Snow's POV Nandito kami ngayon para sa aming physical combat class. Akala ko ay matatapos na ang torture pero hanggang dito pa rin pala. Akalain mo ba naman na pati dito ay kagrupo ko parin yung parehong group from Weaponry at nandito pa rin ang Elites at nalaman ko na talagang ginagawa pala nila ito kahit sa mga nakaraang freshmen. Kaya lahat ng klase ng mga ito ay sa umaga at wala sa hapon para mag-assist ng mga newbies. Ngayon naman sa physical combat, pasalamat na lang namin at mabait ang instructor namin dahil kahit papano ay nakakapagjoke kami rito. Yung Elites naman ay nasa bleachers lang at naka-upo habang pinapanood kami. Kami na nakalinya at inaaral ang balanse namin. Nasa basics pa kami. Napansin ko na habang nakatingin sa amin ang Elites ay nag-uusap naman din sila and God k

