LYKA'S POV
Simula nang araw nayun, naging masyado na daw akong naging seryoso, puna sa akin nang mga kaibigan ko. For this past 1 week, hanggang ngayon binabagabag parin ako nang nakita ko I don't know why!
"Oy, may gimik tayo later! Sasama ka ba?" Tanong sa akin ni Vivi
"Ah? Hindi na siguro kayo nalang" sabi ko, at nagpatuloy sa pagkain
"Huwag mong sabihing, katulad ka na ni angel na KJ na din?" Gwen.
"Grabe ka naman! Gwen! HMP!"- Angel, nagpout siya at nagpatuloy sa pagkain
"Stop pouting, you look like a duck! Tsaka nagsasabi lang ako nang totoo"- Gwen
Pagkatapos nang recess naming, dumiretso na ako sa room. Nagpahuli na ako kasi natatakot na ako na baka may Makita nanaman akong ganun
*Call ring
"Guys, una na kayo. I have to accept this call" paalam ko sakanila
"Okay, balik ka kaagad ah. Sungit pa naman nang teacher natin" Sabi ni Sophia at nagpauna na sila sa paglalakad
Naglakad na ako papuntang Janitor's room, medyo madilim. Pero bawal kasi ang phone kapag class hour kahit wala ka sa room basta class hour, bawal na ang phone kaya dito ko nalang sa janitor's room i-aacept yung call baka kasi importante
09xxxxxxxx (unknown number)
"Hello?"
"............."
"Hello? Sino to?"
"......"
"Ano ba?! Pinagtitripan mo ba ako?!"
" *huff* *huff*"
"Hello? Okay ka lang?"
"i-i can't r-run help me!"
Nabitawan ko yung cellphone ko sa sobrang gulat
"OH MY GOD!" nanginginig akong napaupo sa sahig at dinampot ang cellphone ko
Binalik ko ulit eto sa tenga ko at pinakinggan ang nasa kabilang linya
" *huff* *huff* h-help me lyka"
-CALL ENDED-
Nakahang parin ang cellphone sa tenga ko at patuloy ang agos nang luha ko, sa sobrang takot at kaba
*knocking on the door*
"OH MY GOODNESS!" napatalon ako sa gulat nang may kumatok at pumasok
"Oh? Classes Hour na ah? Bakit nandito ka pa?" napatingin ako sa nagsalita isang janitor pala
"Okay ka lang ba hija? Bakit umiiyak ka?" tanong nung janitor
Pinalig ko ang ulo ko at pinunasan ang luhang naglandas sa mukha ko, at tumayo tsaka pumunta nang C.R
GWEN'S POV
"Alam niyo na ba-bother na ako kay lyka? I think there's something wrong with her, the way she act, the way she talk, parang ninenerbyos siya na parang takot na ewan?" I said.
"Yes, napansin ko din yun siguro family matters? Hindi din kasi masyadong nagkekwento yang si Lyka diba?" Kaycee said.
"Oo nga, nasaan nga pala siya? Natapos na lahat lahat ang class natin wala padin siya?" Puna ni Sophia.
"Uhm, guys! Kailangan ko nang umalis, may lakad pa ako e." napatingin kami kay angel na nakatayo sa harap naming at nagpapaalam
"Edi umalis ka! May paki ba kami? Lagi ka namang nauuna sa amin diba? Salamat ka nga at pinagtitiisan ka naming HAHAHAHA Layas na!" sigaw ko, nag tawanan kami at nakita kong napayuko siya at parang iiyak
"Hey guys! Ang rude niyo talaga kay angel, sige na angel baka importante yung pupuntahan mo ingat ka ha?" Sabi ni Brandon at ngumiti, tss! Ang landi netong Brandon na ito!
"S-sige Brandon salamat" Umalis na si angel, lumabas na din kami sa classroom at nakita namin si lyka na naglalakad pero nakatingin sa kawalan, parang baliw lang?
"LYKA!" hindi niya kami pinansin at nagpatuloy sa paglalakad
"LYKA" nakitawag na din sila kaycee, Sophia, Vivian at mhariz pero hindi talaga siya lumilingon.
"What's wrong with her?" tanong ni mhariz na nakataas ang kilay
"Hayaan niyo na muna siya, ganiyan talaga ang mga babae kapag may problema, hindi kasi kayo babae kaya hindi niyo alam HAHAHAHAHAHAHAHAHA" binatukan ko si Damon at binelatan niya lang ako
"Hoy, aalis na din ako! Pati si Brandon kasi may practice pa sila!" sabi ni damon.
"UMALIS NA KAYO! DI NAMIN KAYO KAILANGAN!" Sabay sabay na sigaw naming at tinalikuran yung boys,
"Vivian honey, I need to go too. My parents just arrived from United Kingdom. Bye love you" Luke said at kiniss niya si Vivian sa noo.
"Love you too, take care, regards me kay tita ha?" niyakap naman ni Vivian si luke at tsaka nagbabye sila sa isa't isa
"okay" Ang cheesy lang talaga nang mag boyplen na itey!
Nang nasa parking lot na kami, dumating na yung mga sundo nila at si mhariz sumakay na sa sarili niyang kotse, si kaycee naka motor, Si Sophia may sundong limousine at dalawang guards, si Vivian may sundong bodyguard din at katulong, aba ka naman! HAHAHAHAHA
Ako may sarili akong kotse kaya no worries
Nang makapagpaalam na kami sa isa't isa, sumakay na ako sa kotse ko. Nilapag ko yung bag ko sa passenger seat at inayos ko ang mirror sa harap nang kotse, at nagulat ako nang Makita Siya doon!
"WHAT THE?! ANONG GINAGAWA MO DITO?! Nakakagulat ka naman!"
"Hehehe sorry ah? Nagulat ba kita?"
"Oo! Lumabas ka nga sa kotse ko at uuwi na ako! Layas!" sigaw ko, nagpout naman siya at lumabas, haaaay! NaKakastress siya!
Inistart ko na yung kotse at lumabas na ako sa school, habang binabaybay ko yung daan pauwi, parang biglang uulan ata? Ang kulimlim ng langit parang babagyo!
Hindi pa naman ako uuwi samin ngayon kasi panigurado nagbabatuhan nanaman nang plato yung mga magulang ko sa bahay
Nagulat ako ng biglang kumidlat ng malakas, grabe naman to parang ayaw ako pauwiin
Shit! Ang slippery ng daan! Tinapakan ko yung break pero ayaw gumana! HALA?! HALA?!
Binilisan ko nalang yung pagdrive kahit na alam ko na walang itong break, hahanap nalang ako nag pwede kong safe na pagbanggaan
"BAKIT WALA AKONG MAKITA NA PWEDE?!" Gumegewang gewang na ang sasakyan ko, hanggang sa naramdaman ko nalang na nahulog ang sasakyan ko sa isang ilog, dali dali akong lumabas nang kotse at lumangoy palayo pero ang lakas nang agos nang ilog! Bakit ganito?! Sht! Hindi pa man din ako marunong lumangoy!
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero naalala ko nasa bag pala! Hanggang dito na lang ba ako? Hindi naba kami magkakaayos nang mommy ko? Mamatay naba talaga ako dito? Hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga kaibigan ko
Siguro okay na din na mamatay ako kasi bayad na ito sa mga nagawa kong kasalanan noon hanggang ngayon!
Nawawalan na ako nang hininga at pumipikit na ang mata ko. Nang Makita kong may kamay na hinila ako paalis nang tubig, KUNG SINO KA MAN! SALAMAT.