" Pumila na po tayo. Parating na po ang bride," ani ng wedding organizer. Tumalima ang lahat ng kabilang sa wedding entourage at agad gumawang dalawang linya. Isa para sa mga kababaihan at isa para sa mga kalalakihan. Nagkaroon ng rehearsal kahapon kaya alam na ng lahat ang gagawin. It's Christina and Arthur's wedding day. Malapit ng mag-umpisa ang seremonya at ang bride na lang ang hinihintay. Everyone is looking presentable and well dressed for this happy occassion. Halos lahat ng tao sa paligid ay may nakaguhit na ngiti sa labi. Makes me wonder. Kung sila nga na pawang mga bisita, kaibigan at kapamilya ng ikakasal ay ganito na kasaya, paano pa kaya ang mismong ikakasal? I looked at the other side of the line. I meet Ian's eyes winking at me. Napakakisig nitong tignan sa suot na amer

