Pagpapatuloy nya. Eh abnormal pala to eh wag daw pansinin eh muntik na nga kaming mabugbog ng mga lalaking yon kung nagkataon. Humarap ako sakanya. "Sira ba ulo mo? Gago ka ba? Bakit sinusundan mo ko kanina?.kanina sa simbahan tapos, sinangga mo bike ko, ngayon naman yung mga kaaway mo!" "Ang harsh mo naman" Eh tangina pala nitong lalaking to eh ang harsh ko daw. Deserve nya yon! Kanina sinipa nya ako sa likod na nasa simbahan pa kami. Tapos yung mga lalaking muntik nang mahabol kami. At kung nagkataon siguro bali bali na buto namin pag uwi. Tumahimik kaming pareho nang basagin nya ang katahimikan "pwede bang maki-inom ng tubig?" Pwede bang tumawa? Nakakatawa kasi itsura nitong kaharap ko ngayon eh. Muka syang taong pinagkaitan ng tadhana. Nagpuppy eyes ang tukmol. Kung hindi nga lang ako naawa dito sa kumag na to. Baka binanatan ko na to eh. Tumango naman ako bilang sagot at iniwan syang magisa sa labas para kumuha ng tubig sa loob. Buti na lang at tulog na sila lola at mama. Kundi patay ako nito. Kumuha na ako ng isang pitsel ng tubig at baso. Uminom na din ako dahil sa hingal kanina medyo nauhaw na din ako. "Oh" inabot ko sa kanya yung pitsel ng tubig saka baso. Tignan mo tong taong to. Inabutan ng baso hindi naman ginamit. Tinungga lang yung pitsel. Tumingin ako sa kanya na para bang nandidiri sa ginagawa nya. May pa dighay dighay pa ang gago. "Bakit ganyan ka makatingin? Crush mo ko no?" Sabi nya at tumataas baba pa yung kilay. Tingnan mo tong kumag na to. Tinignan lang tapos crush na agad. Tangina mo! Binigyan ko lang naman sya ng nakakadiri look. "Hindi ba uso gumamit ng baso sa bahay nyo?" Inis na tanong ko. Hindi nya na ako pinansin at nagpasalamat na dahil uuwi na daw sya. Buti naman dahil hindi na ako nakabili ng snack dahil sayong kumag ka. Pagkaalis nya umakyat na ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil sa pagod. Mag Pidal ka ba naman daw ng bike na halos nakikipagkarera ka kay kamatayan. Nakatihaya lang ako at nakaharap sa kisame ilang minuto ko ding pinagmamasdan ang kisame na napakaganda nga talaga ng interior design. Unti unti na akong nilalamon ng antok, at sa wakas nakatulog na din ±±±±±±±±±±±±±±±
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD