Chapter 12

2060 Words

“Rain, are you okay?” nag-aalalang lumapit sa akin si Ghon saka ako hinawakan sa braso. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mga mukha habang papalapit sa akin. “Tame, umalis ka diyan!” Pilit siyang hinihila ni Lore palayo ngunit wala doon ang atensiyon ko. Hindi ko sila magawang tingnan man lang dahil mas lalo akong nag-aalala sa anak ko. I tried to stand up at nagawa ko iyon sa tulong ni Ghon. Marahan ang pag-alalay niya na para bang mas takot siyang matumba akong muli. Ngumiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi iyon ang klase ng sakit na lagi kong nararamdaman. Iba siya kaya mas lalo akong natakot. Hinimas ko ang tiyan ng bahagya ngunit lalo lang sumakit ito dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ghon. “What happened? May masakit ba?” he worriedly asked

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD