Maraming tawag at mensahe si Arthur sa akin kagabi. Meron din kanila Mom, pati kanila Tita Veronica kasi doon nga kami magbabagong taon pero nagbago ang lahat dahil sa nangyari. Ngayon ko lang nakita dahil ngayon ko lang ginamit ang phone ko. Malolowbat na rin kaya ibinalik ko na uli sa bulsa ko. Nasa gitna ako nang biyahe. Doon ako didiretso sa restaurant. "Ate Sam!" "Nelda," "Nasa opisina ho si Sir Arthur." "Nakakatakot ang aura niya, Ate Sam." ani Nirva. "Nirva," suway sa kaniya ni Nelda. "Huwag mong tinatakot si Ate Sam." "E bakit ba? Sa totoo naman, saka parang talaga siyang lasing, 'di ba?" "Hindi siya parang lasing. Lasing talaga si Sir Arthur." Anong ginagawa ni Arthur dito? "Kanina pa ho siya nandito, Ate Sam, bago buksan ang restaurant. Naubutan namin siya na naghihint

