Snow's POV Nandito kami ngayon sa auxiliary room at pinag-aaralan ang mga kayang gawin ng mga weapon na napili namin. Hawak hawak ko ngayon ang bow and arrow pero may iba't-ibang klase ang bow and arrow. May long range at short range. Pinili ko ang long range pero mas mahirap ito gamitin dahil mas matigas ito at mas makunat kesa sa short range at malaki din ito. Target shooting lang naman ang ginagawa ko habang sina Will at Raven ay kanya kanya din ang practice. Di pa ako masyadong magaling dito kaya puro mintis ang tira ko sa target board, wala man lang bull's-eye. Pero at least di naman siya labas sa board. "Straighten your back and take a deep breath." Saad ni Yuan sa akin. Kanina pa ito eh. Di niya binabantayan yung dalawa samantalang ako bantay sarado. Lagi nitong pinupuna ang post

