LISA MAE' POV
Hinang-hina akong napasalampak sa kama ko na
hindi man lamang naligo o nag-half bath. Alam ko
na kailangan kong mag-review tungkol sa debate
na 'yun na hindi ko naman alam ang topic. Basta
lahat ng lesson ng Health, Politics, History and
Current events ay kailangan kong pag-aralan. I
need to be prepared para hindi naman mapahiya
ang section namin. Bawat grade level daw ay may
debate na magaganap at three rounds, waiting
syempre ang sa Section A sa finals kung sinong
mananalo sa B, C, D and E.
Wala namang sinabi ang Dm na kailangan kong
ipanalo but I'll do my best pa rin. Ipapakita kong
may kaya kaming Section E.
At tsaka, teka pala. Anong nangyari sa'kin doon sa
mansyon ng Dm, aber? What happened, self?
Bakit parang ang luka-luka ko nung pumasok ako
'dun. Not in gestures but in mind. Unti-unti na
kayang bumabalik 'yung dating ako? Damn! It
wouldn't be! I won't let it happen! l am a nerd now.
Yes, a nerd and an introvert. I'll not let myself get
back to the old me.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako
sa paglalayag ng isip ko. Nagising na lang ako
syempre sa tunog ng alarm clock ko at mabilis na
nag-ayos ng sarili para sa pagpasok.
--
"Love, sabay na tayo mag-lunch, ah," saad sa'kin
ni Zack.
"Bakit naman ako sasabay sa'yo? Kaya ko mag-
lunch mag-isa, 'no!" Inis ko pang singhal sa kanya
habang nag-aayos ng gamit.
"Ako na," inagaw nya sa'kin ang mga gamit ko at
siya na ang nag-ayos.
"Ano bang pinaggagagawa mo?!" Singhal ko pa.
This guy makes me irritate, ewan ko siguro dahil
pagod ako dahil malapit na ang periodical exams.
"Let's hurry, lovee, para makapag-review pa tayo,"
dali-dali sya sa pag-ayos ng gamit ko sa bag tapos
isnukbit nya 'yun at hinigit nya ako papunta sa
canteen habang hawak nya ako sa pulsuhan.
"Jowa ba nya si Tomy?"
"Ay hindi ko alam, bes"
"Anong meron sa dalawang 'yan?"
"Ang alam ko, tutor sya nya. Kinuha daw ni Dream."
"Oh, e bakit may paghawak na ng kamay si
Tomy?"
"Malamang nilandi! Kahit nerd 'yan, hindi natin
alam kung pokpok rin ba sya, 'no!"
Hindi ko na lang pinansin ang narinig na usapan.
let Tomy na higitin ako towards the canteen.
"Sit," he said matapos ipaghila ako ng upuan.
"Ano ako, aso? Duhh?!"I rolled my eyes.
"Okay, ako na oorder, intayin mo ako." Syempre
umupo na ako kasi wala naman akong magagawa.
At dahil mukha akong pera, pumayag na lang ako!
Baka libre nya, tipid rin ng isang kain, 'no! What a
smart move, self!
Jusko, self! Tutor ka lang nyan, take note! Baka
mapagkalaman na rin kitang pokpok katulad nung
dalawang babae kaninang mukha namang clown!
Hindi naman. Sya naman nag-aya, e. Oh,
nagpakipot naman ako. Problema mo 'dun?
Wala. Basta ang landi mo!
Namalayan ko na lang na nasa harapan ko si
Tomy. At tahimik yata ang alaga. Ano kayang
nangyari sa bayag nito? Mahabang katahimikan
ang bumalot sa'min habang kumakain at si Zack
na ang unang nakaisip na bumasag nito.
"Lov, bilisan mo. I'm done," saad pa nya habang
umaayos ng upo. "Don't worry, I'l pay for it."
"Yes! Oh yeah! Libre ako ng lunch! Hindi ako
nagbayad! Makakatipid nanaman aking pu--!"
Syempre, hindi ko rin'yan nasabi. Kahit naman
mukha akong pera, hindi ko pa rin yun
pinahahalata. NYAHAHA!
"Aray ko naman, Zacj! Gago ka talaga, e 'no?!--
ouch!" Inis ko pang singhal. Lakad takbo na ang
ginawa namin papuntang library para magreview.
Ewan ko sa lalaking 'to at naisipang magreview!
"Thirty minutes left before our next class, love
Hurry!" Mas lalo pa nya akong kinaladkad, puta!
"baliw ka talaga!"
"It's love."
"baliw."
"love."
"baliw
"love."
"baliw
"love," then the next thing I knew. We're here in
the library at halos tapunan ako ng masasamang
tingin ng mga masasamang babae dahil sa kamay
ni Tomt na nakahawak sa pulsuhan ko.
"Bitiwan mo nga ako!" Singhal ko dahil naiilang
ako sa malalagkit na titig sa'kin ng mga pokpok--
0opsxz!
"Sit here, babe. Wait for me. Kukuha ako ng
books," wala akong nagawa. Para akong aso na
sumunod sa pagpapa-upo nya sa'kin sa hinila
nyang upuan.
Nang makaalis si Zack, nagsimula nang mag-
bulungan ang mga balahura.
"You heard it, mars?"
"Yeah! Did Tomy called her lovee?"
"Yup! And landi naman nya! Anak pa talaga ng
Dm ang pinuntirya! Nakakahiya naman sya!"
"Oo, nga. Baka naman mukha syang pera?" Oh
yeah! You hit it! Mukha nga akong pera dahil
kapalit nito ay 100% scholarship pero hindi ko
naman sya nilalandi 'no! "Nilandi lang siguro nya si
Tomy kasi mayaman? Kawawa naman ang bebe
Tomy ko. Huhuhuhu"
Bebe Tomy? Yuck! Nadidiri ako!
"Here, love," hindi ko man lang sya tinapunan ng
tingin at mabilis na kumuha ng libro. Umupo
naman sya sa tabi ko at nagsimula na kaming
magreview.
Hindi ko pa naman nakakalimutan ang mga
lesson, pinahapyawan ko lang kasi ayokong
manakit pa lalo ang ulo ko. Mabilis akong natapos
pero sya ay tutok na tutok pa rin sa binabasa nya.
llang minuto pa akong naghintay pero hindi pa rin
sya tapos. Naiinip na ako, ah. Lalo na't ganito pa
ang itsura ng mga babaeng nasa library na
pumunta lang yata dito para makipag-tsismisan!
"Una na ako, Tomy." Akma na ako tatayo ng
hawakan na naman nya ang braso ko.
"Wait, love. Ibabalik ko lang 'to sa shelves." Turo
pa nya sa mga libro then binigyan nya ako ng
makalaglag panty'ng kindat. Puta talaga 'to,
nakakapghina ng tuhod ang kagwapuhan!
"lov, I'll pick you up, later fora date." Nanlaglag
ang panga ko sa sinabi nya puta. Tapos na ang
klase namin at syempre, uwian na (may nanalo na.
Nanalo na si MAE ! NYAHAHAHAKHAK). "Akala mo
hindi ko narinig'yung sinasabi ng mga babae
kanina, babe, 'no? Ang tibay mo rin naman! Bakit
hindi mo sinampal?"
"Ayoko. At wag mo rin akong susunduin sa date-
date na yan!" Singhal ko pa sa kanya.
"Nope, go home. Isipin mo na lang na ganti ko 'yun
sa'yo kasi sinabihan ka nila ng ga'non nang dahil
sa'kin. Hurry up Love, I'll pick you up 6 in the
evening!" Tinitigan ko lang ang papalayong bulto
nya.
WAAAAHH!! Wow, self ang landi mo talaga! Biruin
mo'yun, niyaya ka ni Zack Tomy 'the gwapong
tatanga-tanga' ng date?! 'Wag tanggihan ang
grasya!
Kakatapos ko lang magbihis para sa date namin ni
Tomy nang nag-ring ang cellphone ko.
Hay self. Saan naman kaya nakuha ni Tomy ang
number natin?
Bakit mo sa'kin itatanong, e hindi ko rin alam.
Napatitig muna ako sa salamin bago sagutin ang
tawag. Buti na lang talaga at binigyan ako ni
Melai ng ganitong damit dahil kung hindi, baka
wala akong maisuot. Hindi ako kumportable sa
ganitong ka-fit na dress kahit ganito naman ang
suot ko lagi 'nung nasa Canada ako. Pero wala
akong ibang matinong damit, e.
"Hello?" I answered the phone habang nag-susuot
ng doll shoes. Iniipit ko lang ang phone sa pisngi at
balikat ko.
"Hello, Lisa?" Halos mapalundag ako sa sobrang
gulat nang boses ni Mommy ang marinig ko! Bakit
nga ba naisip kong si Zack 'to? Hayy.. "I call you
'cause I want you to know that we're coming there.
We will be visiting you if you're fine. And absent
your classes tomorrow. I told to your Dm that
you'll not going to attend your classes. Don't
prepare foods. We don't need it. We need you. Bye!
Love you, daughter!" Halos mangatog ang tuhod
ko matapos nya 'yung ibaba.
Self, hala, baka dadalahin na naman nila ako sa
Canada. Ayoko kay Dad!
Kalma, self. Kalm--!
Napatigil ako sa pag-usap sa sarili when l heard
someone knocking at my door.
"Love ,l'm here! Are you done preparing? Love?"
Then here he is.