CHAPTER TWO

3996 Words
PAGKARATING ng bahay ay  ginising agad niya si Max na natutulog sa mismong vulcanizing shop. “O bossing bitin ka ba sa laklakan?” bungad ng pupungas-pungas na alalay niya “mag-iinuman ba tayo? Sana bumili ka din ng pulutan ha!” halatang inaantok pa ito, nakapikit habang nakikipag-usap sa kanya. Alam nito kapag bitin siya sa inom, nanggigising kase siya. “Ulol!” natatawa sya dito, kilala na talaga sya nito. Kung silang magkakaibigan ay solid ang samahan, ito naman ang solid alalay niya. Mahigit isang dekada na simula ng ampunin niya ito. Anak ito ng tauhan ng tatay niya sa taniman ng talong. Nagtatanim, nag-aalaga, nag-aani ng talong ang trabaho nito at ng ama nito. Ngunit ng atakehin sa puso at mamatay ang ama nito ay isinama na ito ng ama niya sa bahay nila, pinag-aral ito ng ama niya. Likas kay Max ang katamarang mag-aral, mas gusto pa nito ang bumuntot sa kanya o maging sa mga barkada niya. Tuwang-tuwa pa ito kapag inuutusan nilang magkakaibigan, lalo na kung may upa. Kaya ng magtayo siya ng vulcanizing  shop, ito ang kusang-loob na nagprisinta na mamahala nito. Sinubok niyang ilipat ito sa Seb Auto Repair Shop niya para naman maiba ang environment nito, ayaw talaga nito. Mas gusto nito ang simpleng buhay nito sa vulcanizing shop niya. “Bakit mo ba ako ginising? Dati naman ay dere-deretso ka na sa taas para matulog, nanggigising ka lang kapag bitin ka sa toma!”  “Nasa may Ilaya ang kotse ni China, nasiraan!” sa b****a ng Sta. Ana ang tinutukoy niya. “China? Kapatid ni Rad?” malakas ang tama nito kay China, crush na crush daw niya ang dalaga. “May iba pa bang China na kilala mo?” umiling ito sa tanong niya “Andun sa makalampas ng arko, heto ang susi…. Bahala ka ng kumuha!" “Makalampas ng arko? May multo dun di ba?” natatakot na wika nito, bigla tuloy nawala ang antok ni Max. Pati ito ay napaniwala nilang magkakaibigan sa mga kwentong kutsero nila.  “Naniwala ka naman! Biruan lang naming ‘yun  para kang bago ng bago sa amin!" natatawang wika niya kay Max. “Pero bossing… parang totoo ehh. Saka narinig ko si mang simeon noong kauasap ni tatay!” apela ni Max pero tumalikod na si Sebastian. Ang tatay na tinutukoy nito ay ang ama ni Sebastian. “Iuwi mo lang dito pero ako ang tatrabaho noon bukas!” sigaw pa ni Sebastian bago dere-deretsong pumasok  sa loob ng bahay, hindi na pinansin ang nagpoprotestang alalay. NGAYON lang yata siya tutulog ng nakangiti pagkatapos ng panloloko ni Bettina. Nawala ang pagkalasing niya dahil nakapagkit sa isip niya ang magandang mukha at seksing katawan ni China. Kailanman ay hindi niya naisip na makakaramdam siya ng ganito sa dalaga. Totoo sa loob niya ang pagtuturing dito na isang nakababatang kapatid. Nahihiya siya sa sarili niyang kahalayan. Hindi mawala sa isip niya ang mapupulang labi ng dalaga, pakiramdam niya kapag nahalikan niya ito ay hinding-hindi niya titigilan hanggang kapusin siya ng hininga. Nanggigigil siya habang naiisip niya yun. Ang katawan ni China na nasa tamang kurba ang dibdib, ang bewang, ang balakang. Ang napakaputi nitong balat, malaporselana. Parang nakakatakot hawakan, tiyak na durog ang katawan nito sa kanya kung ngayon  gagawin ang naiisip niya. Damang-dama niya ang nag-aapoy niyang pagnanasa sa dalaga. Iilang buwan palang siyang walang s*x life ay ganito na siya.  Sa tingin pa lang ay nababaliw na siya, ano pa kaya kung mahawakan niya ito. Parang hindi niya maisip na maari niya itong matikman at maangkin, masyado siyang ambisyoso kapag hinangad niya iyon. Hanggang pangarap na lang siya. Sa kulay pa lang ng balat nila ay nahihiya na siyang hawakan ang dalaga. Kung malalaman lang ni Rad ang iniisip niya ay baka mapatay siya nito sa bugbog. “Easy Basty boy! Nag-iilusyon ka lang! Kulang ka lang sa alcohol sa katawan!”paalala niya sa sarili. MADALING-ARAW na ng  nakatulog si China, pero maaga pa rin syang nagising. Paulit-ulit niyang ipinanalangin na huwag sanang maayos ang kotse niya. Mas gusto niya na samahan siya ni Sebastian. Gusto na niyang simulan ang plano niyang pang-aakit dito. “Good morning mommy!” humalik siya sa mommy niya na abala sa pag-iispray ng mga alagang orchids “okey ka na ba?” dumaan siya sa kwarto nito kagabi bago matulog. “Yes! Napagod lang seguro ako sa pagsama ko sa daddy mo sa resort!” “Mommy huwag mong pabayaan ang health mo ha!” yumakap pa siya sa ina “lalo na ngayon na sa Manila na kami nag-iistay ni kuya Rad!” ayaw niya sa Maynila pero kailangan na daw niyang tumulong sa negosyo ng pamilya. “Your so sweet baby!” palibhasa ay bunso siya kaya lagi siyang baby kung ituring ng ina. “Mommy!” pagmamaktol niya. Ayaw niya na tinatawag siyang baby. Iyon kase ang lambing ng pamilya niya sa kanya. “Pwede namang sweetie, beauty or ganda… pero baby parang nakakaasiwa!” “In my heart you are still my baby, but I’m hoping na isa sa inyo ni Rad ay magbibigay na sa akin bagong baby na aalagaan ko!” “I don’t have a boyfriend!” kaswal na tugon niya sa ina “Kay kuya malaki ang pag-asa ninyo dahil marami siyang girlfriend!” “Matinong babae ang gusto kong maging ina ng mga apo ko!” “Matitino naman ang mga girlfriend ni kuya ah!” depensa niya dahil kahit paano ay kilala naman niya ang mga naging girlfriends ng kuya niya. At lahat ay mga friendly sa kanya. Sa totoo lang ay wala namang problema sa mga girlfriends at naging girlfriends ni Rad dahil ang alam niya ay galing sa maaayos na pamilya ang mga ito, sa tingin niya ay nasa kuya niya ang problema. Hindi ito makontento sa iisa. “Si kuya dapat ang pagsabihan nyo!” “Nagawa ko na! Pero kilala mo naman ang kuya mo!” “Bahala s’ya pag nakarma s’ya!”  “Ate handa na po ang umagahan!” sabad ng matagal na nilang katulong na si Pacita. “O tamang-tama pala, dito ka na mag-umagahan!” pasok ng daddy niya na kasunod si Bastian “Honey andito si Bastian!” imporma pa nito sa mommy niya. “Anak hindi daw natapos ang kotse mo, kaya nagmagandang-loob na ang kuya Bastian mo na ipagdrive ka kina Marla!” “Talaga!” naover-excite yata siya sa sinabi ng ama. Hanggang tenga ang ngiti niya “What I mean is… mabuti naman at nagmagandang-loob ka. Hindi ko kase ini-expect, akala ko ay inihatid mo lang ang sasakyan ko!” “Wala rin naman akong gagawin!” “Mabuti pa ay mag-umagahan na tayo!” putol ng mommy niya sa pag-uusap nila. MASAYA silang nag-umagahan kasama ng binata. Inulan ito ng tanong ng mga magulang niya. Palibhasa ay malapit talaga itong kaibigan ng kuya niya. Noong nag-aaral pa ang kuya niya ay damo ang mga kabarkada nito sa tahanan nila. Maging ang kuya niya ay damo sa tahanan ng mga ito. Sikat ang barkada ng mga ito sa lugar nila. Ang kuya niya ang nag-aastang lider ng mga ito, palibhasa’y pinakabigatin ito sa magkakabarkada. Masasabing nakaaangat ang pamilya nila sa lugar nila, hindi rin naman pahuhuli ang iba pa nitong kaibigan. Pero sabi ng Kuya Rad niya ay pinakaaba daw si Sebastian Ramirez sa mga ito. Medyo matanda na kasi ang mga magulang nito, at paghahalaman lamang ang ikinabubuhay. Masikap daw ang binata dahil sinikap nitong matapos kahit vocational course. Ang alam niya ay dalubhasa ito sa automotive. Sa katunayan ay kilala na ang Seb Auto Repair  Shop nito sa may San Francisco Calihan. At balita niya ay nagpaplano na rin itong magbukas ng branch sa San Vicente. Idagdag pa ang pagiging part-owner nito ng Amigos Construction Supply.  Balita niya ay nakabili na rin ito ng lupa sa may San Isidro para gawing taniman ng mga magulang nito. Malayo narin ang narating nito. “Ano na nga pala ang balita doon sa nobya mong sumama sa helper mo sa shop?” mahaderang tanong ng mommy niya, may kasamang pang panggigigil. “Mommy naman!” saway niya dito. Nakakahiya ang ina niya, hindi na naawa kay Bastian. “Honey magdahan-dahan ka naman sa pagtatanong!” saway din ng daddy niya. “Ayos lang ho!” mukhang si Bastian pa ang nahiya sa tanong ng mommy niya. “Wala hong problema sa akin, at saka ang mga ganoon hong pangyayari ay dapat ng kalimutan. Hindi ko na rin ho sinubok pang alamin ang nangyari sa kanila!” “Tama ‘yan Bastian! Ang mga ganoong klase ng babae ay hindi mo na dapat pinag-aaksayahan ng panahon, ang dapat mong gawin ay magpayaman ng magpayaman para makakuha ka ng bata, maganda at sariwa!” susog pa ng daddy niya. “Daddy isa ka pa!” kainis ang magulang niya. Ipinagtutulakan si Bastian ng maghanap na agad ng kapalit. “Hayaan nyo ‘yung tao na magdesisyon sa sarili niya!” “Pinagagaan lang namin ang loob ni Bastian!” depensa ng ama niya. KAMUNTIK ng mapairit sa galak ang bestfriend niya ng dumating sila sa San Isidro. Hindi ito makapaniwala ng makita kung sino ang nagdrive sa kanya  papunta sa lugar ng mga ito. Elementary pa lang ay magkaklase na sila sa Laguna Colleges, pinakamatandang pribadong paaralan sa San Pablo City. Ito ang tanging nakaaalam ng mga sekreto niya. Kung paanong ang simpleng paghanga niya sa binata ay napalitan ng sobrang pagmamahal sa kabila ng unti-unti niyang paglayo rito upang hindi nito mahalata na may pagtingin siya. Sa iisang lugar sila lumaki, napalipat lang ito sa San Isidro ng magpakasal ito sa childhood sweetheart nito na si Trein Roño. Isang away-bating relasyon na nauwi sa isang masayang pamilya. Nakakainggit, pero alam niya na darating din yung para sa kanya. At kung dumating na yun, sanay sa katauhan ni Sebastian Ramirez. “Anong ginawa mo at kasama mo ang bakulaw na ‘yan?” tanong agad nito ng mapagsolo sila sa kusina, kung saan siya hinila nito habang kausap ni Bastian ang asawa nitong si Trein. Hindi man magkaibigan ay magkakilala naman ang dalawang lalaki. “Ikaw na ang beauty queen!” naiinis siya sa pantukoy nito sa binata. Inirapan pa niya ang kaibigan, ipinakita niya na naiinis siya sa biro nito. Pero balewala naman kay Marla ang pag-irap niya. Hindi nya sinagot ang tanong nito. “O sige babaguhin ko ang tanong!” maldita talaga ito, pero mapagkakatiwalaan. “Anong nangyari at kasama mo si Shriek?” Kamuntik na niyang maibuga ang tubig na kaiinom pa lang niya ng marinig ang sunod tanong ng kaibigan. Pumuno tuloy sa buong kabahayan ang malakas nilang tawanan ni Marla. “Baliw ka talaga!” nagkadasamid na siya sa birada ni Marla. “Ano bang tingin mo sa sarili mo? Pakiramdam mo ba ay ikaw si Princess Fiona?” tumatawa pa ring tira nito. Napasugod tuloy sa kusina ang asawa ni Marla, kasunod si Bastian. “Anong nangyari? Sinong Princess Fiona?” sunod-sunod na tanong nito sa asawa. “Wala Babe nagkakatuwaan lang kami, medyo addict kasi itong kaibigan ko kay Shriek! Feeling daw niya ay siya si Princess Fiona!” Pasimple niyang kinurot sa tagiliran ang kaibigan, para tumigil na ito sa mga hirit nito. Natatakot siyang makahalata si Bastian. MATAPOS ang mahaba-haba ring kwentuhan pagkatapos kumain ay nagpasya siyang magyaya ng umuwi. Baka nakakaabala na siya ng sobra kay Bastian. Hindi na siya natanong pa ng solo ni Marla dahil kasali na nila sa usapan sina Trein at Bastian, tatawag  na lang siya dito para ma-update ito sa mga nangyayari sa buhay niya. “May pupuntahan pa ba tayo?” tanong ni Bastian pagkaupo nila sa kotse. Umiling siya sa tanong nito kahit gusto niyang sabihin na meron pa. “Masyado na akong nakakaabala sa’yo!” Sabay silang kumaway sa mag-asawang Trein at Marla ng paandarin na ni Bastian ang sasakyan. NGAYON lang uli niya nakita ang side na ito ni China. Simula ng magdalaga ito ay napansin niya na medyo naging ilag ito. Noong maliit pa itong bata ay susunod-sunod ito sa kanila, especially sa kanya. May pagkagigi ito, laging nakahilhil kapag may narinig na nakakatuwa. Nagsasalita pa nga lang siya ay tumatawa na ito, pakiramdam tuloy niya noon ay mukha siyang clown. Nagdadalaga na ito ng mapansin niya ang madalas na pag-iwas nito. Pagkatapos sa mga jokes  na lang ni Bong ito natatawa. Hanggang sa hindi na siya pinapansin nito. Madalas na nasa loob lang ng silid nito si China kapag pumupunta siya sa bahay ng mga ito, sa tuwina ay kasama nito si Marla. Bungisngis pa rin pala ito, lalo na sa mga jokes ni Marla. Ngayon niya lang narealize na namiss pala niya ang batang China. Si China na mukhang pilyang Querubin kapag tumatawa. Gusto pa niya itong makasama ng matagal. Nalilimutan niya ang anumang problema na meron siya ngayong nasa tabi niya ang dalaga. Wala naman sigurong masama kung yayain niya ito ng ilang oras pa, gusto niya itong makasama pa kung maaari. “May pupuntahan pa ba tayo?” gusto niyang alamin ang plano nito. “Masyado na akong nakakaabala sa’yo!” tugon nito. “Hindi!” tanggi agad niya, matapos kumaway sa mag-asawang trein at Marla. “Gusto mo pumasyal pa tayo? Matagal ka na rin sigurong hindi nakakapasyal dito sa atin dahil madalas na sa Maynila kayo naglalagi ni Rad. Saan mo gusto?”tanong agad niya. “Ikaw bahala ka, wala rin naman akong gagawin sa bahay!”nakita niya ang kislap ng katuwaan sa mga mata nito. “Kailan ka ba huling pumasyal sa Sampaloc Lake?” tanong niya rito habang nakatutok ang mata niya sa daan. Medyo kurbada kasi ang naturang daan. “Matagal na!” tugon nito. “Highschool pa kami ni Marla noon!” Sikat na pasyalan na talaga sa buong San Pablo ang Sampaloc Lake. Actually pitong lawa ang ipinagmamalaki ng San Pablo. Ang Muhikap, Kalibato, Yambo, Pandin, Palakpakin, Bunot at ang Sampaloc. Pero Main Attraction sa lahat ang Sampaloc Lake dahil nagkataon na nasa gitna ng syudad ng San Pablo ito makikita. Karatig pa nito ang kapitolyo ng San Pablo. “Mabibigla ka talaga dahil ibang-iba na ang Sampaloc Lake. Total rehabilation ang ginawa ni Mayor para dayuhin ng mga tao ang San Pablo.” HINDI nga nagsisinungaling si Bastian ng ipagmalaki nito sa kanya ang bagong Sampaloc Lake. Dati nang marami ang pumapasyal dito, sa tingin niya ngayon ay higit pa sa limang doble ang makikitang tao ngayon dito. Napansin din niya ang mga naghilerang bike sa gilid ng entrance road ng lugar. Matapos humanap ng maayos na pagpaparadahan ng sasakyan ay niyaya sya ni Bastian na magbisikleta. Iikutin daw nila ang buong lake. Iyong may sidecar ang pinili nito para daw hindi sya mahirapan pagkabyaw. Inabot din sila ng kulang-kulang isang oras bago nila naikot ang buong lake. May mga time na napapatigil sila kapag nakakita ng mga kakilala. At saka parang sinasadya nito na maging mabagal sila o sadya lamang talagang pagod na ito. Inalok niya ito na siya naman sana ang magpapatakbo ng bike, pero tumanggi ito. After ng nakakapagod na pamamasyal sa lake ay pumunta pa sila sa SM para doon magmeryenda. Hindi niya alam kung bakit pero nagyaya ito sa may Blue Magic matapos nilang kumain. SIMULA ng mapansin niya ang pag-iwas nito sa kanya noon ay nahiya na rin siyang bigyan ito ng regalo kapag birthday nito at Pasko. Noong maliit pa si China ay ito pa mismo ang nagpapaalaala ng gift niya rito. Kaya pinag-iipunan talaga niya ang panregalo dito. Ayaw niya na magtatampo sa kanya ang batang China na sobrang cute. Matapos kumain ay niyaya niya ito sa Blue Magic. Pagpasok pa lang ay nakita niya ang hinahanap. Isa iyong Stuffed toy na tiger, halos kasinglaki iyon ng tatlong  taong gulang na bata. Agad niya iyong kinuha at ipinakita sa dalaga. “Ano sa tingin mo?” tanong niya. “He’s cute!” nakangiting inabot nito ang stuffed toy. “He? Paano mo nalaman na lalaki yan?” “Basta alam ko lalaki yan! Look at him para syang nagpapacute sa akin kahit hindi sya cute!” pinanggigilan pa nito ng yakap ang hawak na stuffed toy. “Bayaran muna natin para maiuwi na natin!” agad naman iyong kinuha ng nakaabang na salesclerk. Kumuha siya ng  tatlong lilibuhin at inaabot. “Para kanino ba iyon?” “Para sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa!” tugon niya habang nakatitig dito. NAILANG siya sa sinabi nito. Siya ba ang tinutukoy nito na pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Nakakahiyang mag-assume, mamaya ay hindi pala siya. Matapos nitong abutin ang malaking paper bag na naglalaman ng stuffed toy ay nagyaya na ito sa pag-uwi. Medyo nadismaya siya. Nanatili lamang na hawak nito ang stuffed toy. Mukhang nagkamali siya ng akala. Sino kaya ang pagbibigyan nito ng stuffed toy? Eh ano naman kung hindi sa kanya ibibigay, kaya din naman niyang bumili ng ganung stuffed toy. Kahit yung mas malaki pa dun ay kaya niyang bumili! Pero naghuhurumentado ang puso niya isipin pa lang na hindi sa kanya ibibigay ang  stuffed toy na yun. NAKARAMDAM siya ng hiya, hindi niya tuloy alam kung paano ibibigay sa dalaga ang binili nila. Ano ba ang tamang paraan para sabihin sa dalaga na para sa kanya ang binili nila. Hindi siya makaisip ng matinong salita para sabihin  iyon sa dalaga. Naglalakad na sila sa labas ng SM San Pablo. Patungo sila sa pinagparadahan niya sa may bandang likod. Tahimik sila habang naglalakad. Hindi niya alam kung saan huhugot ng lakas ng loob para ibigay sa dalaga ang biniling stuffed toy. Kapag hindi niya ginawa ngayon ay kailan pa niya ibibigay. At saka ano bang nangyayari sa kanya? Para iaabot lang sa dalaga, ano bang problema? “China wait!” awat niya sa mabagal nitong paglalakad. “Yes! Why?” baling nito sa kanya pagkatapos tumigil sa paglakad. Marahan niyang itinaas ang paper bag sa harap nito. “Bakit?” tanong ng dalaga. “Anong…?” “Para sa’yo talaga iyan! Utang ko sa napakaraming Birthday at Pasko na hindi kita nabigyan ng gift” “Talaga!” biglang nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya. Matapos abutin ang paper bag ay sinugod siya nito ng mahigpit na yakap. “Thank you so much!” Hindi niya alam ang reaksyon niya sa simula pero ng mayamaya pa ay yumakap na rin siya dito. Pakiramdam niya ay lalo pang humigpit ang yakap nito ng gumanti siya ng yakap. Matapos ang isang mahigpit na yakap ay isang napakasarap na halik sa magkabilang pisngi ang ibinigay nito sa kanya. Napatitig lang siya matapos ng ginawa nito, para siyang natuklaw ng napakagandang ahas. Tila siya isang teenager na noon lang nakaranas mahalikan. Napansin nito ang pagtitig niya. Kagyat na nawala ang ngiti sa mga labi nito. Isang kabaliwan pero nagkaroon siya ng lakas ng loob para humalik din sa namumula nitong  pisngi.  Pumikit ito ng gawaran niya ng halik ang kanang pisngi nito. Tapos na ang halik niya pero nananatili itong nakapikit. KATAPUSAN na ba ng mundo? Nawala siya sa sarili ng malamang para sa kanya talaga ang binili nila. Hindi na siya nag-isip ng basta na lamang niya yakapin ang binata. Hindi pa siya nakontento sa yakap, sinagad pa niya hanggang sa paghalik sa mga pisngi nito. Kaya ng bumalik ang katinuan niya ay hiyang-hiya siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya. Lalo na ng titigan siya ng binata. Sobra yata talaga ang ginawa niya. Nabigla siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Napapikit na lang siya ng lumapat ang mga labi nito sa kanang pisngi niya. Ninamanam niya ang kaluwalhatiang dulot ng simpleng halik nito. Nakangiting mukha nito ang nasilayan niya ng magmulat siya ng mata. Pinaglapat at pinagdaop nito ang mga palad nila. Hindi siya tumutol. Hinayaan niya ito. Ni hindi siya nagtanong. Bakit pa? Hindi ba at ito naman talaga ang pinapangarap niyang mangyari noon pa man. Naglakad sila ng magkadaop ang palad. Walang usapan hanggang makarating sa kotse nito. Ipinagbukas siya nito ng pinto. Hinalikan pa ng binata ang likod ng palad niya bago iyon binitawan para makasakay siya ng kotse at isinara na nito ang pinto sa tapat niya. Mabilis itong pumaikot sa driver seat. Matapos makalabas sa may parking area ay naramdaman niya ang muling paghagilap ng  kanang kamay nito sa kaliwang kamay niya. Katulad kanina, hindi siya tumutol at nagtanong. Hawak nito ang kamay niya habang nagdadrive, at binibitawan lang kung kinakailangan. Gabi na, maghapon na silang magkasama. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang pag-uwi nila, kaya nagtaka siya ng ihinto nito ang sasakyan sa parte ng highway na hindi mabahay. “May problema ba?” tanong niya kay Bastian. Ngunit isang nangungusap na tingin ang sumalubong sa mga mata niya. Hindi ito tumugon bagkus ay dinama ng mga daliri nito ang mga labi niya. Hinaplos ang kanang pisngi na hinalikan nito kanina. Magkahugpong ang paningin nila habang ginagawa iyon ng binata. Naghihintay sa maaari pang gawin ng binata. Hanggang ang distansya sa pagitan nila ay unti-unting lumiliit. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang paglalapat ng mga labi nila. Sa simula ay patudyo-tudyo lang ang mga halik nito hanggang maramdaman niyang gusto nitong ibuka niya ang mga labi niya. Hindi niya alam ang gagawin, first time niyang maranasan ang ganoong klase ng halik. Sulit ang paghihintay niya ng matagal, langit ang mahalikan ng lalaking pinapangarap niya. Ang lakas ng loob niyang isipin noon ang salitang pang-aakit, e ni hindi nga siya marunong humalik. The moment na ibinuka niya ang labi niya ay naramdaman niya ang pagpasok ng dila nito na tila may hinahanap. Hindi niya alam kung paano. Nag-iinit ang buo niyang pagkatao sa halik ni Bastian. Pilit hinahabol ng dila nito ang dila niya. Naramdaman niya ang pagpasok ng mga kamay nito sa blusa niya. Wala na nga siguro siya sa katinuan dahil ni katiting na pagtutol ay wala siyang maramdaman. Matagal na nanatili ang mga labi nito sa labi niya. Ang dila nito na walang tigil sa pagsaliksik sa loob ng bibig niya, walang tigil na pakikipaglaro sa mga dila niya. Kung hindi pa nila naramdaman ang pangangapos ng hininga ay hindi pa ito aagwat. Ngunit naghanap lang pala ang labi ng binata. Bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Kasabay ng pagkakatagpo ng palad nito sa kanang dibdib niya. Kusang lumiyad ang katawan niya ng maramdaman ang palad ng binata sa kanang dibdib niya. Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng ungol mula sa mga labi niya. Para syang lalagnatin, nag-iinit ang buong pakiramdam niya. Tila sasabog ang puso niya sa hindi maintindihang damdamin. Naramdaman niya ang pagtigil ng palad nitong nakapisil sa dibdib niya. Natigil rin ang paglilikot ng mga labi ni Bastian. Mabining hingal na tila nagpipigil ang naririnig niya. Marahang sumubsob ito sa balikat niya. “Bastian are you okey?” kinakabahang tanong niya. Ito pa talaga ang inintindi nya. Inalis nito ang kamay na nakapaloob sa blusa niya at dinampian ng mariing halik ang leeg at labi niya. Inayos pa nito ang medyo nagusot na blusa niya. “No!” tugon nito sa tanong niya kanina. “Alam mo ba na pwede akong mapatay ni Rad sa ginagawa ko?” Sarili pala ang iniisip nito. “At natatakot ka sa maaaring gawin ni kuya kapag nalaman niya!” may pagtatampo sa tono niya. “Natatakot ako sa maaari kong gawin sa’yo!” hinagilap nito ang mga palad niya, pinupog nito ng halik ang magkabilang palad niya na tila ba doon kumukuha ng lakas. Damang-dama niya ang kaluwalhatian ng mga halik nito sa palad niya. Nakapikit pa ito habang ginagawa yun. “Bakit ano ba ang maaari mong gawin?”inosenteng tanong ng dalaga. Dinala ng malalaki nitong palad ang mga palad niya sa magkabila nitong pisngi “Pakiramdam ko ay magagawa ko ang lahat mapasaakin ka lang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD