Hindi pa rin ako maka-get over doon sa biglaang pagsugod sa akin ni Kycel sa office kahapon. Talagang sa harap ko pa niya pinunit ang kontrata. Walang alam si Arthur sa kontrata. Ang lakas ng loob ni Kycel na ipag-file ako ng annulment. Bakit, anong pinanghahawakan niya sa asawa ko, ang magiging anak niya kay Arthur? Nakakaawa siya. Paano kaya kapag malaman niyang buntis din ako? Baka hindi niya kayanin. Syempre ako ang pipiliin ng asawa ko. Baka ipalaglag na niya ang bata kapag malaman niya. "I'm sorry," ani Arthur. "Hindi ko napapayag ang buong team. Pinagbotohan ang naging desisyon. Mas kursunada nila si Kycel ang mag-model." nahihiya siyang tumingin sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyan. Nasaktan ako dahil sa naging balita. Expected ko na naman iyon pero masakit pa ring malaman

