Charlie’s POV NAGING balisa ako right after na lumayo ni Cleo sa akin. May nakaalam na sa sekreto ko, kaya ang naging resulta, hindi ako nakatulog. Pabaling-baling lang ako sa tabi ni Ayden. Ilang beses ko ring tinitigan si Ayden at ini-imagine ang mukha niya kung paano magalit. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang pukpukin ang ulo ng unan. Parang gusto kong sumigaw pero baka magising lang si Ayden. Bandang alas singko nang tuluyan akong hayunin ng antok. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tulog, pero nagising ako sa malakas na pagsara ng pinto, kasunod ang isang pamilyar na boses mula sa isang video. Napabalikwas ako ng bangon. Isang sandali lang ang lumipas bago ko napagtanto kung kaninong boses iyon. Walang iba kung hindi sa akin. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Pa

