Chapter 2
SCHOOL
“O , natahimik ka dyan beh?” - Kim
“Siguro gusto mo na yon no? na love at first sight ka beh?” si Malou na todo yong tukso sa akin. Sabay pa talaga sila na tumawa dalawa.
“ANO ba. Tigilan niyo na ako sa mga ganyan. At saka anong na love at first sight eh hindi ko nga alam asan dyan sa lalaki na pinagmamalaki ninyo na vivi eh” sabi ko sabay irap sa kanila.
“Yong naka white beh. Siya yong tinutukoy namin na vivi. Hindi mo lang nadugtungan yong sinabi mo kasi nga inlab ka na beh.” - Malou
“EHHHHHH”. Sabay pa talaga silang dalawa.
“HOYYY ano ba papasok ba tayo o mag chi-chismisan tayo tungkol sa lalaking iyan?” si Aira na nagagalit na talaga.
“Ayy galit na naman siya. Minsan na ngalang magsalita nagagalit pa.” - Kim
“Tayo na malapit na mag 8:30 hindi pa natin nakikita room natin” sabi ko sa kanila sabay sulyap doon sa lakaki na naka white pero syempre hindi ko pinapahalata sa kanila mahirap na.
Mabuti nalang at nakita rin room namin. Ang masaklap nga lang doon ay wala kaming klasi kasi nag me-meeting daw yong mga instructors. Syempre hindi lang mga klasmates ko na hindi ko pa alam yong mga pangalan yung nag bunyi, kasama na rin doon yong mga friend ko na mahilig sa gala.
“So ano ang plano wala tayong klasi daw?”
“ Edi tara na ang mag yars”
Pinalo ko ng hindi naman malakas si Kim. Eh kasi naman bukod sa umagang-umaga, inom na agad ang nasa isip. Hindi man inisip ang katawan na sobra na ngang payat.
“Ano ka ba Joke lang iyon. Naniwala ka naman agad beh. Ang ibig kong sabihin tara nat tayoy kumain. Hindi pa kasi ako nag aagahan. Ang aga kaya nating pumasok.” - Kim
“HEHEHE sorry, sige tara na” sabi ko naman sa kanya na pabiro.
“Okay lang yun beh. Lab naman kita eh kahit wlang nagmamahal sayo na lalaki. HAHAHA” agad naman niyang sabi na nakabwisit talaga sa akin nga sobra.
Gago talaga tong mga kaibigan ko na ito. Pero kahit ganito sila sa akin. Mahal ko parin ang mga ito.
“Sige pili na kayo ng kahit na ano nyong kainin. LIBRE KO.” sabi ni Aira
Ito ang pinaka nagustuhan ko sa kanya kahit gaano pa kasungit ito sa amin hindi niya talaga malilimutan na manglibre sa amin. Saming mag kakaibigan isa rin siya sa mga big time kasi kaya ganon nalang ang pag papa spoiled sa amin pag dating sa pag kain. Pinaka ayaw niya ang may mangayayat sa mag babarkada.
“TALAAAGAAA hindi talaga ako tatangi dyan. Pagkain here I comeeee” si Kim yon sino pa bang iba. Ang hilig kaya non sa pagkain.
“Jean tawagin mo na rin ang iba balita ko rin kasi na wala rin silang klasi.” Sabi ni Aira sa akin
“Sige rang tatawagan ko na sila.”
Kaya lang…
“Sorry wla pala akong load hehehe” sabi ko sa kanila
“Hay nako porket ba wlang jowa hindi na nagpapaload? Ganon beh?”
“Eh kasi Malou wala naman akong tatawagan. Palagi ko naman kayong kasama. At saka tinatawagan lang ako nila Papa. So ano pa ang silbi ng pag papaload ko diba?”
“Will tama ka naman dyan pero hindi natin alam. Baka bukas o kinabukasan ikaw pa ang parating unli sa ating magbabarkada. Patawag nalang ha? HAHAAHA”
Hayan na naman po sila. So ayun nga sila nalang ang nagtawag sa iba pa naming barkada para sabaysabay kaming kumain. Hindi na nga nakapaghintay si Kim at siya na ang nog order sa lahat.
NANG papasok na sina Camille, Jawharah, Ramilyn, Janessa, at Joanna. Doon ko lang napansin yung mga lalaki na sobrang lakas tumawa. Nasa kabilang table kasi sila malapit lapit lang rin sa aming table.
“Ayy HAHAHA Jeannn nandyan vivi mo o. HAHAHA” sabi ni Malou na parang hindi mapakali at parang maiihi sa kilig.
“HA? Sinong vivi? Nandito ba? Saaannn?” sabi naman ni Kim na napatigil pa sa kinkain niya.
Nakupo nakakahiya na ang ginagawa nila. Bigla kasing sumigaw si Kim sinabayan pa ni Ramilyn na hindi mapakali kung sino ang tinutukoy nila na vivi. Lamunin na sana ako ng lupa. Ngayon na. as in NOW na.
“Pwede ba wag na kayong maingay. Nakakihaya sa kanila. Baka sabihin pa nila na easy to get tayo na mga babae.” Si Aira na pinangangaralan ang mga kaibigan namin. Salamat talaga dzaii.
“ HOY ano na? walang balak kumain? Kasi ako nagugutom na ang mga dragon ko. kung kayo gusto niyo pang mag chikahan bahala kayo basta ako kakain na.” si kim na kumikislap na ang mga mata sa mga pag kain.
“SIGE NA KAKAIN NAAAA” sabay kuha ng mga gusto nilang kainin.
HABANG ako hindi ko talaga maiwasan yung lalaking nakaputi. Tinignan ko siya ulit. Ganon nalamang yung gulat ko ng tumingin siya sa akin. At don tumigil ang mundooo. Ay nako ano ba ito at napakanta ako bigla sa isipan ko. HAHAHA. Bigla ko nalamang nilihis yong mata ko at pinag tuonan ko nalang ng pansin ang mga pinagkainan ko.
NAGKANYA- KANYAng paalam na kami para pumasok sa next naming subject. Hindi ko na nakita pa yung lalaking nakaputi kasi nauna na silang pumasok sa school.
“Beh? Okay ka lang? iniisip mo ba vivi mo? Ayy nako wag kang mag alala makikita natin siya ulit. HAHAHA” - Jawharah
“Kina- career yong vivi na word ha? HAHAHA” sabi naman ni Ramilyn sa kanila
“ Tama na nga yang panunukso ninyo. Promise hindi tumalab sa akin.” Sabi ko sa kanila na hindi sila tinitignan.
“Ehh bakit hindi ka makatingin sa amin abeeeer?” sabi naman ni Kim na haggang ngayon ngumunguya parin.
Ano? Nagustuhan mo na ba? May dugudug na ba dyan sa puso mo pag nakita mo siya?
“Ano ba. Hindi ko naman siya araw- araw na nakikita. At saka tigilan niyo na nga ang mga ganyan. Hindi na nakakatuwa ha. “
“Nakuu yang mga ganyan na salita. Sa huli kinakain din nila. Kaya nga mas na e-excite ako sa iyo ehh. HAHAHA” sabi ni malou na todo ang tawa pagdating sa panunukso.
EWAN ko ba pero malaki talaga ang epekto sa akin nung mga sinasabi nila. Para kasing nagkakatotoo eh. Huwag naman sana kasi mapapahiya talaga ako pag nagkaganoon.
NATAPOS ang klasi naming na hindi ko naiintindihan yong mga dini-discuss ng instructor namin. Hindi ko kasi mawala sa isipan ko yung mga tingin sa akin ni lalaking nakaputi. Bakit ba kasi ako nag kakaganito. Hindi naman ako ganito dati. Ahh bahala na mag aaral nalang ako ng mabuti para mawala sa isipan ko yung lalaking nakaputi. Malamang bukas mawawala rin ito. At sana bukas hindi na kami magkita. Sa laking paaralan ba naman na ito malabong magkita pa kami ulit non.