Euan’s POV Mas madalas kaming magkita ni Rosaleen ngayon dahil sa paghahanda sa kasal namin. Well, it is really happening! Nagkita muna kami ngayon ni Oswald para kumustahin lang siya, mukhang kulang pa ang suntok na naibigay ko sa kanya noong birthday ko dahil sa kalokohan na naisip niya. Ipinaliwanag ko pa kay Tovee na huwag siyang magpapanggap sa amin kapag may nararamdaman na hindi maganda dahil gusto kong sinasabi niya sa akin lahat. Mabuti na lang at matalino ang anak ko kaya naiintindihan niya ang ginawa nila noon. Siyempre, bilang magulang ni Tovee ayaw ko naman na isipin niya na ayos lang magsinungaling. Baka ganoon ang isipin niya sa ginawa nila sa akin noon kaya ipinaliwanag ko nang mabuti. Sinabi ko rin na biruan lang iyon ng mga malalapit na kaibigan at nasiguro naman nila n

