Tracy's POV "Tracy!" Agad kong nakita si Gab na tumakbo papalapit sa akin. "Kanina pa kita hinihintay." Nakangiting saad nito sa akin. Para bang napawi lahat ng pago ko nang makita siyang ang saya saya. Bibihira kasi si Gab na ganito. Yung parang dati lang na kahit mapanglait pero kita mo sa mga mata niyang masaya siya talaga. Sa dinami dami ba ng pinagdaanan namin at sa hirap ng sitwasyon namin. "Nandito ka na naman hindi mo na naman ako matiis." Sinuntok ko ng mahina ang dibdib niya "Bukas, Magdate tayo. May sasabihin akong Importante sayo." Bigla naman niyang sinabi. Napakunot ang mga noo ko at hinintay ko ang mga susunod niya sasabihin "Sa Function Hall nila Rowin. Inupahan ko sa kanya ang buong lugar. Kaya siputin mo ako. Wag kang Paasa!" sabi pa nito. Mahina akong napatawa at

