Xander's pov
Nandito ako sa kwarto nila , nakakainis! Bakit kasi ako pa ang pinagbantay sa babaeng to! No choice din ako kundi sumunod at bantayan siya.
Nasa baba kasi silang lahat .
4 na araw na simula nung nangyare kay chloe.
At apat na araw na din siyang tulog.
and guess what apat na araw na din akong nagbabantay
I admit na maganda siya,Oo tama sila
Pero sadista at amazona siya tsyaka cold din siya kaya nevermind nalang! -,-
hindi ko din alam kung bakit makita ko lang siya ay naiinis na ako agad
Nilagyan ng bandage yung kaliwang braso niya
Hanggang ngayon nag tataka padin ako kung anung meron dun sa braso niya. Bakit sabe ni Maam Elizabeth ay wag na wag ko daw yung titignan. Ano naman meron dun? bakit hindi puwedeng tignan?
Nagtataka padin ako kung kaninong kapangyarihan yun nung gabing nangyare sa Bayan.
Tinatanong ko sila Den pero wala naman sumasagot saken ng matino. Itong babaeng to kaya yun?
"Kumain kana. Ako na muna mag babantay sakanya" medyo nagulat ako ng may magsalita sa Likod ko.
Si tyler.
kaya tinignan ko siya at agad na
Tumayo ako at tahimik na lumabas ng kwarto.
Bago ako lumabas nakita ko na lumapit siya sa Kama ni chloe at hinawakan ang kamay nun.
Tss. may gusto ba siya kay chloe?
********
Teacher elizabeth's POV
Naguumpisa na ang mga pag babago sakaniya di magtatagal makokontrol nya na ang kapangyarihan na meron siya. Pero mukhang malabo na magawa nya yun sa maikiling panahon lang.
Be strong Chloe.
isa ako sa saksi sa paglaki ng batang ito at sana makayanan niya lahat ng mga hamon na darating sa buhay niya dahil naguumpisa palang ang mga ito.
tinitignan ko lang sila mula dito sa taas,maamo ang mukha nito mana sakniyang ina at mahimbing na natutulog.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
T
YLER POV
Nag paalan na ako kila elle na aakyat na ako sa kwarto ni chloe kung saan siya nagpapahinga
naabutan ko doon si xander na nakaupo lang sa sofa at nakatingin sa natutulog na si chloe
"kumain kana ,ako na muna ang magbabantay sakniya" sabi ko kay xandr ng makalapit ako
hindi naman nagabalang magsalita si xander, tumayo nalang ito at dumiritso na sa pinto
umupo ako sa upuan sa tapat ng kama ni chloe na mahimbing na natutulog.
Bakit ba hanggang ngayon tulog padin siya? Wala ba siyang balak na magising?
Dahil ba to dun sa gamot na sinabe ng daddy niya?
"Gising na." Alam ko na para akong tana dito na kinakausap siya.
Sabi naman ni Maam elizabeth na normal lang daw na matagal siyang magising dahil nagrerecover pa siya .
"Wala ka bang balak na gumising ? Ilang araw ka ng tulog oh" Hnd ko alam pero nagaalala ako sakniya.
I dont know why.
Nalaman na ng council ang nagyare samen sa bayan.
At nagalit sila. Dahil lumabag kami sa Dalawang rule
Una , dumaan kami sa portal , its restricted area.
Pangalawa, lumabas kami ng academy at pumunta sa bayan
Nagalit sila pero gumawa naman agad ng paraan si Xander para hnd kami maparusahan. Dahil saknya ay di kami pinarusahan, Anu pa bang aasahan natin sa isang Hari? Tsk.
Pero di alam ng council kung anung nangyare kay Ms.Vanhouche. Hnd namin sinabe dahil gaya ng pakiusap samen ni Ms.elizabeth
Na hnd naman ito dapat na makarating pa sa Konseho.Baka magdulot lang ng gulo pag nalaman nila.
Tinititigan ko lang siya
Para syang anghel na natutulog. Sleeping beauty.Pero pag gising para kang kakainin ng mga mata niya. Dahil sobrang lamig ng mga titig niya nakakatunaw.
Bilib ako sakniya dahil siya lang ang may lakas ng loob na kalabanin si xander at sagot sagotin
At sya lang dn ang babae na nakasapak at nakapagpatulog kay Louis sa isang physical activity
Gusto kong kilalanin ang babae na to. Napaka mysteriosa niya sa paningin ko. Ni hindi ko nga alam kung marunong ba siyang ngumiti o tumawa ng totoo eh.Napapansin ko kasi minsan ay peke ng ngiti niya at pinipilit niya lang.
Hinawakan ko ang kamay niya ng
Makita ko na unti unti siyang nagmulat ng mata.
Napangiti naman ako bigla ng tumingin siya saken .
"A-asan ako?" Tanong niya saken
Akma siyang uupo pero pinigilan ko siya
" nandito ka sa kwarto nyo. May gusto ka bang kainin?" Paniguradong gutom na siya 4 na araw ba naman siyang tulog diba?
"Anung nangyare? "Tanong niya na hnd ko alam ang isasagot dahil di ko din alam kung anung nangyare saknya , napahawak naman siya sa ulo niya ,siguro ay nakaramfam ng kirot mula doon.
" 4 na araw ka ng tulog. Actually panglimang araw na dapat ngayon. Namilipit ka kasi sa sakit nung nakaraang linggo " paliwanag ko saknia
nakinig lang sya habang hinihilot ang sentido niya
Tumango lang siya kaya tinulungan ko siyang umupo. Nilagyan ko ng unan ang likod niya para maging komportable ang pagupo niya
Bakit ba ang tagal nilang lahat?
sabi nila ay susunod sila dito, at dito nalang daw sila mag gagawa ng mga gawain.
"Thank you" nanghihina pang sabi niya halata sa mukha niya na nanghihina padin siya.Maputla padin ito
pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig ,upang ipainom sakniya
pagkatapos kong kumuha ay lumapit na ako agad sakniya upang alalayan siyang uminom ng tubig.
"Andito na ang pagkainnnnn~CHLOEE?" masayang sigaw ni Elle sa pintuan kahit kelan talaga napaka ingay!
Pumasok siya sa kwarto
Ng makita niya na gising na si Chloe ay dadambahin niya sana ito ng yakap
buti nalang at napigilan ko
" mahina pa siya! Kagigising palang diba!!" Sigaw ko saknya ng pigilan ko siya
"Naman kuya payakap lang ehhhhh!! Miss ko na siya eh! Bakit ba!" Sigaw din nya pabalik saken!
Napaka isip bata talaga!
Tinanggal nya ang kamay ko na nasa braso nya saka lumapit kay Chloe at umupo sa tabi nito.
Mukhang nakahanap ng kaibigan ang kapatid ko ah.
"Oyyyy!! Buti naman gising kanaa!!!"masayang sigaw ni Den mula sa pinto dahil kakapasok nya lang.
Di na ako magtataka kung bkit mgkibgn sila! Parehas na maingay!
Lumabas na ako
Pero bago ako makalabas narinig ko siya na magsalita at banggitin ang pangalan ko
" thank you sa pagalaga sakensainyong , salamat din sainyo lahat "
Napangiti ako.
Pero di ako ang nagbantay sakniya sa loob ng apat na araw.
Ngayon ko lang nga siya binantayan eh.Dahil may mga inasikaso din ako