"Lasing ka ba?" Tinulangan ako ni Gab na maglakad ng matuwid "Uminom ako ng isang basong alak kanina" "Ha? Bakit ka umimom?" "Kase nga Bar daw yan alangan naman mag Arcade ako. Bili ako ng Token sa TimeZone tapos mag Rides ako. " Pambarag ko naman sa kanya. Eh Siraulo din naman kasi itong si Gab. Magtatanong kung uninom ako eh galing nga ako sa Bar. "Sabagay. After mo uminom feeling mo nagrirides ka na niyan" sabi pa nito "Echosera ka talaga." Kumalas ako sa pagkakaakbay niya "Asan ba kotse mo ha. Pagod nako eh. Nalagpasan na yata natin ang Quezon City wala pang sasakyan." Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang mga binti kong nanakit na "Grabe ka, Asa kanto palang yung Bar." turo naman nito sa pinanggalingan namin "Eh nasan kotse mo?" Tanong ko naman sa kanya "Iniwa

