LYKA'S POV
Pagpasok ko sa bahay niya, salungat na salungat ang makikita mo mula sa labas ng bahay dahil sa labas akala mo ang bahay ni blackclown ay pugad ng mga anghel, pero pagpasok mo? Akala mo pugad ng mga demonyo't criminal ang loob.
Pagpasok ko palang sa bahay, dalawang malaking hagdan na ang bumungad sa akin. Pero what make's it more creepier, ay yung portrait sa dulo ng staircase, sa secondfloor. Which is MY PORTRAIT
Dahan dahan akong naglakad, at umakyat sa secondfloor. May nakita akong isang pinto sa dulo, ang weird nung pintong iyon dahil made of steel ang pinto
Naglakad ako ng dahan dahan sa mahabang hallway ng bahay niya, naagaw naman ng pansin ko ang isang kwartong kalahating bukas, lumapit ako doon at sumilip. Isang library
Pumasok ako doon at limang malalaking bookshelves ang nakita ko at sa gitna noon,
may isang mesa. Lumapit ako sa mesang iyon at nakita ko ay picture ko ULIT?!
B-bakit puro picture ko ang nandito? at ang picture na nandito sa mesa niya picture ko na natutulog ito ang araw na, naki-sleepover sila sophia, brandon, vivian, luke at kaycee sa amin! Dahil natatandaan ko ang suot ko noon! (Chapter 13)
Wait! Ibig bang sabihin nun, kasama namin si blackclown nang araw na iyon?!
IBIG TALAGANG SABIHIN KASAMA SA BARKADA ANG KILLER?
Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang drawer ng mesa, may nakita akong isang photo album
"MY DEAR"
Binuksan ko ang album at nakita ko puro picture ko iyon, at karamihan ay stolen shots! Nakakatakot! Parang ang pinapahiwatig neto ay kahit nasaan ako kasama ko siya!
Halos manlamig ang buong katawan ko, nang makita ko ang huling picture. Picture ko ito at ito ay kuha sa basement ng condominium
KANINA LANG!
Tatayo palang sana ako ng may tumakip sa ilong ko na isang panyo, agad ko namang nasinghot yung amoy at naramdaman ko nalang na bumigat ang aking talukap
--
"What an unexpected visitors" nagising ako nang marinig ko ang isang boses na kinakatakutan ko, boses na pumatay ng maraming tao, at boses na siyang bumabangungot sa akin tuwing gabi.
"Blackclown" tumingin siya sa akin at ngumiti, naka maskara siya at nakadekwatro, pero ang suot niya ay tuxedo
"The one and only" tumayo ako, pero hindi ako lumapit sakaniya
"Scared? Yung lover boy mo nasa kabilang kwarto lang" Noong una naguluhan ako hanggang sa makita ko na may konting liwanag na nagmumula sa bintana. UMAGA NA?
"Anong ginawa mo sakaniya?! anong kailangan mo?!" sigaw ko
Lumapit siya sa akin at lumebel kapantay ko, "That supposed to be my question to you my dear, anong kailangan mo at naligaw ka ata sa bahay ko?" sabi niya at humakbang patalikod
"Gusto ko masagot ang mga katanungan ko" sabi ko, umupo siya ulit sa kinauupuan niya kanina
"Then ask"
"Bakit mo ito ginagawa sa amin?" tanong ko
"Meron akong sapat na dahilan"
"tngnang dahilan naman yan! ano ba yun!!?" sigaw ko
Nagkibit balikat lang siya, na siyang mas lalong kinainis ko! Ginagawa niya akong tanga! Nakakabwiset siya!!
"S-sino ang kasabwat mo?" tanong ko
"It's for you to find out" sabi niya at tumawa
"BABE!!" Napatingin ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Damon na humahangos, lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha
"Okay ka lang ba? hindi ka ba niya sinaktan?" tanong niya, niyakap ko siya
"Sorry babe, hindi niya ako sinaktan. Pero anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Pagkagising ko kasi wala ka na kaya naisip ko agad na baka dito ka pumunta at tama nga ang hinala ko, you should listen to me" sabi niya
"Pero kailangan matapos na itong kahibangan nang baliw- f**k!" Napamura ako nang di-oras nang may dumaplis na bala sa pisngi ko
"f**k YOU f**k YOU f**k YOU!!!" Mura ni damon at akmang susugurin si blackclown nang magsalita ito
"Sorry bro, but i don't f**k with man. Sige lumapit ka sabog ang ulo ng girlfriend mo" sabi niya
"DUWAG GAGO!" Sabi ni damon at lumapit na sa akin at hinawakan ang pisngi ko, mahapdi lang siya pero hindi naman masyadong masakit
"Its bleeding" sabi niya
"Bayaan mo na, hindi naman masakit"
"Enough with the cheesy lines please?" napatingin kami kay blackclown na nagsalita
"Inggit kalang gago ka kasi siguro iniwan ka ng girlfriend mo!" sigaw ni damon, napansin ko naman na nagstiff si blackclown
"I'm giving you 10 seconds to leave my house, or papasabugin ko ang bungo niyong dalawa
1
2
Tumayo na kami at lumabas nang pinto at tumakbo pero laking gulat ko ng paglabas namin ay puro walls! parang nasa secret room kami na ewan!
Tumingin ako sa paligid at nakita kong may hagdan na spiral, tumakbo kami doon at umakyat pagakyat namin sumalubong sa amin ang 5 pinto!
Tumingin ako sa unang pinto, at isang kwarto lang siya, sa pangalawang pinto tambakan
"Dito babe tara na!" hinila niya ako at nakita ko na ang hallway nang bahay at pagtakbo namin
"Times up!" *BANG!*
Napaupo ako nang makita kong binaril ang ulo ni damon at tumalsik ang dugo niya sa akin
"Want me to blow your head too?" Nanginginig na tumingin ako sa nagsalita, si blackclown
Umiling-iling ako at umaatras habang nakaupo
"You can't go now lyka" Sabi niya habang nakangiti, tumingin naman siya sa barili niya at kinasa iyon at tinutok sa akin
"DON'T PLEASE!! PLEASE!!"
"Then run" pagkasabi niya nun tumakbo na agad ako pababa ng hagdan at nang makita ko yung pinto.
tinakbo ko na agad iyon pero bago pa ako makalabas tinamaan ako ng bala sa balikat pero tumakbo padin ako