THE ENCOUNTER CONTINUES
Mia
NANLAKI ang mga mata ko. "I-I'd rather not!" may diin na pagkakasabi ko.
"Baka magkasakit ka. Matuyuan ng pawis. I saw you very wet from the rain, miss."
Napalunok ako dahil parang napakalapit lamang ng boses niya.
"No, it's alright. I' m okay." Pero pinapaypayan ko na ng kamay ang leeg ko.
Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. "Could be a power interruption due to heavy rain." May narinig akong crack ng mga daliri. "I should rest for a bit. Uupo lang ako, miss. Nakakangalay ang nakatayo. You want to sit with me?"
It's a good thing he couldn't see my reaction. Because I know I'm as red as a maddening lion ready to devour her enemy. And why is he telling me to sit? This isn't my elevator. So I don't care if he sits or not.
"N-No, thanks." I said at kinapa ulit ang bag ko. May bote ako ng mineral water so I gulped a bit to lessen the dryness of my throat.
"Puwedeng makiinom?"
How did he know I was drinking? Hindi ko nga makita kung saang parte ng elevator siya nakaupo.
"A-Ano?" alangan kong tanong dahil baka nga nakikita niya ako ngayon. Like he has an infrared light that could see me even in the darkness.
"Narinig ko'ng pagbukas mo ng tubig pati na pag-inom mo. Can I have some? Naiinitan na rin kasi ako."
Ganoon ba kalakas ang ginawa ko para marinig niya? He has good sense of hearing.
"O-Okay lang ba? Ininuman ko na 'to..." Oh s**t, Mia. Just tell him, no!
"Of course it's okay. Wala ka naman sigurong sakit?" His voice was amused.
"Wala 'no!" nabigla kong sagot. "Uh, I mean, wala naman. As far as I know." I declared so he would think twice.
"Can you extend it to me then? The water?"
Talagang makapal ang mukha niya. Sabagay, sa dami ng hikaw niya, malamang makapal na ang balat niya. Ako naman, nangapa sa dilim at sinubukang iabot sa kanya ang boteng hawak ko.
"Ouch miss! That's my foot."
"S-s**t, sorry!"
I heard his manly laugh. Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan.
"Okay lang. Mabuti pa, umupo ka muna. Then I’ll try to reach you."
So I sat and felt the cold metallic floor. Sana pala kanina pa ako umupo. Malamig ang sahig at parang may munting hangin na nag-o-originate from somewhere.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Agad akong pumiksi.
"Oh, s-sorry," nabigla niyang sabi at saka natahimik.
Nagdikit ang aking labi. Kung makahingi ng tubig, parang may ipinatago siya sa akin. Tapos simpleng ita-touch ako. Hindi kaya rapist siya or miyembro ng isang gang? Isang mafia na puro may makulay na buhok at tadtad ng piercing sa katawan? Na pati dila, pusod niya at n****e ay may hikaw din? Or who knows kung saang parte pa ng katawan niya ang may butas. Oh mama, Mia!
"D-Did I scare you, miss? Pasensiya ka na.”
Sa halip na sumagot, in-extend ko ang kamay kung saan ko naramdaman ang presensiya niya. He's at my right side, I think. "Here's the water."
Maya-maya pa ay nakapa rin niya ang boteng iniaabot ko. Pinakawalan ko iyon para sa kanya. I heard him turning the led of the bottle. And I also heard him drank and sighed like his thirst was quenched.
"That's a relief. Hindi ko inubos. We need this dahil baka magtagal tayo rito."
Bigla akong kinabahan. Paano nga kung magtagal kami rito? No, I don't think so, Mia. For sure may mga naghahanap na sa inyo ngayon. Pero sino naman ang maghahanap sa akin?
I was fired yesterday by my forever manipulative boss. I didn't tell Suzy I'll be here. It’s still raining outside dahil sa papalapit na bagyo. I’m not even sure if Kyle will look for me.
"You're working at this building?" I asked.
"Nope."
Kumunot ang noo ko. "You just said you left your phone upstairs?"
"Yep. I’m here for a meeting. Babalikan ko nga sana ‘yong phone ko but then this. Ayoko rin sanang magpakita ulit kay alm… kay Mr. Tyago."
Mr. Tyago? Siya ‘yong sinabi ni Atty. Magno na hanapin ko. Bakit ba hindi ko nakuha ang numero ng taong iyon nang sa gayon ay makahingi kami ng saklolo? Damn it! Paano ko gagawin iyon kung lowbat ako?
And yes, dapat siyang mahiya. May meeting siya pero ganyan ang ayos niya. "Why are you here by the way?" I suddenly asked.
Napasinghap siya. "So getting to know you na tayo, miss?"
Gustong umusok ng tainga ko. Lalo tuloy akong pinagpapawisan. Parang ayoko na tuloy magtanong. Kung may iba lang sana akong choice para kausapin. Manahimik na lang kaya ako? Pretend to hear nothing. Like I'm all alone in this old elevator.
Natawa siya. ‘Yong nakakaasar na tawa. "If you want to know me, you have to ask my name first." Parang relax na relax na sabi niya. Kanya na ang pangalan niya! Baka sing-pangit ng ugali niya ang kanyang pangalan! "Or much better if I ask your name first. What's your name, miss?"
Dapat ko ba siyang sagutin ng totoo? Hindi na rin naman kami magkikita pagkatapos ng araw na ito. Umupo ako ng pa-indian sit kaya napaangat ang paldang suot ko. I felt the cold floor under my thighs.
"Flor," I suddenly said.
"Flor? That's your name?"
Gusto kong matawa. Pero nagpigil ako. I don't want to tell this freak my real name.
"I’m Ambrosio," pakilala niya.
...