Sa sobrang pagmamadali kong makaalis sa harap ni Tristan nakalimutan ko na ang ginawa niyang katarantaduhan sa account ko. Hindi ko man lang siya napagsabihan tungkol doon sa nichat niya si Kycel. After niya maibalik sa phone ko ang sim ay agad ko rin iyong kinuha at iniwan siya ng may ngisi sa kaniyang labi. Tuwang tuwa dahil naisahan na naman niya ako. Four Thousand Eight Hundred Fifty-Eight pesos lang naman ang binayaran ko kanina sa kinain naming dalawa na siya lang naman ang nag-enjoy. Mabuti na lang may extra cash akong dinala kanina dahil kung wala, baka pinasunod ko na si Nelda kasi wala kaming maipangbabayad sa kinain namin. "Mabuti nandito ka na Ate Sam may isang babae po ang nagrereklamo sa pagkain natin. Desidido siyang ipasara ang restaurant. Palibhasa anak daw siya ng mayor

